Chapter 23

2.9K 43 8
                                    

Kylene's POV

Magko-comment pa sana ako sa sinabi ni Rue pero naagaw ang atensyon ko dun sa lalaking palapit sa amin. Si Joshua with Karla. Agad din naman silang nakita ni Chantal na kanina lang ay tahimik na kumakain ng marshmallows.

"Cousin!" sinalubong ko si Karla at hinalikan ito sa pisngi. Ganun din naman si Joshua. Rue nods at him at ganun naman siya, si Karla naman nag-wave lang sa kanya at halatang kinikilig. Yung totoo, kinikilig siya kasi magkasama kami ni Rue o dahil magkasama sila ni Joshua?

Napansin kong lumingon saglit si Josh sa pwesto nila mommy at Matthew.

"Sino yung kasama ni mommy mo?" tanong niya sa akin. Pati si Karla ay napatingin sa kinaroronan nung dalawa.

"Si Matthew. Kasama siyang umuwi dito ni mommy kaninang umaga." paliwanag ko dito tapos bigla naman nagsalita si Karla na abala sa pag-aayos ng tali sa likod ng damit ni Chantal.

"Ang sabi ni tita yung family pala nila yung nagpadala ng mga medical supplies nung birthday celebration mo noon sa charity."

"Really? Di nabanggit ng mommy sa akin. Wait, lalapit lang ako sa kanila to say my gratitude sa mga itinulong nila sa charity." patayo na ako sa upuan ko ng hawakan ni Rue ang kamay ko kaya napatingin ako dito.

"May sasabihin ka ba?" tumingin siya saglit kay Matthew na nakatalikod sa amin at may kausap na lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga kaibigan ni daddy, at bumalik ulit ang tingin niya sa akin.

"W-wala naman. Sige puntahan mo na siya." napatitig naman ako sa kanya. Nag-aalala ba siya na baka ma-out of place siya sa saglit na paglayo ko sa kanya kasi di naman niya ka-close itong dalawa sa harap namin? Sinabi ko na lang na sandali lang ako pero ngumiti lang siya ng alanganin sa akin.

Naglakad na ako papunta sa gawi nila mommy. Habang palapit ako, narinig ko pa yung sinasabi nung lalaki na kausap nila.

"That is quite a long years of recovery hijo. Sinong mag-aakala na malalagpasan mo iyon? To think na parehas lang kayo magkasama sa aksidente na iyon." My brows furrowed dun sa narinig kong sinabi ng matanda. Aksidente? Si Matthew?

Nang mapansin nila yung presence ko napatingin sila sa akin. Ang mommy naman ay naaya ng isang amiga niya sa may isang table at ng makita na magkasama kami ni Matthew ay sumilay ang isang ngiti.

"Hi Kylene!" Matthew offers me a glass of wine and I gladly accept it. Gumanti lang ako ng bati sa kanya at ganun din naman sa lalaking kausap niya na kung di nagkakamali ang alaala ko ay si Mr. Antonio Montreal. Nagpaalam din ito na may kakausapin lang na isang kakilala.

"Nalaman ko na 'yung family niyo pala yung nagpadala ng mga medical supplies sa charity sa Davao. Isa yung kumpanya sa mga tumutulong dun at nagpapasalamat ako kasi 'yung mga supplies na 'yun malaking tulong dun sa mga batang may sakit."

"Ah 'yun ba? It was my mom idea actually. She has a lot of friends in America na nag-offer ng mga gamit na 'yun."

"Well kung ganun, iparating mo sa mommy mo 'yung pasasalamat ko." sumang-ayon naman siya at saglit akong inaya na maupo sa may bakanteng table.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon