Chapter 33

2.6K 49 1
                                    

Kylene's POV

Almost 7 o'clock pm na pero wala pa ring Rue Angelo ang sumusundo sa akin dito sa kwarto ko. Di kaya tinuloy na niya yung sinabi niya na si Lorraine yung ka-date niya! Kawawa naman ako!

"Ma'am ito po yung pouch niyo." nilingon ko yung yaya ni Chantal at inabot yung silver pouch na nakapatong kanina sa kama ko. Nakaharap ako ngayon sa tapat ng salamin at inaayos yung buhok ko. Nag-apply lang ako ng light make-up tapos nag-curl lang ako ng buhok.

"Thanks! Samahan mo lang muna si Chantal dito ah? Di naman siguro kami magtatagal doon ni Rue." tumango lang ito tapos lumapit na ito kay Chantal na abala sa panonood ng Dora the Explorer sa iPad air niya.

Makalipas ng ilang minuto at wala pa rin si Rue, napagdesisyunan ko na puntahan na lang ito sa kwarto niya. Nagpaalam ako saglit sa anak ko at nagbilin sa yaya niya.

Pagkalabas ko ng kwarto sakto naman na nakita kong naglalakad sa hallway si Lorraine in her sexy red cocktail dress.

"Hello Kylene!" nagwave pa ito sa akin na akala mo ba walang nangyari kagabi sa eksaktong pwesto na kinatatayuan namin ngayon. Tinaasan ko lang ito ng kilay at akmang lalakad palapit sa kwarto ni Rue nang unahan ako ng Lorraine.

"Oh wait! I'm the one who's going to knock on his door. You know? Para pagkabukas ako ang una niyang makikita. Ang sweet kaya nung ganun, right?" nagpipigil na lang talaga ako. Huminga muna ako ng malalim bago siya ngitian.

"Go ahead!" parang bata na pumalakpak pa ito ng kamay at nagsimula ng kumatok.

"Rue~ I'm here na!" pssh! Pathetic! Mabait na ako ng lagay na ito kasi sayang naman ang pagpapaganda ko kay Rue kung aaksayahin ko lang sa asar sa bata na ito. Oo, bata! Kahit mas matangkad siya sa akin pero yung kilos naman niya, parang ngayon lang pinakawalan ng daddy niya na O.A. kung ipangalandakan niya!

After a couple of minutes, di pa rin binubuksan ni Rue yung pinto kaya medyo nag-alala na ako. Mayamaya pa, nag-vibrate yung phone ko. Nang tignan ko kung sino yung nag-text, si Rue pala.

Pagkabasa ko ng text, nagsimula na akong maglakad papunta sa may elevator ng tawagin ako ni Lorraine.

"Where are you going? Are you giving up your boyfriend on me?" maarteng tanong nito sa akin. Saglit ko itong nilingon at syaka ako nagsalita.

"You wish Lorraine. Magiging kasing ganda mo muna ako sa paningin ni Rue bago mangyari iyon." I smirked with matching flip ng hair ko. I enter the lift and press the botton down to ground floor. Kung di pa naman kasi siya tanga. Di na nga siya pinagbubuksan, mag-expect ka pa ba na nandoon si Rue sa loob?

Ang sabi ni Rue sa text, nasa may lobby na siya ng hotel at kausap lang niya kanina yung daddy niya kaya di na niya ako nasundo.

Pagdating ko sa ground floor, si Smith naman ang nakasalubong ko. Ano ba ang nangyayari sa bansang Italy at sila pa yung nakasalubong ko. Hangga't maaari ay hwag ko na siyang makita kasi una, nakakahiya yung nangyari kagabi. Pangalawa, ang gwapo niya kasi sa suot niyang Armani, baka malimutan ko na kasama ko si Rue. Char!

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon