Chapter 5

5.5K 82 11
                                    

"Miss Kylene? Miss Kylene..." nagising ako ng maramdaman ko na may tumatapik sa braso ko. Pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Alicia na nakatayo sa may gilid ko at bakas sa mukha ang pag-aalala. "Okay lang po ba kayo? Masama po ba pakiramdam ninyo?"

"Ayos lang ako Alicia. Medyo sumakit lang yung ulo ko kanina." sinuklay ng daliri ko yung gulo kong buhok at umayos ng upo.

"By the way, mamayang before  lunch po ang meeting natin sa conference room. Ito po yung mga liquidation na hinihingi ninyo sa akin kahapon." inabot ko yung tatlong folder na hawak niya at nilagay yun sa paper tray sa may gilid ng mesa ko. Akmang  aalis na siya ng tawagin ko siya.


"Alicia."

"Yes mam?"

"Can I ask you something?"

"Sure mam, ano po ba iyon?"

"Ahm...I saw one of my friend in my dream kanina nung naidlip ako, at ang linaw ng mukha niya dun, sa tingin mo may ibig sabihin yun?" Naglakas loob na akong magtanong dito kay Alicia kasi ang alam ko maraming alam na pamahiin ito eh. Although hindi naman ako naniniwala dun, wala naman mawawala sa akin kung magtatanong ako sa kanya di ba? Bago sumagot, ngumiti siya at umupo sa tapat ng table ko at humarap sa akin.

"Alam niyo kasi mam ang dami po kasing klase ng panaginip. May tinatawag na lucid dreaming, yung po yung nako-control po ninyo yung mga nangyayari sa panaginip niyo. Mayroon naman pong tinatawag na premonition dreams, yung nakikita ninyo yung mangyayari sa inyo in the future. Basta ang daming klase ng panaginip.Sa case niyo naman po ang sabi naman nila kung sino daw yung kasama mo maghapon, mataas ang posibilidad na makita mo siya sa panaginip mo. Pero usually sa gabi lang nangyayari yun, lalo na at malalim na po talaga yung tulog ninyo. Yung inyo, kanina lang di ba? Tapos ang sabi niyo pa malinaw? Weird, kasi kahit ako kapag nananaginip alam ko kung sino yung taong kaharap ko pero blurred po. Ayon nga po sa nabasa ko, halos lahat ng panaginip natin black and white lang eh. Pero baka posible nga na malinaw nga yung inyo, kung yung bulag nga nanaginip din eh!" tumawa lang siya ng mahinhin ako naman napasandal sa upuan ko.

"Ganun ba? Nun lang kasi nangyari yun eh!"

"Mam, usually po ang tao sa loob ng isang gabi iba't-ibang klase ang napapaginipan. Baka naman po ganun ang nangyari sa inyo. Di naman pwede na sa lahat ng dream niyo eh andun lagi yung sinasabi niyo."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Alicia. Pero napaisip ako, di kaya isang Dream Specialist itong si Alicia?

Kung tutuusin hindi lang yun ang weird eh. 

Si Rue nakita ko dun sa lugar na madalas kong makita sa mga panaginip ko.

Kung di ako nagkakamali, buhat niya ako na parang bagong kasal tapos naglalakad kami sa may gitna ng kagubatan. Nakatingin siya sa akin at punong-puno ng pag-aalala yung mata niya. Dinala niya ako sa isang bahay na katamtaman lang ang laki. Hindi siya nagsasalita sa panaginip ko, pero feeling ko nag-uusap yung mga tingin namin. At yung mga damit niya...

"Mam labas na po ako. May kailangan pa po ba kayo? Gusto niyo po magdala ako dito ng juice o coffee po kaya?" nabalik ako sa realidad ng magsalita ulit si Alicia. Tumingin lang ako sa kanya at sinabing okay na sa akin ang black coffee.

Sinimulan ko na yung trabaho ko. Kasalukuyan ko ng isine-save sa flash drive yung tatalakayin ko mamaya sa meeting namin ng may tumawag sa cellphone ko. Dala na rin ng nangyari kanina, tinignan ko kung unkwown number ba yung tumatawag pero laking pasalamat ko ng makita kong si mommy pala iyon.

"Hello, Mom!"

(Oh, Kylene? How are you?)

"I'm fine. Still alive and kicking!" narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon