Chapter 27

2.7K 48 5
                                    

Dedication:

chel0912

pawee23

scar1977

ChiiChoy

Kylene's POV

"Alicia, call me back together once they approve the following proposal I sent to you...Yes. This won't take a week, right after it all settle down, I'll fly back there in Manila... Thank you Alicia... Alright, goodnight, bye!"

I let out a heavy sigh.

Three days na akong nandito sa Davao. Supposedly, may meeting ako ngayong linggo sa mga future investors ng kumpanya pero dahil na rin sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, lahat ibinilin ko muna kay Alicia.

Kaninang umaga nalaman na ni Josh yung tungkol kay Charles at hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya.

When I asked Karla about Charles, she denies that she knew him at doon ko nalaman na a month before the incident happened, doon pa lang sila umuwi dito nila Karlo sa Pilipinas galing Australia.

Ibinalik ko na sa bulsa ko yung cellphone ko at akmang mahihiga na ako sa tabi ni Chantal nang magmulat siya ng mata.

"Nanay?"

"Bakit gumising ka pa? Go back to sleep cupcake!"

"Nay, totoo po ba yung sinabi ni LolyMom kanina?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Ano ba 'yung sinabi sa'yo kanina ni mommy?" tumabi ako sa kanya at hinaplos yung mahaba niyang buhok.

"LolyMom said that Tatay Rue isn't my tatay. Nay, alam ko naman po yun, pero sabi pa niya ang tatay ko po eh yung lalaki na kausap niyo dun sa event." nag-pout pa siya sabay kusot ng mata.

"Uhm, yes cupcake. S-siya yung tatay mo." Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Hindi pa kasi niya alam yung tungkol kay Charles. Pagdating nila ni Karla dito kanina, nakipaglaro na siya sa mga bata na anak nung isang maid dito.

"Sana si Tatay Rue na lang po!"

"Chantal."

"I haven't seen him for a while nanay. Miss ko na po siya!" napapikit na lang ako sa sinabi niya.

Ako din. Sobrang miss ko na siya. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin kahapon, hindi ko na siya natawagan pa sa cellphone niya. Basta ang alam ko lang bumalik na siya sa Manila dahil malapit na daw yung fashion show ng men's clothing line niya.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon