"Nanay?" napalingon ako kay Chantal na abalang nagd-drawing sa sketch pad niyang may design na hello kitty.
"Yes baby?" nandito kami ngayong dalawa sa office ko dito sa unit ko. May tinatapos pa kasi akong presentation ko para bukas sa meeting.
"Bakit po nanay lang tawag ko sa'yo? Mahirap lang po ba tayo? Sabi po ni Tita Kay rich daw tayo hindi poor." natawa ako sa sinabi ng anak ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Kapag nanay lang ba ang tawag pang-poor na? Hindi ba pwedeng yun kasi ang gusto kong itawag mo sa akin?" inilapag niya yung hawak niyang lapis at humarap sa akin. Kinamot pa niya yung tungki ng ilong niya bago magsalita.
"Ganun po ba? Nagtataka lang po ako kasi kayo po ang tawag kay lola eh mommy. Gusto ko din po sana nun pero dahil ang gusto niyo po nanay ang itawag ko sa inyo, sige po yun na lang." umakap lang siya sa akin at hinilig yung ulo sa balikat ko. Natawa na lang ako nung mapansin nakatulog siya. Panigurado napagod siya ng sobra kanina kila Karla.
Akmang dadalin ko na siya sa kwarto niya nung mapansin ko yung iginuhit niya sa sketch pad niya. May tatlong human stick na naka-drawing dun. Sa tingin ko isang pamilya yun. Nalungkot ako kasi habang lumalaki siya naghahanap na talaga siya ng buong pamilya.
Pagkalapag ko sa kanya sa kama niya pumunta kaagad ako sa kwarto ko para matulog ng tumunog yung cellphone ko. Pagtingin ko sa caller ID, si Joshua.
"Hello Josh!" Josh became my bestfriend magmula nung nagising ako sa aksidente. Lagi siyang kasama noon nila Karlo kapag dumadalaw sila sa akin nun sa hospital. Since then, lagi ko na siyang nakikita dahil na rin sa business partner yung mga magulang namin.
(Sweetie, I miss you!) I just rolled my eyes upward nung marinig ko 'yun. Ayan na naman siya, mang-aasar!
"Josh, nandyan ka na lahat-lahat sa America nang-aasar ka pa rin. Hwag mo akong simulan ah!"
(Ako nang-aasar? Paano? Para sinabi ko lang naman yung I miss you, nang-aasar na ba yun?)
"Alam ko na naman ang kasunod nun eh, sasabihan mo akong miss mo na ako tapos kakamustahin mo si Chantal tapos makikipagkwentuhan ka sa akin, then after nun aasarin mo ako then bigla kang mag-a-I love--- ahm... kamusta ka na?" napatampal naman ako sa noo ko sa mga pinagsasabi ko. Pero ang Joshua Valdez tumawa lang.
(Haha... maayos lang ako dito KC. Ang daldal mo pa rin grabe! Haha.. napatawa mo ako dun ah? So paano sasagutin mo na ba ako?)
"Joshua!"
(Hahaha...) baliw talaga! Nanliligaw din kasi siya sa akin. Siguro may isang taon na rin. Malaki ang utang na loob ko kay Joshua. Nung time na kailangang ako na talaga ang humawak ng kumpanya dahil sa pagkakasakit ni daddy, siya ang tumulong at nagturo sa akin.
"Alam mo Josh, magpatulog ka 9pm na kaya dito sa Pilipinas!"
(I know. Inaantok na nga ako eh!)
"What do you mean?"
(Try mo kayang i-check yung number na gamit ko. +639 siya di ba? Andito na ako sa Pilipinas, sweetie. Kadarating ko lang kanina galing US. Pinauwi ako ni mommy, miss na daw niya yung gwapo niyang anak. Sige na, alam ko namang pagod ka maghapon. Magkita na lang tayo bukas sa office mo. Say my goodnight to Chantal. Goodnight din sa'yo KC. I love you!) and the line went dead.
Napailing na lang ako. Mahilig talaga sa surprise yung lalaki na yun. Panigurado, matutuwa si Chantal kapag nalaman niyang dumating yung Daddy Joshua niya. Yes, daddy tawag niya dahil yun ang sinabi ng malokong Joshua sa anak ko. Pero alam naman ni Chantal na wala na talaga ang tunay niyang ama.

BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
General FictionWhat was really happened to her, three years ago?