One
Naalimpungatan ako sa lakas ng tunog.Nakangiwing idinilat ko ang mata ko at luminga sa paligid.Pumapasok na ang sikat ng araw sa loob ng kwarto ko.
"God!Anika open the door!"
Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa pinto.Patuloy ang malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.Mabilis akong bumangon at halos magkatisod-tisod ako sa pagmamadali.Agad kong binuksan ang pinto at nabungaran ko na nakalutang sa ere ang kamay ni Selene na akma atang kakatok ulit.Habang si Kuya Caiden ay nakasandal sa pader at nakangisi.Si Cleo naman ay nakangiwing pinasadahan ako ng tingin at umiling-iling.
"Let me guess,kakagising mo lang ano?" nakataas ang kilay ni Selene sa akin at nakapameywang na nakatingin sa akin.Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa nina kuya Caiden at Cleo.
Napakamot ako sa ulo at nahihiyang tumingin sa kanila. "I'm sorry..tinanghali ako ng gising." napangiwi ako ng lalo akong sinamaan ng tingin ni Selene na umani ng malakas na halakhak nina kuya Caiden at Cloe.
"Hala!Pasok sa loob at mag-asikaso ka na." bahagya pa akong itinulak papasok ni Selene sa loob ng kwarto ko.
Nakita kong bumaba na sina Kuya Caiden at Cloe. "Hintayin ka na namin sa baba at ng makapag-almusal na." bilin ni Selene bago siya bumaba ng hagdan.
Napabuntong-hininga na lang ako.Kahapon ay tumawag si Tita Lessa sa kanila mama na ngayon daw uuwi ang anak nila na pinsan namin na si Alexius.Nakatira ito sa Amerika at duon nag-aaral.Pero ngayong taon ay dito na papatapusin ng pag-aaral ni tita at makakasama din namin siya sa school.
Sa mga picture ko lang nakikita si Alexius.Sa tuwing bakasyon kasi ay umuuwi siya dito para mag-bakasyon o kaya naman ang ibang mga pinsan ko ang napunta sa kanya para mag-kasama-sama sila.Samantalang ako ay mas ginugugol ko ang bakasyon ko sa Farm ni Lola Leonor sa probinsya,kaya hindi pa kami nag-kakaroon ng pagkakataong magkita o magka-kilala man lang.
Ngayong araw ay magkakaroon ng welcome party para kay Alexius at gaganapin iyon sa resort na pag-aari nila Tita Lessa.
Binilisan ko na lang ang pagaasikaso ko.Buti na lang ay nakapaghanda na ako ng gamit na dadalhin ko sa resort,bale 1 week kaming mananatili duon at yun ang napag-kasunduan naming mag-pipinsan.Wala namang problema sa mga magulang namin.
Pagbaba ko ay bitbit ko ang isang backpack at isang maliit na maleta.Lumapit sa akin si Calum na isa din sa pinsan ko ng makita niyang nahihirapan akong magbuhat ng maleta.Inilagay nito ang gamit ko sa tabi ng sofa kung saan nakalagay din ang ilang gamit nila.
"Thanks." usal ko.Ginulo lamang nito ang buhok ko at tumuloy na sa kusina.
Naabutan ko ang mga pinsan ko na kasalukuyang kumakain ng almusal.
"Kain na Anika,para makaalis tayo ng maaga." Yaya ni kuya Caiden sa akin.
Umupo ako at agad na nag-sandok ng makakakain.Habang nanguya ako ay mataman lang akong nakikinig sa usapan ng mga pinsan ko.Tungkol kay Alexius ang usapan nila.
"My gosh!Buti na lang dito na si Alexius magpapatuloy ng pag-aaral." masayang turan ni Cloe.
"Yes! May pag-aagawan na naman ang mga chix na galing sa lahi ng Monteverde." nakangisi naman si Calum habang umiinom ng kape.
Napaikot ko ang mata ko dahil sa sinabi ni Calum.Malamang tinaguriang playboy at Cassanova ang mga pinsan kong iyan.Mayroon pa nga na nakikipaglapit lang sa amin para lang makalapit sa mga pinsan kong lalaki.
"Ang sabihin mo dagdag sakit na naman sa ulo dahil sa babae." sabi ni Selene.
Napangisi ako dahil sa kaprangkahan niya.Tapos sina kuya Caiden at Calum ay biglang nasamid kaya hindi ko na napigilan ang pag-tawa ko ng malakas.Napatingin sila sa akin kaya tumikhim ako at napayuko na parang walang nangyari.Nakita ko pang iiling-iling si Cloe habang nakangising nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Fiksi RemajaHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...