Chapter 36

2.5K 40 4
                                    

Kylene's POV

"Nanay, let me go na po please! I want to play my iPad na!" imbis na sundin yung sinabi ni Chantal, mas hinigpitan ko pa yung pagkakaakap ko sa kanya. Kalong ko siya mula sa pagkakaupo dito sa kama sa loob ng hotel room namin. "Nanay..."

"Cupcake, let me hug you please! Sobrang na-miss ka ng n-nanay eh!" napalunok na lang ako mapigilan ko lang yung mga luhang kanina pa na gustong lumabas mula sa mga mata ko. Parang unti-unti na nanghihina ako sa tuwing naiisip ko na hindi ako 'yung ina niya, na hindi ko siya anak. What's next? Ano pa yung malalaman ko? Ano pa bang mga rebelasyon ang bigla na lang sasabog sa harap ko? Kung bangungot naman ito sana magising na ako kasi ayaw ko na!

"S-sige po nanay, i-hug niyo lang po ako as long as you want! Hwag lang po kayo iiyak!" dun ka lang napansin na umiiyak na nga ako. Mas hinigpitan ko pa yung pagkakaakap sa kanya. Nasa ganung posisyon kami ng biglang nag-ring yung phone ko. Paglingon ko dito, si daddy ang nasa caller id. Minsan lang tumawag sa akin si daddy. Mas prefer niya kasi na nagkakausap kami ng personal and knowing my dad, he's a man of few words. He never talk or said too much if it's not needed in every situation. Makikinig muna siya ng mabuti sa'yo bago siya kumibo kung sang-ayon ba siya o hindi and because of his attitute napalago niya yung negosyo niya.

"Hello, dad?"

(Kylene, you're mom is sick. She wants to see you my dear!) napapikit na lang ako ng marinig ko yung sinabi ni daddy sa kabilang linya. Until now, di pa rin mawala sa utak ko yung nangyari nung hapon na muntik na akong gawan ng masama ni Charles.

And speaking of Charles...

Kung hindi ako ang nanay ni Chantal, ano siya sa buhay ng anak ko?

"Susubukan ko pong makauwi dad, as soon as possible!"

(Kylene, anak?)

"Yes dad?"

(Mahal na mahal ka ng daddy. Tatandaan mo lagi 'yan! Hindi ko man masyadong nasasabi at napaparamdam sa'yo, pero sana hwag mong isipin na di kita mahal.) ramdam ko na puno ng hinanakit yung boses sinabi ni daddy. Napailing ako. Never kong inisip na di ako mahal ni daddy, o kahit si mommy. Nagkataon lang siguro na komunikasyon ang kulang sa amin kaya ganun ang iniisip ni daddy.

"I love you too dad! Kahit kailan di ko naisip na di niyo ako mahal. Gusto ko pong malaman niyo 'yun!" tinakpan ko na lang ng palad ko yung bibig ko para pigilan 'yung paghikbi. Si Chantal, humiwalay na sa akin at nahiga sa kama para maglaro kaya lumayo ako dito at naupo sa may upuan na katapat nito.

(P-pero wala akong nagawa nung mga panahon na iyon! Kung di sana ako gumawa ng kalokohan nun eh di sana di nangyari sa inyo ito!)

"Ano po bang sinasabi niyo dad?" kinakabahang tanong ko dito.

(I'm sorry anak! Patawarin mo ang daddy!)

---

Rue's POV

"That's enough son. Hwag mong gawing tubig iyang alak!" napasabunot na lang ako sa buhok ko nung bawiin sa akin ni daddy yung baso na nakapatong sa may lamesa sa kwarto niya. I used to stay here mula kaninang umaga nung bumalik kami ni Kylene. Inis ako ngayon di dahil sa ginawa ni daddy kundi dahil sa ginawa ko.

Napaka-stupid ko! Dapat noon pa lang sinabi ko na kay Kylene lahat ng alam ko! Sana nung time na nakiusap ako kay dad na gumawa ng paraan para magkita kaming dalawa gumawa na ako ng move. Sana nung nalaman kong may amnesia siya isa-isa ko na sanang sinabi sa kanya 'yung totoo. Ang totoo na boyfriend niya ako, na nag-aral siya dito sa Italy at dito kami nagkakakilala.

"Wala kang kasalanan Rue Angelo. Mapaglaro ang tadhana kaya nangyayari sa inyo 'yung mga bagay na iyan!" napapikit na lang ako. Oo, sobrang mapaglarong ang tadhana. Kasi sa dinami-dami ng taong makasalanan na sana nagsa-suffer sa ginawa nila, si Kylene pa yung may amnesia dahil sa kagagawan ng ina niya, siya pa itong muntik ng may mangyaring masama kagagawan nung ipinakilalang nakabuntis sa kanya! Hinayaan nila maging miserable si Kylene!

"Kung hindi kaya ako bumalik sa Pilipinas dad para hanapin siya, ano kaya ang nangyari?"

"Maybe she's still blinded from the truth. Baka hanggang ngayon puro kasinungalingan lang ang alam niya tungkol sa buhay niya. You should be proud to yourself because you set her free!" I know my dad tries to convince me that everything is okay but hell I know it's not! Hindi pa hangga't di ko nasasabi kay Kylene ang mga nalaman ko at mga malalaman ko.

"Gawin mo lang ang kaya mong gawin anak! Nandito lang ako." dad tapped my back before he headed back way out of this room. Kinuha ko yung papel sa may gilid ko. Isa-isa ko itong tinignan base sa pagkakasunod-sunod nun.

Birth Certificate

Name: Chantal Grecia
Date of Birth: December 1, 2010
Name of Parents: Kylene Chaze Grecia
Place of Birth: Quezon City

Name: Kylene Chaze Alvaro Grecia
Date of Birth: July 17, 1990
Name of Parents: Julius Grecia / Andrea Alvaro
Place of Birth: Davao General Hospital

Name: Kyla Charizze Alvaro Grecia
Date of Birth: November 9, 1992
Name of Parents: Julius Grecia / Andrea Alvaro
Place of Birth: Davao General Hospital

Death Certificate

Name: Kyla Charizze Alvaro Grecia
Date of Birth: November 9, 1992
Date of Death: December 1, 2010
Cause of Death: DOA (Car Accident)

   



















  




Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon