Chapter 13

4K 46 7
                                    

Kylene's POV

Another day has come. I woke up with a huge smile on my face. Aside sa birthday ko ngayon, naalala ko kasi yung eksena namin kagabi ni Rue. Gosh, muntik na!

Iche-check ko sana si Chantal sa bed niya pero napansin kong wala siya dun. Ang aga naman yata niyang nagising?

Bumaba na ako papunta sa kitchen at bumungad sa akin yung mesa na puno ng pagkain. Nakita ko si Rue at Chantal na nakatalikod sa akin, busy ata dun sa inihahanda nila kaya di nila na-feel yung presence ko.

"Ehem, goodmorning!" agad naman silang lumingon sa akin.

"Happy birthday pinakamaganda kong nanay!" bati ni Chantal sabay takbo papunta sa akin. Umupo ako para maging ka-level niya at hinalikan ko siya sa noo. "Thanks cupcake!" I muttered. Napatingin naman ako kay Rue na palapit sa amin na may dalang isang cake na may pink at blue icing. Maliit lang yung cake siguro mga 8 inches lang.

"Buon compleanno amore mio!" napaangat naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ano daw?

"Ha?"

"Oh nothing!" medyo natawa pa siya.

Ibinalik ko na lang ulit yung atensyon ko dun sa cake na hawak niya at dun ko lang napansin na medyo magulo yung design nun. Nahalata naman ata yun ni Rue. "It's Chantal who designed this." napangiti naman ako sa kanilang dalawa.

"Thank you to both of you. Breakfast pa lang pero na-surprise niyo na ako. Salamat talaga!" tumingin ako kay Rue pero agad din siyang nag-iwas. Dahil ba sa nangyari--- I mean sa muntik ng mangyari kagabi? Sana naman walang magbago sa aming dalawa. I'm sure naman na di niya sinasadya yun.

Nadala lang siya sa kagandahan ko.

Tahimik lang kaming kumaing tatlo. After nun gumayak na kami pabalik sa bahay dahil tawag na ng tawag si mommy sa akin.

---

Pagdating sa bahay, napansin na namin yung mga sasakyan na nakapark sa labas ng bahay namin. Siguro ito yung mga business partner at mga kaibigan ni daddy na inimbitahan nila. Mamayang lunch ang punta namin sa charity kaya makakapag-prepare pa kami.

"Oh, nandito na pala ang birthday celebrant eh!" sigaw nung isang matandang babae. Pamilyar siya sa akin. Siguro one of my mom's amiga.

"Kylene! Nakung bata ka! Di ka man lang nagsabi na hindi pala kayo uuwi kagabi ng nob---" saglit na napahinto si mommy at nagatingin sa gawing likod ko. Sinundan ko naman yun at nakatingin pala siya kay Rue na palapit sa amin.

"Mom pasensya na po. Ako po ang nagsabi kay Rue na ngayon na lang kami umuwi kaysa kagabi. Medyo delikado na po kasi sa daan kapag gabi." umakbay naman sa akin si Rue kaya napalingon ako dito.

"Pasensya na po Mrs. Grecia." pagpapaumanhin din niya kay mommy.

"O-okay! S-sige na, kumain na tayo." mabilis na tumalikod sa amin si mommy at naglakad papuntang kusina. May sakit ba si mom? Napatingin ako kay Rue at ngumiti lang siya sa akin.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon