Chapter 4

5.9K 77 6
                                        


"Nanay, pasyal po tayo kila LolyMom next week please!" si Chantal habang pinapalitan ko ng pantulog niya na ngayon naman ay sponge bob ang design. Ang LolyMom na tinutukoy niya eh si mommy while kay daddy naman eh LolyDad ang tawag niya. Tumalikod siya sa akin para lagyan ko ng baby powder ang likod niya.

"Sige, tignan ko kung hindi busy ang nanay ah. Kapag okay ang schedule ko pupunta tayo dun sa LolyMom mo."

"Yehey! Ay nay!?"

"Why?" bigla kasi siyang humarap sa akin.


"Lagyan ko din po ng powder yung likod mo?" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bago pa ako makapagreklamo eh pumwesto na siya sa likod ko. Buti na lang naka-sando lang ako kaya sa may bandang itaas lang niya nilalagyan. "Dapat nanay naglalagay ka din ng ganito para kumportable din po kayo mag-sleep." lumingon lang ako sa kanya at ngumiti ng alanganin.

Sana nga, maging kumportable na ako sa pagtulog.

Mayamaya pa inantok na si Chantal kaya inaya na niya akong basahan ko siya ng bed time stories niya.

"Goodnight cupcake!" palabas na ako ng kwarto niya ng saktong mag-ring yung phone ko. Si Joshua. Pikit mata kong pinindot yung accept button. I'm sure, magso-sorry siya o di naman kaya papagalitan ako. Pagsasabihan at tatanungin kung sino yung kasama ko kanina.

"Hello Joshua?"

(Kylene, nandito ako sa labas ng unit mo. Please open the door.) napatingin naman ako sa main door ng unit ko bago mag-salita.


"Kanina ka pa ba dyan? Bakit di ka nag-door bell?"

(I just want to hear your voice first Kylene!)


"Joshua naman!" saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Joshua na nakahawak ang isang kamay dun sa door frame. Napansin ko pang lasing siya. "Are you drunk? You drove your car all way here na ganyan ang lagay mo?" magkahalong inis at pag-alalang tanong ko sa kanya. Pero imbis na sumagot, tumawa lang siya at hinawakan yung kamay ko.

"I'm sorry KC for what I did to you kanina sa office. I didn't mean to say all those sh*ts to you. I'm very sorry!" dumako yung isa niyang kamay sa pisngi ko kaya napatingin ako sa mukha niya.

Kung tutuusin, gwapo naman si Joshua eh! Siya yung tipong habulin ng babae. He really got the looks that all the girls are craving for! Idagdag mo pa na mayaman siya. Ano nga ba problema ko at hindi ko siya magustuhan?

"Staring is rude my sweetie!" natauhan naman ako ng muli siya siyang magsalita. Imbis na sagutin siya eh tinalikuran ko siya at pumasok na muli ng unit ko pero iniwan kong nakabukas ang pinto. Nasa labas pa naman kasi si Joshua.

"Kylene, uy sorry na! Naasar lang kasi ako kanina kasi ang tagal kong naghintay sa office mo. Kylene!" wala na akong nagawa nung pigilan niya akong maglakad at ipaharap niya ako sa kanya. "Kylene, sige na oh!" natawa na lang ako kasi para siyang bata na humihingi ng tawad sa nagawa niyang kasalanan.

"Sige na pinapatawad na kita."

"Talaga? Thanks sweetie!" bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi at inakap.

"Ops na! Bumitiw ka na nga!" tinulak ko na siya palayo sa akin. "Umuwi ka na." singhal ko sa kanya. Pero nagulat ako ng pumwesto siya ng higa sa may sala set. "What are you doing?"


"Ahm.. matutulog?" sagot niya habang nakadilat ang isang mata niya at nakaakap na sa isang throw pillow ko.

Seducing the man in my dreamsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon