Chapter 39

6.4K 101 65
                                        

Continuation of Flashbacks...
(3rd Person)

"You should at least let me come with you at the airport para naman sana naihatid kita." Rue frowned over the phone. Nagmamadaling isinisuot niya yung trouser niya dahil 15 late na siyang late sa pagpasok.

(RAM, you know it's impossible. Alam ko naman na napuyat ka sa mga projects niyo kagabi.)

"Kasi naman---"

(Hwag nang magtampo! I love you!)

"I love you more!"

(I know!) Kylene giggled on the other line. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula ng lumapag sa Pilipinas ang eroplano na sinakyan niya galing Italy. (I'll call you again later, love. Tatawagan ko pa kasi si daddy. Ang alam ko kasi ipapasundo niya ako.)

"Alright!" inilapag ni Rue yung phone niya sa may cabinet niya ng di sinasadyang natabig yung picture frame ni Kylene na nakapatong doon na naging dahilan para mabasag ito. "Sh*t!" isa-isa niyang pinulot yung piraso ng bubog nito at inipit sa loob ng organizer niya yung picture nito.

---

"Who are you?" nagtatakang tanong ni Kylene sa dalawang lalaki na lumapit sa kanya.

"Miss Kylene, sumama po kayo sa amin."

"Why would I? Di ko naman kayo kilala!" akmang kukunin niya sa gilid niya yung isang luggage niya ng hawakan ng isang lalaki ang braso niya. Agad naman siyang naalarma at akmang sisigaw ng maramdaman niyang may itinakip na tela sa mukha niya yung isang lalaki kaya nawalan siya ng malay.

---

"That's bullsh*t Andrea! Paano nagawa ito sa anak mo?" sigaw ni Mr. Julius Grecia sa asawa niya. Nasa mansyon nila sila ngayon at kanina lang ay nalaman niya na pinigilan ni Mrs. Grecia ang assistant ng asawa na sunduin si Kylene sa airport. Nalaman din niya na hindi totoong may sakit ang asawa at ginawa lang niya itong dahilan para mapauwi si Kylene.

"Julius, nakakalimutan mo yatang hindi ko anak si Kylene? Bunga siya ng pagtataksil niyo sa akin ng kapatid ko!" ganting sigaw ni Andrea sa asawa.

"Baka may makarinig sa'yo." mariing sambit nito matapos tumingin sa paligid kung may ibang tao.

"Wala akong pakialam. Mabuti at marinig at malaman nila ang lahat Julius! Hanggang kailan mo itatago 'yang pagtataksil mo ha? Sa lahat ng ginawa mo, si Kyla na sarili kong anak, anak natin ang siya pa itong nakaranas ng di pantay na pagmamahal mo!"

"Di totoo yan, Andrea! Parehas na mahal ko sila Kylene at Kyla!"

"Sinungaling ka! Kung mahal mo si Kyla, di mo paaalisin ng bansa yang anak mo kay Ana para maiwas sa kahihiyan!" umiiyak na tugon ni Andrea. Sa pagkakataong iyon, bumalik ang mga pangyayari, halos isang taon ang nakalipas...

"Mommy!" masayang bati nila Kylene at Kyla sa ina pagkagaling sa eskwelahan. Masayang sinalubong naman ni Andrea ang dalawang bata at inayang kumain. Nasa gitna na sila na pagkain nila ng mapansin ni Kylene na walang ganang kumain ang kapatid. Tatanungin na niya sana ito kung ano ang problema ng magtatakbo ito papunta sa lababo sa may kusina.

"Kay-kay, okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

"Uhm... oo. Sumama lang yung tyan ko dun sa street food na kinain ko kaninang break time."

"Street food? Oh my Kyla! Di ba sabi ko hwag kang kumain nun? Madumi 'yon! Hayy... manang!" tawag ni Mrs. Grecia sa isa sa mga katulong nila. "Magdala ka dito ng pineapple juice at ipainom dito sa baby ko!"

"Opo ma'am!"

"'Mmy, di na po ako bata kaya hwag niyo na po akong tawaging baby!" nakasimangot na tugon ni Kyla sa ina kaya natawa naman si Kylene.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing the man in my dreamsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon