Kylene's POV
Isang oras na ang nakakalipas ng matapos kong makausap yung event organizer na nag-aasikaso sa launching next week. Nakaupo ako ngayon sa swivel chair at abalang nilalaro yung sign pen na hawak ko. Kanina pa ako naghihintay ng text ni Rue pero wala kaya sumandal na lang ako sa upuan ko at pumikit saglit.
Naalala ko yung panaginip ko kagabi. Ako, makasarili? Asar yung humahabol sa panaginip ko. Nagagawa na niya akong i-judge eh di kung siya nga di ko kilala.
Napadilat ako ng mata ko at napaayos ng upo ng tumunog yung intercom at walang gana ko iyong sinagot.
"Yes Alicia?"
"Miss Grecia, Mr. Rue Angelo Montecarlo is now in the waiting area." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Alicia. Si Rue nandito? Why? Di na lang siya nag-text kung may sasabihin siya.
"Send him in Alicia." saglit kong kinuha yung compact powder sa bag ko to do some retouch sa make-up ko. Syempre, boyfriend ko yung papasok sa office ko. Boyfriend... dapat masabi ko iyon kay Alicia para naman di mukhang aplikante si Rue na naghihintay pa sa waiting area ng opisina ko.
Sinalubong ko siya at alanganing napangiti kasi naman pagkapasok niya nakatitig lang siya sa akin. Ano ba iniisip niya?
"Rue" maglalakad na sana ako palapit sa kanya pero naunahan na niya ako sabay yakap ng mahigpit sa akin. What's with him?
"Kylene! My Kylene!" nakaakap lang siya sa akin at ipinatong niya yung chin niya sa ulo ko.
"May problema ba Rue?" lumayo ako ng kaunti sa kanya at tinignan yung mukha niya. I can't name the expression written on his face kaya yumakap lang ulit ako sa kanya.
Hinawakan niya ako sa mga kamay ko at naglakad siya papunta sa may table ko. Umupo siya sa pwesto ko at nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako paupo sa lap niya.
"What the--- Rue!" sinubukan kong lumayo pero humigpit lang yung kapit niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang mamalagi sa ganung posisyon. Good thing at hindi kami kita sa labas ng mga empleyado ko. Nakakahiya kaya yun!
"Pumunta ka lang ba dito para landiin ako?" diretsang tanong ko sa kanya. I know it sounds rude, pero kasi naman eh!
"What's your schedule after the launching next week?" saglit akong lumingon sa kanya at isinandal nang tuluyan yung katawan ko sa dibdib niya. Narinig ko naman yung malalim niyang paghinga. Gusto mo iyan di ba?
"Wala naman. After kasi nun, nagpe-prepare na ako para naman sa business conference ni Mr. Joaquin Montecarlo sa Europe. You knew him right?" I heard him laugh pagkasabi ko nun.
"Yeah. Kilalang-kilala ko 'yun. Ang gwapo kaya ng anak nun!" I rolled my eyes upward. Sinakyan nga yung not-so-funny-joke ko?
"Really? Dapat ko palang makilala 'yung gwapo niyang anak!" tumingala ako sa kanya and as he turn his gaze at me nakaramdan na lang ako ng kilig nung nag-smirk siya sabay wink. Did I do something good three years ago kaya nagkaroon ako ngayon ng boyfriend na kasing gwapo niya?
"Can we go for a vacation after your company's event? I just want to have some quality time with my pretty girl."
"Sure. I should tell Alicia to fix my sched for that."
"Thank you."
"Aside from that, why are you here? I mean, mamaya pa naman yung labas mo di ba?" I ask him habang tinitignan ko na nilalaro niya yung mga daliri ko at tinatanggal yung nail art nun. Baliw lang di ba?
"I miss you. Isn't it enough to pay visit for my girlfriend?"
"I miss you too. Mabuti na lang at wala akong masyadong ginagawa ngayong araw, we can stay all day in this position." I say it in seductive voice. Ewan ko ba, kapag andyan si Rue di ko na alam kung ano ang kinikilos ko. Sa office ko pa lang ganito na kami paano pa kapag--- err... ano ba sumasagi sa utak ko?

BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
Fiksi UmumWhat was really happened to her, three years ago?