Chapter 12

4.7K 60 1
                                    

Rue's POV

Flashback

4 years ago at Milan, Italy

"Dude, kamusta ba yung chicks kagabi sa bar?" tanong ng kaibigan kong Pilipino sa isa pa naming kaibigan.

"Syempre ayos. Kayo lang eh! Nang-iwan kayo ni Ram, eh di sana pati kayong dalawa nakabingwit din ng seksing Italyana!" napailing na lang ako sa tema ng kwentuhan nila. Kahit kailan talaga!  Sila si Ryan at Mac.

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng university namin. Graduating na ako ng Masteral Arts in Civil Engineering. Yup, Engineering ang course ko pero bakit nauwi ako sa pagiging may-ari ng isang sikat na men's clothing? Mahabang kwento.

"Tara na at baka mahuli tayo sa klase. Kayo talaga, basta chiks ang topic niyo, Filipino kung Filipino kayo magsalita ah!" puna ko sa dalawa kong kaibigan. Dinampot ko na lang yung bottled water na binili ko at isiniksik iyon sa gilid ng bag ko.

"Syempre naman, mahirap na baka malaman ng mga kasama nating babae dito na playboy ako eh di hindi na ako makaka-score!"

"Loko-loko ka talaga!" nauna na akong maglakad sa kanila palabas ng cafeteria nang maagaw ng pansin ko yung babae na nag-iisang nakaupo sa may bandang dulo ng cafeteria.

Sa itsura pa lang niya, alam ko naman na hindi siya Italyana. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto niya pero bago iyon, lumingon muna ako sa dalawa kong kasama na busy sa pag-aasaran.

Pagkalapit ko sa pwesto niya, napansin kong nagbabasa siya ng isang libro. Kaagad naman niyang napansin ang presence ko kaya nag-angat siya ng ulo. Agad naman akong ngumiti sa kanya pero nawala iyon ng taasan niya ako ng kilay.

Taray!

"Uhm, hello. I guess you're a new student here. A foreign exchange student?" maayos na tanong ko sa kanya pero ibinalik lang niya ang atensyon niya sa pagbabasa. Magsasalita pa sana ako ng makita kong palapit na pala sa akin yung dalawa kong kasama.

"Ram, oy! Nawala lang kami ng ilang segundo, nagsasariling kalooban ka na dyan!" pang-aasar sa akin ni Ryan.

"Uy chiks!" si Mac. Kaagad ko namang siniko ang bugok! Manghihingi sana ako ng pasensya dun sa babae pero nakita kong nililigpit na niya yung mga gamit niya.

"Hey lady. I'm sorry if we---"

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon