Dedications:
RhaeAncajas
Daughn
acdvitug
MissingYou_30
Message niyo po ako lahat ng di ko na-mention. 4 to 5 po every update! Kahit sino, bait ko kaya! hahaha
Fast Forward
Kylene's POV
One, two, three...
Tatlong naglalakihang bag ang nakapila ngayon dito sa sala. Ang alam ko, one week lang yung annual business conference sa Italy pero daig ko pa yung magbabaksyon doon ng isang buwan. Ang totoo niyan, si Rue ang may gusto na magdala ako ng ganito kadaming gamit, iyong lalaki talaga na 'yun!
I throw myself to sit on the couch and glance at my baggage. Bakit ang dami ninyo?
"Nanay ko!" napangiti ako ng makita ko si Chantal na tumatakbo palapit sa akin bitbit yung isang malaking manika.
"Carefull cupcake!" paalala ko dito. Agad siyang kumandong sa lap ko at yinakap yung mga braso niya sa leeg ko.
"Mamaya na po alis niyo?" nakalabing tanong nito sa akin kaya tumango ako. Yinakap ko ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
"Yes cupcake. In-explain ko na naman sa'yo di ba? Pero isang linggo lang dun si nanay. Uhm... ano gusto mo pasalubong, bagong toys? Ay mali... madami ka na pala nun!" napatakip naman siya ng bibig at bahagyang tumawa.
"Ayaw ko po ng toys!"
"Ah alam ko na! Pink dress. Gusto mo iyon di ba?" umiling lang siya at yumakap muli sa akin.
"Kahit wala na po pasalubong. Basta uwi na lang po kayo ni Tatay Rue dito para makapasyal po tayo sa malayong lugar."
"Sige. Magpapakabait ka habang wala si nanay ah!? Hwag masyadong kukulitin si Tita Kay."
"Opo nanay!" Payag na payag si Karla nung pinaalam ko sa kanya yung tungkol sa pag-alis ko lalo na nung pinangakuan ko ng signature bag bilang pasalubong. Kahit tagalan ko pa nga daw eh! Baliw talaga!
---
"Gosh, KC! Kinikilig ako!!!" si Karla na hindi mapakali habang dina-drive yung kotse ko papuntang NAIA.
"Bakit ka kinikilig, kayo na ba ni Josh?"
"Yie~ si Tita Kay, asawa na!"
"Hay naku kayong mag-ina ah?!"
"Eh bakit ka nga kinikilig?" pangungulit ko dito.
"Para ka kasing pupunta ng honeymoon! hihi..."
"What?"
"Tita what is honeymoon?" inosenteng tanong ni Chantal mula sa backseat.
BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
Ficción GeneralWhat was really happened to her, three years ago?