Chapter 9

4.4K 56 12
                                    

It's so hard to be stranded by a love story. Especially when you are currently feeling the near end but the story isn't ending. Much confusing is today he/she loves you. Tomorrow, he/she doesn't care. Tonight, you're special. The next day you're nothing...

 Kylene's POV

"Nice meeting you Kylene, by the way, I'm Shara Anderson, Rue's fiancée."

Damn! Yung feeling na nagmukha kang kawawa sa harap ng crush mo pagkarinig mo sa mga salita na iyon?! Para akong namula nung maalala ko yung kagabi. What if kung may nangyari sa amin, tapos ganito naman pala. eh di naging kahiya-hiya ako.

Rue's fiancée?

Seriously?

Pero ano naman ang magagawa ko kung may girlfriend na siya, and worse ikakasal na pala siya! Sa gwapo niya na yun, imposibleng wala siyang nobya.

"KC, where have you been? We've been looking for you for almost 30 minutes. Ang tagal mong bumalik!" napalingon ako kay Karla na naglalakad palapit sa akin while her hands clung on Joshua's arm. Napangiti ako. Bagay talaga silang dalawa.

"Uhm... may nakita lang ako na bags kanina dyan sa Michael Kors. Tumingin-tingin lang ako." maniwala ka please!


"Pero di ka naman mahilig sa mga bags cousin!" she's really my cousin! tss...

"Ha? Ah---"

"You know what Karla dumadating talaga sa tao na bigla ka na lang may gusto tayo na dati naman hindi, right, Kylene?" napatango naman ako. "Malay mo isang araw gusto na rin niya ako!" napalingon ako kay Joshua na nakatingin sa akin. Tumawa naman siya sa sarili niyang joke. Nag-alangan naman ako nung kumindat siya. Josh walk towards me and grabs my hand.

"Come on sweetie. Let's buy some food for Chantal. I miss that little girl so much!" pagtingin ko kay Karla hindi nakaligtas sa mga mata ko yung pag-irap niya nung mapansin niya yung mga kamay namin ni Joshua.

---

"Daddy Joshua!" pagkakita sa amin ni Chantal ay agad na siyang nagtatakbo para salubungin kami ni Joshua at Karla. "I missed you so much daddy!" napangiti ako ng makita ko kung paano yumakap ang anak ko sa mga leeg ni Josh.

"Na-miss ka din ni Daddy, and look what I've got... your favorite apple pie!" itinaas niya yung dalawang box ng apple pie at tuwang-tuwa naman si Chantal ng makita iyon.

"Hep, sa loob na iyan kung kakainin. Baka umulan dito sa labas." nauna na sa aming maglakad si Karla. Sumunod naman sa kanya si Chantal at Josh kaya ako na yung nagsarado ng gate. Pero bago pa ako makapasok ng bahay, napansin ko yung isang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila Karla. Pagkakakita ng driver na nakatingin ako sa kanya, mabilis niyang sinarado ang salamin ng pintuan ng kotse niya at pinaharurot ang sasakyan niya.

"Sweetie dito. Merienda muna tayo." pag-aya sa akin ni Josh. Si Karla naman ang nagse-serve sa kanila ng pagkain.

"Sige kumain kayong dalawa dyan. Kay, pahiram naman ng laptop mo oh! Check ko lang yung e-mail ko." pagsisinungaling ko. Pero ang totoo gusto kong makausap si Karla regarding kay Josh at sa akin. Kahit ilang beses kasing sabihin ko sa kanya na wala kaming relasyon nitong isa, ayaw naman niya maniwala.

Sumunod ako kay Karla maglakad papunta sa kwarto niya para kunin yung laptop niya.

"KC eto oh!" akmang aalis na si Karla pero pinigil ko siya.

"Kay, let's talk about Joshua." nakipagtitigan muna siya sa akin bago muling magsalita.

"What about him?" kunot noong tanong niya. Umupo siya sandali sa wooden chair dito sa bedroom niya at humarap sa akin habang ako nakatayo naman sa harap niya.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon