Chapter 33

398 10 0
                                    


Thirty-three

"Tell me...Ako ba ang dahilan kung bakit may pilat sa kamay mo?"

Natigilan ako sa tanong ni Alexius.Magkaharap kaming dalawa habang nasa ilalim ng kumot ng nakahubad ang pareho naming katawan.Katatapos lamang ng init na pinagsaluhan namin.

Hinahaplos-haplos nito ang pulso ko na may naiwang marka.May dumaang lungkot at pagsisisi sa mga mata niya.Mataman ko siyang tinignan at saka umiling.Ayokong sisihin niya ang sarili niya dahil sa ginawa kong pagtatangkang kitilin ang buhay ko.

"Wala kang kasalanan." mariing tanggi ko dahil yun naman ang totoo.Kung may dapat mang sisihin dito,yun ay ang lalaking nagtangkang gumawa ng masama sa akin at ang sarili ko mismo dahil naging mahina ako.Nagpalamon ako sa sakit  at takot na nararamdaman ko.

"But! Isa ako sa dahilan kung bakit nangyari ang mga ganung bagay.Dapat nasa tabi mo ako at hindi kita iniwang mag-isa.Sa mga panahong kailangan mo ako saka ako naging gago at iniwan kita.Pinagsisisihan ko ang ginawa ko." namasa ang mata nito habang nakatingin sa akin.Ilang beses itong lumunok.

Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan itong hinaplos.Napapikit siya dahil sa ginawa ko.

"Alexius..Wala kang kasalanan.Gusto kong tandaan mo yan.Wala kang kasalanan."

Hinawakan nito ang kamay ko na nasa pisngi niya at siya ay pumikit.Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Kalimutan na natin ang mga nangyari.Gusto kong kalimutan ang lahat.Gusto kong mag-umpisa tayo ulit ng hindi na inaalala ang nakalipas na mga nangyari.Pareho tayong nasakatan at nag-dusa dahil sa mga di inaasahang pangyayari.Lalo na ngayon na magkakaroon na tayo ng anak.Tandaan mong mahal na mahal kita.Mahal na mahal ko kayo ni baby." I said.Pakiramdam ko ay nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko.Tinitigan ko ang napakagwapo niyang mukha na ngayon ay nakikipaglaban na din ng titigan sa akin.

"P-promise me you don't do that again.." Tukoy nito sa ginawa kong pagtatangka kong kitilin ang buhay ko.Bahagyang pumiyok ang boses nito.

"I pormise." nakangiting sabi ko.Yes I'm sure na hindi ko na gagawin pa iyon.Lalo na ngayon na magkaka-anak na kami.

Huminga ito ng malalim at hinalikan ako sa noo.Pagkatapos ay pinagpantay ang aming mga mata.

"Mahal na mahal ko din kayong dalawa ng anak natin." pinatakan niya ako ng halik sa labi at dumako ang paningin niya sa tiyan ko.Hinaplos-haplos niya ito at saka muling bumaling sa akin saka ako muling ginawaran ng mapusok na halik.

______

"Are you sure na ayaw mong samahan muna kita sa inyo? " Pangungulit ni Alexius.

Kanina pa lang na nag-uumpisa kaming bumyahe pauwe ay panay na ang pangungulit niya.Gusto niya akong samahan sa bahay pero tumanggi ako.Kanina pa kasi siya tinatawagan ng coach nila dahil may practice sila sa swimming ngayong araw.Nag-aalala daw kasi siya sa akin dahil puro mga katulong lang ang kasama ko,baka mapaano daw kami ni baby.

Hanggang ngayon ay bahagya pa ding nananakit ang katawan ko dahil sa nakailang rounds kami ni Alexius kagabi.Halos ayaw na nito akong tigilan kung hindi nga lang ako nagreklamo na inaantok na ako ay sige pa din siya.At take note inabot kami ng madaling-araw.Walang kapaguran si Alexius at sa lagay na yun ay nag-pipigil pa siya dahil kailangang mag-ingat dahil may baby na nabubuhay sa tiyan ko.

"No! May practice ka!" angil ko sa kanya.Ang kulit kasi eh!

Ngumuso ito at nanahimik kaya nakahinga ako ng maluwag dahil iniisip ko na naiintindihan niya na ako.

"Please babe..Kahit sandali--"

"Isa! Alexius! Hindi talaga kita kakausapin!" banta ko sa kanya.Mukhang effective naman dahil bakas ang takot sa mukha nito.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon