Chapter 3

6.4K 86 1
                                    


"Kylene, tumakbo ka na!"

"Hindi pwede, mapapahamak ka! Hindi kita iiwan dito, sasamahan kita!" hinawakan ko yung kamay ng babae na nakagapos habang hinang-hina na nakahiga sa isang papag na kawayan.

"Hwag matigas ang ulo Kylene! Tumakbo ka na at humingi ng tulong sige na!!!" pilit niya akong tinutulak palabas sa madilim na lugar na 'yon. Kahit labag sa kalooban ko, sinunod ko na lang siya at nagtatakbo ako palayo doon.

Madilim. Tanging liwanag lang ng buwan ang ilaw ko.

"Mommy, daddy!" usal ko sa sarili ko. Takot na takot na ako! Mas lalo akong nahintakutan nung makarinig ako ng kaluskos kaya binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

"Kylene, hwag ng magtago. Mapapahamak ka pa rin naman eh!" halos manginig na ang buong katawan ko dahil sa takot. Isiniksik ko lang yung sarili ko sa isang nakatumbang puno. Iyak lang ako ng iyak.

"Mommy, daddy!"

"Kylene wake up! Kylene!" pagdilat ko ng mata ko, bumungad sa akin si Rue. "You're having a bad dream. Are you alright?" tumango lang ako. "Does my car are that too comfortable for you that you drown yourself to a deep sleep in less than an hour?"

Doon ko lang napansin na nakasakay pa pala ako sa kotse niya kaya umayos ako ng upo. Napatingin naman ako sa kanya nung dumampi yung kamay niya sa pisngi ko. Umiiyak na naman pala ako.

"Ako na," kinuha ko kaagad yung panyo sa bag ko at ako na ang nag-ayos sa sarili ko. "nasaan na tayo?" luminga pa ako sa paligid at napansin kong nasa isang parking lot kami.

"Parking lot sa office mo. Nakatulog ka kanina sa traffic sa daan eh. Pagdating dito hindi naman kita agad ginising baka kasi napuyat ka."

"Ganun ba? Pasensya na Rue." kasalukuyang tinatanggal ko na yung seatbelt ko ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. "B-bakit?"

"Nothing!" weird. Kanina pa yan. Bago kami umalis sa restaurant na pinagkainan namin kung anu-ano ang sinasabi. Kesyo, kagaya pa rin daw ako ng dati. I asked him kung naging classmate ko ba siya nung college, or nung high school pero tumawa lang siya. Nakakaasar kasi mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa siya!

"Thank you sa lunch Rue. Next time ako naman ang manlilibre okay?" masyado bang obvious na gusto ko ulit siyang makasama?

"Aasahan ko yan Kylene ah!"

"Sige lang!"

"Next time, isama mo yung anak mo."

"Sure thing!"

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ko napagpasyahang sumakay ng elevator. Habang paakyat, naalala ko yung babae sa panaginip ko.

Sino kaya yun? Lagi na lang ganun. Okay sana kung makikita ko talaga yung mukha niya ang kaso blurred eh.

—-

Pagpasok ko sa office, naabutan ko naman si Joshua na nakaupo sa pwesto ko at ginagamit ang laptop ko.

"Josh." agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. Sumandal lang siya dun sa upuan ko at umiling. "Ano iniiling mo dyan?" naglakad ako paupo sa may couch at kinuha yung maliit na salamin sa loob ng bag ko para ayusin ang sarili ko.

"Where have you been KC? Almost 2 hours din ako naghintay sa'yo dito sa loob ng office mo!"

Natigil naman ako sa ginagawa kong pagre-retouch at tumingin sa kanya. Napansin ko lang, lahat ng lalaki na nakasama ko ngayon kung makapag-demand akala mo pagmamay-ari ako. Kung makapagsalita at makapagtanong, akala mo boyfriend ko. Si Joshua maiintindihan ko pa kasi may gusto siya sa akin pero si Rue...

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon