Rue's POV
Five o'clock pm na ng lumapag sa airport yung eroplano na sinakyan ko galing Davao. Naglalakad na ako palabas ng airport ng maaninag ko si Shara na naghihintay sa akin.
"Honey!" she waved at me. Lumapit siya sa akin sabay kiss sa cheek ko. Ginulo ko yung buhok niya at inakbayan siya. "Paano mo nalaman na ngayon ang dating ko?" tanong ko sa kanya habang tinatahak namin yung kotse niya. The car that I used in Davao, kay James yun.
"Kay tita. Nakakatampo ka naman eh! Di mo na nga ako dinadalaw dun sa mansion di mo pa ako sinasama sa mga lakad mo. Pina-cancel ko na nga yung pagsama ko sa mga model sa Cebu kasi akala ko dun yung schedule mo!" mahaba niyang litanya sa akin. She even pout her mouth to make a pa-cute face. Pero kung tutuusin di naman niya kailangang gawin iyon. Shara are having that looks that can bewitch any guy na makakakita sa kanya, but I bet you guys, it doesn't work on me!
"Importante ang lakad ko na iyon."
"You went there to got along with her right?"
"Pardon?" napalingon ako sa kanya at nakita ko naman ang malungkot niyang mukha.
"Si Kylene. Kasama mo siya dun di ba?" lumapit ako sa kanya para hawakan ang magkabila niyang balikat.
"Shara napag-usapan na natin ito di ba? I went there to cele---"
"Ang akin lang naman Rue, ngayong wala pa siyang naaalala, hindi ba pwedeng ako muna?" I saw her eyes become misty habang nakatingin lang ito sa mga mata ko. "Shara..."
"Hahaha.. silly! D*mn these tears!" napailing na lang ako ng punasan niya yung mga luha niya. "Napaka-imposible ng hinihiling ko sa'yo! hahaha... Paano mangyayari iyon eh ang Rue Angelo Montecarlo na hinahabol ko ng ilang taon siya ang mahal!"
"Shara..."
"Don't mind me Rue, c-can we just go?"
"Okay!"
Ako na nag-drive ng kotse ni Shara. No one dares to talk and break the silence not until my phone ring.
"Hello?" sagot ko sa kabilang linya na hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag.
(O ano RAM, ganyanan na lang? Ngayon kaya ang dating namin ni Mac from Italy! tsss.. nakakatampo ka na!) saglit kong inilayo sa tenga ko yung cellphone ko at doon ko lang nakita na si Ryan pala iyon.
"Ryan! Musta bro! Pasensya na nakalimutan ko may inasikaso lang ako!"
(For sure babae yan!)
"Loko-loko! Nasaan kayo niyan?"
(Dito sa grill house restaurant nila Mac) sinabi lang niya sa akin yung address ng lugar. Bago lang yung restaurant nila Mac na iyon kaya gusto ko ring puntahan.
"Shara, okay lang ba kung puntahan muna natin sila Mac? Kadarating lang nila eh!" tumango lang siya sa akin sabay ngiti. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapansin ko na okay na siya ulit.
"It's been a year a since the last time I talk to them." nakangiting sambit ni Shara habang nakatingin lang siya sa may bintana ng sasakyan. Noon nung nasa Italy ako, kaming apat ang laging magkakasama kahit pa ahead kami sa kanya. Well nagsimula yun nung umalis si Kylene pabalik dito sa Pilipinas.
"Walang pinagbago yung dalawa, playboy pa rin!"
"Haha, yeah! Lalo na yung Ryan na iyan!" natatawang sagot ni Shara. Pagkapark ng kotse sa parking space ng restaurant, nakita na namin kaagad ang dalawa. Tama kami ng hinala, wala pa rin silang pinagbago!
BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
General FictionWhat was really happened to her, three years ago?