Rue's POV
"Naalala ko na."
Napakurap ako sa sinabi ni Kylene. Naalala na niya? Ibig sabihin wala na siyang amnesia? Sa totoo lang, iyon talaga ang dahilan kung bakit ko siya dinala dito pati na rin sa school. Nagbabaka sakali ako na may maalala siya. Kanina nung nawalan siya ng malay nag-alala ako. Pero nung nag-sleep talk siya habang nasa byahe kami nakahinga ako ng maluwag kaya minabuti ko na dalin siya dito. Madalas dito kami mamasyal na dalawa noon.
Ilang segundo akong nakatitig sa kanya bago ko nagawang magsalita.
"Y-yung mga nangyari noon, n-natatandaan mo na?"
Ngumiti siya at tumango. Inilibot niya yung mata niya sa paligid sabay tingin sa akin.
"Dito---Dito ako dinadala nung lalaki sa panaginip ko." nakangiti niyang sabi sa akin. Unti-unti, naramdaman ko yung kakaibang kaba sa dibdib habang pinapakinggan ko siya. Lumapit ako sa kanya para sana yakapin siya ng magsalita siya ulit.
"Siguro ito yung tinatawag nilang déjà vu ano?"
"Ha?" nagtatakang tanong ko dito. Nagkibit balikat lang siya at umupo sa blanket na nakalatag sa may damuhan.
"Déjà vu, the feeling of having previously experienced something especially when that is not the case." baliwalang paliwanag niya sa akin. Syempre alam ko kung ano yun for Christ's sake! Ang akin, akala ko ba naaalala na niya?! Tumingala siya sa akin at nagbuntong-hininga. "Rue, this is often happened to me before. Yung tipong napapatanong na lang ako sa sarili ko na 'Have I done this before?' something like that!"
"A-ano naman nangyayari sa panaginip mo?" tumabi ako sa kanya at pagkaupo ko, humiga siya sa lap ko.
"Uhm... nakikipaghabulan? hehe... Ang cute kaya nung dream ko na yun, ang kaso blurred si guy, like the usual dream I had." she reached for my face and squeezed it lightly. "Pero mas cute ka pa rin!"
"Tss! Akala ko kung ano na!"
"Anong akala mo na ano na? Na nakakaalala na ako? Matagal na akong hindi nagpapa-check-up kay Dra. Leonides eh, tapos di ko pa iniinom yung gamot na binigay niya kaya imposibleng makaalala ako." She shugged her shoulder and turn her body laid sideways so she can wrapped her around my waist.
"Di ba sabi ko sa'yo hwag mo ng inumin iyon?"
"Oo nga."
"Then do what I told you. Syaka dapat ba yung doktora lang na 'yun ang laging tumingin sa'yo?"
"Hindi naman. Pwede naman ako mag-consult sa iba, pero alam mo 'yun, nakakasawa!" I sighed. I wonder how her mom do this to her. Pinahirapan lang niya si Kylene.
"Why don't you go for some therapy? I once read an article on the internet that is useful in some people who've lost their memories to undergo in some therapies. Once we're back in the Philippine we'll work for that alright?"
BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
General FictionWhat was really happened to her, three years ago?