Kylene's POV
Hindi kumikibo si Rue buong byahe namin pauwi. Si Chantal naman nakatulog na sa may kandungan ko. Maghahatinggabi na rin at buti na lang di masyadong traffic pauwi.
Akala ko pagkahatid sa amin ni Rue uuwi na rin siya, pero hindi. Pagkalapag niya kay Chantal sa kama nito nagtuloy-tuloy si kwarto ko.
Aba, feel at home!
Pagsunod ko sa kanya dun, hinuhubad na niya yung sapatos at medyas niya kaya umupo ako sa kabilang side ng kama.
"Rue."
Pero di niya ako pinansin. Tuloy lang siya sa ginagawa niya. Tinanggal na rin niya yung tuxedo na suot niya, yung panloob nun ganun din 'yung pants niya. Shit. Eto na naman 'yung boxer short niya!
"Rue kung ayaw mo akong pansinin bahala ka sa buhay mo dyan. Matulog ka kung inaantok ka di na kita pipiliting umuwi. Dun na lang ako sa kwarto na anak ko, nahiya naman daw kasi ako sa'yo."
"Let's talk Kylene."
"Tungkol saan? Bigla ka na lang di mamansin 'yun pala may gusto kang sabihin."
"Saglit lang ito."
"Spill it Rue, the time is run---"
"Ang daldal mo!" ha! Ako pa madaldal! Siya naman kaya suplado! Naaasar ako sa kanya sa totoo lang. Kanina nung paalis na kami galing sa venue padabog niyang sinarado yung pinto ng kotse niya. Di man lang inalala na yung anak ko halos di na nga tumitigil kakaiyak!
Nung nasa byahe naman kami sinubukan kong tanungin 'yung huling sinabi niya na hwag daw akong lumingon kasi baka mawala daw ako sa kanya sinupladuhan lang ako. Pwede naman sabihin lang na 'Baka kasi magaya ka sa asawa ni Lot, naging haliging asin' o di naman kaya nag-isip siya ng ibang dahilan. Mahirap ba 'yun?
"Alam mo wala ako sa mood. Itulog mo 'yan Rue!" palabas na ako ng kwarto ng magsalita siya.
"Natatakot ako na baka paggising ko di na ako ang mahal mo."
----
Unti-unti kong idinilat ang mata ko dahil nakaramdam ako ng uhaw. Pagmulat ko, nandito na ulit ako sa kwarto ko. Di na ako nagtaka kung paano ako napunta dito dahil isa lang naman ang may kagagawan noon.
Bahagya kong ginalaw ang braso ko pagbabaka sakaling katabi ko siya pero wala. Bakante ang gilid ko. Di ba siya dito natulog? Hinanap ko 'yung cellphone ko pero wala sa paligid ko kaya pinailaw ko na lang yung lampshade para maaninag kung anong oras na. 3 o'clock in the morning.
Naglakad ako pababa sa kusina ng makita ko si Rue sa may bintana sa may sala. May kausap siya sa cellphone at mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila base na rin sa tono ng boses niya.
"I understand James. Just give me the details, the complete details rather. His existence this evening really scares me." maingat akong naglakad palapit sa pwesto niya para mas marinig ko pa 'yung sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
Fiksi UmumWhat was really happened to her, three years ago?