Chapter 11

4.4K 55 17
                                    

Kylene's POV

"Charles..."

"Charles!!!" bigla akong napabalikwas ng bangon na sobra ang pawis ko.. I forgot to turn the aircondition on kanina and thank God, it's just a dream. Akala ko totoo na.

"Sweetie are you alright?" napatingin ako sa may gawing pinto ng kwarto ko at nakita ko doon si Joshua na may dalang tray ng pagkain. 4:18pm na ayon sa wall clock sa may taas ng pinto. Ilang oras ba ako nakatulog pagkaalis nung event organizer kanina? "Gigisingin na talaga sana kita. Nagpaluto yung mommy mo ng favorite mo ng munggo turon, dinala ko na dito, " napatigil siya sa pagsasalita at tinignan ako ng mabuti. "the same dream again?" napailing ako at umayos ng upo.

Kinwento ko kay Josh ang napaginipan ko. Nung una matama lang siyang nakikinig pero mayamaya natawa siya. "Walang nakakatawa sa kwento, I'm serious!" inirapan ko siya at pinalo ng mahina sa braso niya.

"Pfft... come to think of it Kylene, si Chantal hahabol dun sa anak niya kasi nakita niya yung laruan? Nakalimutan mo na yata that you owned a famous toy industry in town, that's really funny hahaha!" 

"You think maiisip ko yun eh panaginip nga!" sinubo ko lang yung pagkain ko. Minsan walang kwentang kwentuhan itong Joshua na ito eh!

"Eh di ba minsan Lucid Dreamer ka? You can control things..." nag-hand gesture pa siya na parang may special powers ako. Pssh... parang bata!

"Shut up Josh or I will kick you palabas ng kwarto ko!"

"That was so hard, yet so sweet. Ayaw, di ako lalabas. Dito lang ako, usog ka tabi ako sa'yo na-miss kita!" wala na akong nagawa nung tumabi siya sa akin at yinakap yung bewang ko.

Josh is such a sweet guy. Bagay talaga sila ni Karla na bitter sa buhay!

"Oy, may kasalanan ka sa akin!" medyo tinulak ko siya para makita ko yung mukha niya nakasiksik sa tagiliran ko.

"What? Ang ma-inlove sa'yo? Matagal ko ng inaamin yun-- aww!" pitikin ko nga yung matangos niyang ilong.

"Hindi yun! Seryoso nga!"

"I'm dead serious!" he retorded.

"Tsk, ano sinabi mo kagabi kay Rue nung tumawag siya? Nakakaasar ka di mo man lang sinabi sa akin!" I crossed my arms and pout my lips.

"Tsk! Sa tingin mo sasabihin ko sa'yo yun eh ayaw ko nga dun! Syaka wag kang gumanyan, halikan kita eh!" isiniksik lang niya ulit yung ulo niya sa may bandang leeg ko. "I love you Kylene!" he bluntly said. I rolled my eyes heavenward.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon