Kylene's POV
Naglalakad ako ngayon sa isang lugar na puro bulaklak. Saan ba ito at nang madala ko naman dito yung anak ko!
"Il mio amore."
Napalingon ako sa nagsalita.
Then there he is... the man in my dreams.
Naglakad siya palapit sa akin. Kinusot ko yung mga mata ko, baka sakaling hindi siya maging blurred sa paningin ko pero ganun pa rin eh!
"Ang tagal kitang hinanap. Saan ka ba nagpunta? Lagi mo na lang ako iniiwan." hinawakan niya yung mukha ko at maiging simuklay naman ng kabila niyang kamay yung buhok ko. Ano ba yung sinasabi niya? "Hwag ka ng lalayo ah? Kahit anong mangyari." tumango lang ako. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maglapat yung mga labi namin. Napapikit na lang ako.
"Mahal kita"
Pagdilat ng mata ko, wala na siya at unti-unting dumidilim ang paligid...
---
"Kylene!"
Takbo ako ng takbo. Saan ba ako hihingi ng tulong? Baka abutan niya ako.
"Oh God, please help me!"
"Bumalik ka dito Kylene! Kahit anong gawin mong takbo hindi ka makakatakas dito." Hindi ko ng magawa pang lumingon, natatakot na ako. "Kylene, ano iiwan mo lang siya dito? Ha! Makasarili ka talaga!" hindi ko na pinansin yung sinabi niya. Nagtatakbo na lang ako hanggang sa.... bangin! Ito na naman yung bangin!
"Kylene!"
"Kylene, Kylene wake up!" unti-unti kong idinilat ang mata ko. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Rue. "Ayos ka lang ba?" umiling ako. Hindi ako okay. Iyon na naman yung mga bangungot ko. Akala ko wala na yun. Pero eto na naman sila. "Dyan ka lang, kukuha lang ako ng tubig ha?" tumango lang ako. Pagkalabas niya ng pinto, dun ko lang napansin na nandito pala ako sa kwarto ko. Ang alam ko, dun ako natulog kanina sa kwarto ni Chantal ah.
Pagbalik niya, may dala na siyang isang baso ng tubig. Umupo siya sa may tabi ko at hinaplos ang buhok ko.
"Bakit nandito na ako? Kanina nandun ako sa kwarto ng anak ko ah?" imbis na sumagot ngumiti lang siya sa akin. Kinuha niya sa kamay ko yung walang laman na baso at inalalayan akong humiga. Pagkatabi niya sa akin, tumitig lang siya sa mga mata ko kaya ganun lang din ang ginawa ko. "Uy, bakit nga ako nandito?" pangungulit ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/18358365-288-k808931.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
General FictionWhat was really happened to her, three years ago?