Chapter 28

2.6K 46 3
                                    

Kylene's POV

"Nanay eat your food na." napatingin ako kay Chantal na nakaupo sa tabi ko. Nasa isang fast food chain kami ngayon at kumakain ng dinner. Pagkatapos ng nangyari kanina sa bahay hindi na ako nag-atubili pa na umalis doon. Sa isang maid lang ako nakapagpaalam dahil si mommy di ko makita while my dad went out for some business matters sa kabayanan. Minsan iniisip ko, bakit parang walang magawa si daddy kapag si mommy na ang nagdedesisyon sa bahay. Sigurado naman ako na hindi siya under. Tahimik lang talaga siya.

Until now, my body is still shaken because of horrible things happened. Mabuti na lang at nakawala ako. Di ko lang alam kung nakalabas na siya ng kwarto sa mga oras na ito.

"Uwi na po tayo nay?" Chantal asked me with her mouthful of fries.

"Ah yeah! Hintayin lang natin si Tita Kay mo dito." Dinampot ko yung tissue sa mesa at nilinis yung pisngi niya na may catsup. Mamayang 8pm pa kasi ang flight namin pauwi sa Manila. Si Karla kasi bumisita sa mga kamag-anak namin dito sa Davao kaya wala pa siya hanggang ngayon. Nagtaka nga siya kung bakit biglaan eh dapat sa isang araw pa ang alis namin. Hindi ko pa din sinasabi sa kanya yung nangyari kanina kasi panigurado magwawala iyon.

Nagpatuloy lang sa pagkain si Chantal. Wala akong gana kaya nakuntento na lang ako panuorin siya.

---

"KC ano ba!? Kanina ka pa nagbubuntung hininga dyan, naiirita na ako!" pagrereklamo ni Karla. Nandito kami ngayon sa may waiting area. Kanina pa kasi ako nag-a-attempt na itext si Rue pero kapag nakaramdam naman ako ng hiya ititigil ko. Wala tuloy ako magawa kundi ang bumuntong hininga!

"Sorry okay!"

"LQ pa rin pa kayo ni Rue?"

"Y-yeah?! Di ko alam!"

"Pagkauwi natin sa Manila puntahan mo siya sa condo niya tapos gahasain mo!" imbis na matawa ako sa sinabi niya dahil alam ko namang biro lang yun, bumalik yung mga alaala ng mga nangyari kanina kaya napaiyak na lang ako.

"KC, what the! Inano kita? Why are you crying! Gosh!" naramdaman ko na lang yung pag-akap ni Karla sa akin at hinahagod yung likod ko pero parang walang epekto kasi mas lalo pa akong naiyak. "Kylene!"

"Nanay! huhuhu... hwag na po kayo iyak! huhuhu"

"Kylene, magsalita ka! Pati anak mo umiiyak na rin!"

Pinilit kong kumalma. Pero nanginginig yung buong katawan ko kasi parang ngayon lang nag-sink-in sa akin ang lahat.

"Charles forced me to do some sexual intercourse with him!" halos pabulong ko lang na sinabi kay Karla iyon dahil ayokong marinig iyon anak ko.

Napatakip naman ng bibig si Karla at nagsimulang magtubig ang mata. "He's a bullshit!" napakuyom ang mga kamay niya kaya agad kong hinawakan iyon. Ito ang dahilan kaya ayokong sabihin sa kanya ang tungkol dun. Sobrang magalit itong si Karla.

"A-ano sabi nila tita?" bago sagutin, kinandong ko muna sa akin si Chantal na di pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"Hush..." isinubsob niya yung ulo niya sa dibdib ko at mayamaya pa ay tumigil na siya pero humihikbi pa rin. "Di nila alam. I locked him on my room nung nagkaroon ako ng chance na makatakas. Hinanap ko agad si Chantal na nung time na 'yun eh naglalaro sa may ilalim ng tree house. Yung maid lang ang may alam ng pag-alis namin."

"Sabihin mo kay Tita!!!"

"No!" agad kong hinawakan yung kamay niya nung akmang kukunin na niya yung phone niya.

"Ayaw mong malaman nila?" umiling ako. "Why?" di ako nakasagot sa tanong niya. Kanina kasi ng makita ko ang mommy sa may labas ng kwarto ko, naragdagan yung kabang nararamdaman ko. Nakakapagtaka kasi na nakapasok dun si Charles sa kwarto ko gayong ni-lock ko iyon.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon