Chapter 16

3.9K 54 14
                                        

Kylene's POV

"Ma'am here is the drafts of the program for the launching next week. Kindly check it ma'am for correction." Alicia handed me a folder kung saan nakalagay dun yung magiging flow ng program ng launching ng mga bagong laruan ng kumpanya next week.

Pagkatapos nun, paghahandaan ko naman yung business conference na dadaluhan ko sa Europe sa susunod na buwan. Iyon yung sa daddy ni Rue, kay Mr. Joaquin Montecarlo.

"Okay, thank you Alicia. Tawagan na lang kita if ever may babaguhin." tumango lang siya at naglakad na palabas ng office ko ng lingunin ulit ako nito.

"You're blooming Ms. Kylene! Mukhang nakapag-relax talaga kayo sa 3 day vacation niyo sa Davao." I rolled my eyes heavenward. Kung alam mo lang Alicia! She chuckled at lumabas na rin sa pinto.

Kanina, hinatid ako dito sa office ni Rue. Regarding sa damit na suot ko ngayon, pinag-shopping pa muna niya ako ng damit. Imagine, nagawa niyang ibili ako ng damit ng ganun kaaga? I wonder kung saan niya nakuha iyon kasi naman usually, 8am pa nagbubukas ang mga botique di ba? Nung tinanong ko siya kung paano niya nagawa iyon, baka naman kasi kay Shara iyon pero ito lang ang sagot niya sa akin...

"Diskarte ng mga gwapo ang tawag doon!" sabay wink sa akin. Kapal di ba?

Kanina pagkagising ko, okay naman ang pakiramdam ko. Sa totoo lang di naman ako namahay kasi nakatulog kaagad ako, at ang weird pa, napaginipan ko na magkatabi kami ni Rue sa isang kama! Pero linawin ko, magkatabi lang daw kami, walang ibang ginagawa, okay?!

Nitong mga nakakaraang araw, mula ng sabihin ni Rue kila daddy na girlfriend niya ako, pakiramdam ko naging peaceful ako. Yung tipong basta makita mo lang siya o kaya maramdaman mo yung presence niya, maayos na ang lahat?

Pero may problema. Yung lalaki na laging nagsasabi na magpakasal kami laging umeepal! Wala pa naman siyang mukha sa panaginip ko baka mamaya pangit lang iyon!

Nang matapos kong i-check yung drafts na ibinigay ni Alicia sa akin kanina, at nung masigurado ko na napirmahan ko na lahat ng papeles na natambak sa tatlong araw na pag-alis ko, napagpasyahan kong umalis na para puntahan si Karla sa kanila. Miss ko na kaya anak ko! Kagabi tinawagan ko si Karlo at ang sabi niya nandito lang daw sila ng pamilya niya sa Manila kasama si Chantal. Di daw siya pwedeng umalis dahil may trabaho siya. May point siya dun! Di ko lang agad naisip iyon kagabi kasi nadala ako sa mga kahibangan ni Karla.

"Nanay!" pagkababa ko pa lang sa kotse, sinalubong na ako ni Chantal. Pagkahiwalay niya sa akin mula sa pagyakap napansin ko na puro pintura ang damit at yung mukha niya.

"Bakit ang dungis mo?"

"Nagpe-paint po kami ni Jupiter nanay! Tito Karlo bought us some art materials yesterday nung nanuod po kami ng sine."

"Nanuod ka ng sine kahapon?" napakunot naman ang noo ko. Ano ba ang latest na palabas ngayon sa sinehan? Nahuhuli na yata ako sa balita. "Yup nanay, Talk Back and You're Dead po." natawa naman ako ng biglang magpose ang anak ko na tila nag-cover siya ng mouth niya tapos nakalagay yung kamay niya sa bewang niya.

"Haha, okay. Pero sana sinama mo ako!"

"My dear beautiful nanay, Tita Kay said to Tito Karlo, you go out on a date daw with Tatay kaya kami na lang!" napapikit na lang ako ng marinig ko iyon kay Chantal. Kaunti na lang ililibing ko na ng buhay si Karla!

Binuhat ko na siya at naglakad papasok sa loob ng bahay nila Karla. Kailangan ko ng makita iyon dahil gusto ko na ring umuwi sa bahay ko kahit pa pakiramdam ko okay lang din kahit forever na ako kila Rue.

Seducing the man in my dreamsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon