Chapter 10

4.6K 61 8
                                    

@xxcalvinkleinxx I'm so inlove with Jake. Ako na lang, mamahalin ko siya pakisabi sa kanya. LOLS!

Last night napaginipan ko na na-publish daw itong libro na ito. At take note, sa panaginip ko sold out na daw siya kaya nung hinahanap ng kasama ko, sabi ng tindera naghihintay daw sila ng deliver ng libro ko. Katuwa! "Seducing the man in my dreams - in my dream!" hahaha

Next month birthday ko na~~~ ♥

Enjoy reading guys! 

---

"Anak, tumawag sa akin si Dra. Leonides at nalaman ko na may isang buwan ka na pa lang di bumabalik sa hospital." napatigil ako sa pagsubo ng kinakain ko sa sinabi ni mommy. Kailangan ko ng ihanda ang tenga ko dahil mamaya pa yan matatapos sa pagsermon sa akin lalo na't nalaman na niyang di na ako nagpapa-check sa doctor ko.

Si Dra. Leonides ang naging doctor ko mula nung mawalan ako ng alaala. Okay naman siya eh, yun nga lang sumusuko ako sa dami ng gamot na pinapainom niya sa akin.

"Mom, okay na naman po ako. Di na po madalas sumumpong yung sakit ng ulo ko. At kung tungkol naman sa memory ko, mommy alam naman natin na rare case yung akin di ba?" tinitigan ko si mommy at bakas sa mga mata niya ang lungkot lalo na't kapag pinapaalala sa kanya ang nangyari sa akin at kung ano kalagayan ko ngayon.

Lahat ng mga sumuri sa akin na doctor iisa lang ang naging sagot nila kung anong klaseng amnesia meron ako at kung bakit hanggang ngayon wala akong maalala. I had a Retrogade Amnesia. This is a very rare phenomenon. Kung yung iba na nagkaka-amnesia, natatandaan nila kung ano yung mga nagyari sa kanila nung bata sila, or kahit yung mga pangyayari before their traumatic experience, in my case, I forget my very identity. Funny how 3 years ago, when I woke up from my coma for almost 5 months para akong baliw na kahit yung sarili ko sa salamin hindi ko makilala. Para sa akin, stranger din siya kagaya ng mga tao sa paligid ko. Simula din nun, nahihirapan na rin ako mag-cope up sa mga bagay na itinituro sa akin. Kagaya ng pagmamanage ng kumpanya. It took me a year to learn everything... as in everything! Naging makakalimutin din ako.

"But it is much better yung talagang nagpapa-check up ka." pagpapaalala ni mommy habang hinahalo yung glass of milk ni Chantal.

"Goodmorning!" napalingon kaming tatlo ng marinig namin si Joshua. Nakatayo siya sa may pinto katabi si Yaya Mercy.

"Oh, Joshua iho buti naman at napagbigyan mo ako." lumapit si Josh kay mommy at nakipagbeso dito. Kasunod naman nun, lumapit siya sa akin at hinalikan din ako sa pisngi. "Morning sweetie!" sabay kindat pa niya sa akin. Pinandilatan ko na lang siya at binati rin. Nagulat pa ako ng iabot niya sa akin yung phone ko.

"You forgot this on my car last night."

"Oh, I'm sorry. Makakalimutin talaga ako. Thanks anyway." ipinatong ko na lang muna iyon sa may mesa at tinuloy ang pagkain. Mamaya ko na lang siguro i-check kung may mga text or missed calls ako.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon