Chapter 6

4.9K 71 6
                                    

Salamat sa mga nagbabasa at magbabasa pa. Hart.hart! Nakakatuwa!

Pasensya na sa mga typos at grammatical errors!

♥ ♥ ♥

---

Kasalukuyan na akong nada-drive ng kotse ko papuntang Star City. 1 hour din ang layo nito mula sa amin. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita kong 6pm pa lang. Kanina bago umalis pinagluto muna kami ni Yaya Mercy ng hapunan namin ni Chantal kaya busog pa kaming dalawa. And speaking of Chantal, eto siya ngayon sa passenger seat at nakatingin sa bintana habang sinasabayan ang kanta ng mga nursery rhymes sa ipod niya. 

Ang totoo niyan, ayaw ko talagang sundin pa yung gusto ni Chantal. Una, nakakahiya! Maaabala ko pa si Rue. Imbis na nagpapahinga na siya niyan sa bahay nila pinapunta pa namin siya sa amusement park.

Pangalawa, nakakahiya pa rin!

Kapag naaalala ko yung ginawa niya sa akin kanina napapadyak na lang ako! He kissed me!

Gosh, di ko naman pwedeng sabihin sa kanya na first time ko iyon eh may Chantal na nga ako!

Napatingin ako sa katabi ko na inaayos na yung dala niyang maliit na bag. Kahit 3 years old pa lang siya, organized yung mga gamit niya. Pwera na nga lamang sa mga laruan niya!

"Chantal, behave ka lang mamaya ah?" lumingon siya sa akin at tumango ng maraming beses. Nginitian ko lang siya at nagtuloy sa pagmamaneho. Mabuti na nga lang at hindi pa traffic.

"Here we are cupcake!" sambit ko sa kanya pagka-park ko sa may parking lot. Kitang-kita ko naman yung pagkasabik niya.

"I know this is gonna be the best night ever!" she said while clapping her hands.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Because all people that are going to see the three of us walking inside that amusement park and riding those rides might think that we are a happy and complete family!" after saying that she just shrugged her shoulder and unbuckle her seatbelt. "Let's go nanay, tatay is waiting!"

Napailing na lang ako sa inasta ng anak ko. Parang matanda pa sa akin ang kausap ko! Pero kahit ganyan yan, makulit man o madaldal, mabait na bata si Chantal.


Siguro ganun din si Charles.

---

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon