Kylene's POV
"Are you sure about this dear?" I glance at Rue and nods at him. He clasps my hand press it. I recognize that whatsoever occurs, he will be the one who suffers most. although he let me talk to Matthew for once, deep at heart he is not into it.Knowing that Matthew Charles is the father of my child and used to be my boyfriend three years ago.
Ngayon pa lang naguguluhan na ako. Ang daming tanong sa utak ko.
Una, bakit itinago sa akin ng mga magulang ko ang totoo? Sa loob ng mahabang panahon pinaniwala nila akong wala na si Charles at di man lang sila nagpakita man lang ng larawan sa akin para naman kahit papaano may idea ako kung ano itsura niya.
Pangalawa, hindi ba niya alam na may anak kami? Kahapon wala siyang naging reaksyon ng makita si Chantal. Yung biglang pag-iyak ng anak ko, lukso ng dugo? Ang daming bagay na gumugulo sa akin ngayon. Isa na dun ay hindi niya ako kilala o baka naman nagkukunwari lang siya?
"Whatever happens Kylene, I am always here. K-kahit na..."
"Kahit na?" nagtaka naman ako kay Rue ng bigla siyang yumuko. Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya. Bumabyahe kami ngayon papuntang airport. Nalaman namin kaninang umaga na umalis na pala si Charles pabalik sa Davao. Si mommy ganun din daw sabi ni Karla. Kinukulit pa nga niya ako kanina kung anong problema ang sabi ko wala.
Isa pa yung si Karla. Bakit di niya nakilala si Charles? Naisip ko nga na baka nagkamali lang sa impormasyon na nalaman si Rue eh, pero sabi niya 'yun ang sinabi sa kanya ng James na private investigator ng daddy niya.
"Obviously your mom doesn't like me. Una pa lang naman!"
"Oh, I'm sorry about that. Ako na bahala kay mommy!" Totoo naman. Nung una pa lang napansin ko na 'yun kay mommy. Dahil ba sa alam niyang buhay naman talaga si Charles at ayaw niya akong magkaroon ng ugnayan sa iba? Pero, gusto niya din ako kay Joshua.
"Don't feel sorry Kylene. As long as we love each other, kahit ano pa o sino pa ang pumigil sa atin tayo pa ring dalawa di ba?"
"Oo naman!"
"I love you."
"I love you too, Rue!"
---
After two hours lumapag na rin ang eroplano na sinasakyan namin papunta dito sa Davao. Sa tulong ni Aira nakapagpa-book ako kanina ng maaga palipad dito.
Saglit na tinawagan ni Rue yung James na tinutukoy niya para malaman namin yung address ni Charles dito sa Davao.
BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
Fiksi UmumWhat was really happened to her, three years ago?
