Chapter 1

16K 158 6
                                    

Wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo ng tumakbo. Sa tuwing lilingon ako, puno ng takot ang nararamdaman ko na baka nasundan ako ng humahabol sa akin.

Malayo-layo na rin ang narating ko. Puro puno lang ang nakikita ko at kahit gabi na, may liwanag naman mula sa buwan ang tumatanglaw sa dinadaanan ko.

"Kylene bumalik ka dito!" pumapailanlang sa buong kagubatan yung boses niya. Mas lalong nabalutan ng takot ang kalooban ko ng maalala ko yung pwede niyang gawin sa akin kapag naabutan niya ako kaya binilisan ko pa yung pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang bangin.

No choice ako. Kung titigil lang ako dito, panigurado maaabutan niya ako. Tinignan ko yung kailalaliman nun pagkatapos ay pikit mata akong tumalon paibaba doon...

"Hah!" sapo ko yung dibdib ko pagbangon ko sa kama. Yung panaginip ko lagi na lang ganun! Napatingin ako sa orasan na nasa gilid ng kama ko. 3 o'clock in the morning.

Padabog akong bumangon sa kama ko. Dahil sa panaginip na yan ang dalas kong napupuyat. Di ko naman alam kung ano ang koneksyon nun sa buhay ko. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng tubig na maiinom. Pabalik na ako sa kwarto ko ng maalala kong puntahan ang katapat nitong pinto. Dahan-dahan kong binuksan yun at bumungad sa akin ang isang batang babae na peaceful na natutulog sa kama niya.

My angel.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob nun at dinampot yung mga laruang nakakalat sa sahig. Nung mapansin kong hindi maayos ang pagkaka patong ng kumot sa kanya, lumapit ako para ayusin yun.

"N-nanay?" nagising ko ang anak ko.

Oo, anak ko. 3 years old na siya at napakabibong bata.

Hinagod ko yung buhok niya at hinalikan ko yung noo niya.

"Yes Chantal, Nanay is here. Ituloy mo lang yung tulog mo." yumakap lang siya sa akin at isiniksik yung mukha niya sa leeg ko.

"Nay, sleep with me please?" kahit nakapikit at antok na antok ay pilit niyang kinakapa ang mukha ko which is habit na niya yata. Chantal always trace the every details of my face especially kapag nakahiga kami.

"Okay, nanay will going to sleep with you!" ipinikit ko na yung mata ko hanggang sa muli na akong nakatulog.

----

Kinaumagahan, nagprepare na ako ng breakfast naming mag-ina. Fried rice, hotdog, fried egg and a glass of milk for my Chantal, while yung akin hot chocolate.

Before I continue this story, let me introduce myself first. I am Kylene Chaze Grecia, 23 years old. CEO of Grecia Toy Industry and mother of Chantal Grecia.

Kung tatanungin niyo kung sino ang ama niya... well, hindi ko alam.

Nagkaroon ako ng amnesia 3 years ago dahil sa isang car accident. Nagising ako na nasa hospital ako then there's a cute little girl na kalong ng nagpakilalang mga magulang ko. Anak ko daw yung 5 months old baby na dala nila. Ang sabi ni daddy kasama ko daw sa accident na yun yung boyfriend ko who used to be Chantal's father. Unfortunately, namatay siya. Maswerte na nga daw ako kasi kahit may mga minor fracture ako sa ribcage ko naka-survive pa rin ako.

I'd tried to look at least for his picture pero walang maipakita sa akin ang mga magulang ko. Basta ang alam ko lang Charles Lucas daw ang pangalan niya.

"Goodmorning nanay!" napalingon ako kay Chantal na pababa sa hagdanan. She's so cute dun sa minnie mouse sleepwear niya na kinulit pa niya sa akin nung nagpunta kami sa Hongkong Disneyland when we went there last month.

"Goodmorning cupcake!" I scooped her and carry her to sit on a chair beside me. "How's your sleep?" I asked her as I served her a breakfast.

"Okay naman po nanay! Katabi po kita eh!" then she hugged me. Kahit 3 years old pa lang ang tatas na niyang magsalita. Susubuan ko na sana siya ng pigilan niya ako. "Ako na po please? Big girl na po ako eh!" nag-puppy eyes pa siya which makes my heart soft. Sa totoo lang,ayoko pa siyang lumaki. Gusto ko forever baby ko siya. Pero siya lagi niyang pinipilit na big girl na siya.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon