Chapter 32

2.6K 43 2
                                    

Rue's POV

Kulang na lang humampas sa mukha ko yung dahon ng pinto sa lakas ng impact ng pagkakasara nito ni Kylene. Sh*t naman kasi! Siya pa itong nagagalit eh siya nga itong may kasamang lalaki!

"Kylene, open the door!" walang tigil ako sa pagkalampag ng pinto niya at wala akong pakialam kung may ibang naka-check-in dito ang maingayan.

"Rue~" nilingon ko itong makulit na babae sa likod ko at matalim na tinignan kaya bigla naman siyang napaatras. Isa pa ito eh! Kanina, akala ko si Kylene yung kumakatok kaya kahit medyo may tampuhan kami kanina dahil na rin sa pagiging sumpungin niya, sabik na pinagbuksan ko ito ng pinto dahil iyon ang akala ko. Iyun naman pala eh itong si Lorraine lang!

"Umuwi ka na nga kung saan ka man nakatira!" pagtataboy ko dito. Parang bata lang eh! Nakadagdag pa yata sa bad mood ni Kylene nung nakita niya 'to!

"Date muna kasi tayo ple---"

"For the love of God, please, umalis ka na! Galit na nga sa akin yung mahal ko eh!" she bowed her head, crestfallen. Napansin ko din naman na parang maluha-luha na siya pero di ko na pinansin. Ayoko sa makulit at immature. Si Shara brat pero di ganyan.

"B-bukas ah?! Date kita." nahilamos ko na lang yung mukha ko sa kakulitan niya. Sasagot pa sana ako nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Kylene.

"Love---"

"Shut up! Galit pa ako sa'yo!" ako naman ang napaatras sa pwesto ko dahil sa pagtataray niya. Tsk! Kaya siguro sobrang love ko ito. "Oh ikaw naman, di ka ba nakakahalata? Kanina ka pa nga tinataboy ng asawa ko di ka pa rin lumalayas. Ganun ka ba kamanhid?" halos mapanganga ako dun sa sinabi niya.

"Asawa?" gulat na tanong ni Lorraine. "Haha! Eh kanina lang mag-boyfriend at girlfriend lang kayo, ngayon asawa na?"

"Ha ha ha... alam mo naman pala t*nga!" bago pa may masabing masama si Kylene pumigil na ako.

"Sige na Lorraine, umuwi ka na!"

"Di ako aalis hangga't di ka pumapayag na maging date ko bukas!" nagawa pa niyang magpapadyak sa kabila ng mataas na heels na suot niya.

"Aba't--"

"Sige na, sige na, date mo na ako bukas. Umuwi ka na."

"What the hell!?!" si Kylene.

"Kyaah! Talaga? Yieh~ Sasabihin ko kay daddy iyan! Sige alis na ako bye Rue Angelo!" akmang lalapit siya sa akin ng humarang si Kylene kaya napasimangot ito. Kahit mas matangkad siya dito eh taas kilay siyang pinaalis ni Kylene.

"Kylene..."

"Pinagbuksan kita ng pinto kasi iyon yung request ni Chantal bago matulog, baka akala mo okay na tayo. Magsama kayo ng date mo!" naglakad na siya papasok ng kwarto niya ng hilahin ko ito papasok naman sa kwarto ko. Ayokong lumipas yung gabi na LQ kami. Nakaka-stress iyon. Mabawasan pa kagwapuhan ko!

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" nagpupumiglas siya pero di ko siya binitiwan hanggang sa maiupo ko siya sa may sofa. Umupo ako sa may carpet katapat niya at mahigpit na hinawakan yung kamay niya. Mahirap na baka tumakas.

"Let's talk about it Kylene. Di ko alam kung anong problema mo at kanina ka pa nakasumpong. Di ko alam kung may menstruation ka ngayon pero hinihiling ko na sana wala kasi alam mo na hindi pwed--"

"What? Pinagsasabi mo about sa period ko? Wala ako ngayon!" I grinned pagkasabi niya nun. Haha, di nakahalata.

"Very good. Okay, mabalik tayo sa issue natin, sino ba yung mukhang unggoy na kasama mo kanina ha?! Tsk! Kung kani-kanino ka sumasama. Paano kung kidnappin kayo ni Chantal nung lalaki na 'yon!"

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon