Chapter 14

3.9K 50 2
  • Dedicated kay to all my readers, and new followers! ♥
                                    

Kylene's POV

Hating gabi na pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. Saglit kong nilingon si Chantal na natutulog sa may kama ko.

Bukas na ang byahe namin pauwi sa Manila. Kanina, pagkatapos ng nangyari sa daan ang dami ng tumatakbo sa utak ko.

Sino ba kasi iyong lalaki na 'yun?


Hinawi ko yung asul na kurtina dito sa may bintana ng kwarto ko. Masyadong maliwanag ang sinag ng buwan kaya kitang-kita yung buong paligid sa labas ng bahay mula dito sa kwarto ko.


Naagaw ang atensyon ko dun sa tree house sa may labas ng bahay. Sabi ni daddy lagi daw ako naglalaro noon dun nung bata ako kasama yung mga pinsan ko.


Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at dinampot ko yung robe sa may gilid ng kama ko at kinuha yung phone ko sabay bukas ng ilaw nun at lumabas ako ng kwarto ko papunta sa tree house.

Sa may kusina ako dumaan para mas madali akong makarating doon. Nakita ko pa yung isang maid na naglilinis ng mga kaldero.

Saglit siyang tumigil sa ginagagawa niya at bumaling sa akin."Miss Kylene, gabing-gabi na po ah! Dapat nagpapahinga na po kayo niyan."

"Uhm may titignan lang ako sa labas!" mabilis kong hinawakan yung doorknob at naglakad na papunta dun sa may puno ng mangga kung saan nandun yung tree house.

Napansin ko naman na sumunod sa akin yung maid na kung di ako nagkakamali eh Lea ang pangalan.

"Naku, baka malaglag po kayo dyan! Matagal na pong walang pumupunta dyan!" nakasampa na yung isa kong paa sa may hagdan ng lumingon ako dito.

"Are you kidding? Imposibleng wala, syempre panigurado na pinapalinis ni mommy ito sa inyo."

"Ayaw naman po ng mommy niyo na may pumupunta po dyan eh!" di ko na lang pinansin yung huling sinabi niya at itinuloy na yung pag-akyat ko papunta sa taas ng tree house.

Pagdating ko dun, kinapa ko yung switch ng ilaw at maswerte naman ako kasi hindi pa pundido ilaw nun.

Lubid lang yung pinaka-lock ng pinto kaya mabilis ko naman naalis yung pagkakabuhol nun.

Di ko alam pero parang may nagtutulak sa akin na pasukin itong tree house na ito.

Bumungad sa akin yung mga maalikabok na gamit sa loob. Napailing na lang ako. Ang alam ko may pagka-OC si mommy kaya nakakapagtaka kung bakit hindi niya pinapalinis ito.

May kalakihan yung tree house at pagpasok mo naman sa loob nun may mga gamit na usually mga gawa sa kawayan at kahoy. Lumalangitngit pa yung sahig habang humahakbang ako kaya narinig ko pa ni tinatawag ako ni Lea mula sa ibaba.

"Wait lang!" nagpatuloy lang ako sa pagsuri sa buong lugar. Pinipilit ko kung may maalala ba ako nang mapansin ko yung dalawang frame na nakatumba.

Lumapit ako dun at itinayo yung isa. Dalawang batang babae na magkahawak ang kamay habang nakaupo sa may sofa na kawayan. Tinitigan ko yung dalawang bata sa larawan ng mapansin ko na kamukha ni Chantal yung isa. I think that's me when I was a kid! Look a like talaga kami ng cupcake ko.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon