Chapter 21

3.1K 45 5
                                    

Kylene's POV

Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. I'm trying to open my eyes pero di ko magawa kasi naramdaman ko yung sakit ng ulo ko. Slowly, ipininid ko yung katawan ko sa gilid nang maramdaman ko yung mainit na hangin sa may bandang leeg ko. Finally, nagawa ko ng mabuksan ang mata ko at di ko alam kung ano mararamdaman ko, dahil eto na naman, si Rue katabi ko. Yung kaliwang braso niya nasa may bandang tyan ko tapos yung kabila naman iyon yung nagsilbing unan ko. Hinawakan ko yung kamay niya para i-check sa may wrist watch niya kung anong oras na.

"Sh*t" di ko na napigilan ang sarili ko ng makita kong 10pm na! Damn! Yung anak ko! Dali-dali akong bumangon at di ko na pinansin kung magigising ba si Rue o hindi and I thank God in heaven nung di siya nagising. Bubuksan ko na yung pinto nung maalala ko yung nangyari kanina.

Naghahanap ako ng topless na picture ni Rue hanggang sa... yung notebook!

Naglakad ulit ako palapit sa may drawer na pinagkakitaan ko kanina dun sa notebook na may kasamang picture na alam kong pamilyar sa akin. Nakita ko na yun before pero di ko maalala kung saan. Bubuksan ko na muli sana yun ng mapansin kong naka-lock iyon. Pinipilit kong buksan 'yun ng may humawak sa likod ko!

"Oh my!" halos mapahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Paglingon ko, nakita ko si Rue na nakatayo sa may likod ko. Di ko man lang naramdaman na nagising na pala siya! "Ginulat mo ako, alam mo ba 'yun!?"

"Ano ginagawa mo dyan? Bakit bumangon ka pa, dapat nagpapahinga ka niyan. At may ano ba diyan sa drawer ko at kanina mo pa pinagdidiskitahan?"

"Ha? Uhmm.. m-may tinitignan lang ako!" hay naku! Ngayon pa ako nabulol di ba? Naglakad na lang ako palayo sa kanya at nung ipipihit ko na yung door knob hinawakan niya yung braso ko. "Rue, aalis na ako."

"Ihahatid na kita, but before that kumain ka muna. Wala pang laman iyang tiyan mo mula kanina." napatango na lang ako kasi ang seryoso ng mukha niya. Di kaya nagalit siya kasi pakilamera ako?

---

Tahimik lang kaming kumakaing dalawa dito sa may dining area niya. Tunog lang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig mo. Paminsan-minsan sinisilip ko yung mukha ni Rue pero ang seryoso niya. Napapikit na lang ako ng mata ko sa inis! Bakit ba kasi napagtripan ko pang maghanap ng topless na picture niya kanina eh! Iyan tuloy! Susubo na sana ulit ako ng mapansin kong may ipinatong siya dun sa ibabaw ng mesa.

Yung notebook.

"Rue, ano kasi eh, wala naman talaga akong balak na pakialaman yung gamit mo, sorry ah?" yumuko na lang ako sa hiya pero narinig ko siya na bahagyang natawa. Pag-angat ko ng ulo ko hawak niya sa kaliwang kamay niya yung lumang picture. "Bakit meron ka niyan?"

"May nagbigay lang sa akin."

"Sino?"

"Di mo kilala."

"Pero ako yata yung isang girl na nasa larawan eh!"

"Exactly!"

"Eh sino ba yung isa?" automatic naman na napaangat yung isa kong kamay nung may maalala ako. "Okay, naalala ko na!"

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon