Chapter 22

3.2K 44 1
                                    

Kylene's POV

My whole company went busy this last few days regarding the launching of the new product of my toy industry.

Nandito ako ngayon sa office ko to do the final review sa magaganap mamayang gabi sa event. Once a year lang mangyari 'yun and this is my second time at kagaya nung nakaraan I hope maging successful siya. Sa ganitong mga events dito mo kasi makakasalamuha ang maraming businessman na kagaya ko. They all seek for the investors that can invest on their business and such.

Nasa huling batch na ako ng mga folders dito sa may mesa ko ng may kumatok sa pinto. Akala ko nung una si Alicia or Aira lang but to my surprise, it's my mom and she's with someone.

"Mommy!" tumayo agad ako sa pwesto ko at lumapit sa kanya. I gave her a warm hug and a kiss on her cheeks. "I guess you came here all the way from Davao just to attend the event tonight."

"Of course hija. You know me very well. I can't miss the every miles stone of my daughter's success!" she cupped my face and fix the strands of my hair in my face.

Hinawakan ni mommy ang kamay ko at lumingon doon sa kasama niya. A guy na sa tingin ko ay nasa 30's na but still good looking just like my Rue and he's wearing a pair dark blue long sleeve and black suits.

"Kylene anak meet Matthew. His mom is one my friend way back in college. Matthew, this is my lovely daughter Kylene. Siya 'yung kinukwento ko sa'yo mula kaninang umaga sa byahe natin na alam ko naman sinawaan ka na." natawa na lang kami sa sinabi ni mommy. Inalok ko sila na maupo sa may couch dito sa office ko and I contact the nearest coffee shop in my office building para sa pagkain namin. Si Alicia mas busy sa akin kaya ayaw ko ng istorbohin pa.

"Tita, kung sa tingin niyo nagsawa ako sa mga kwento niyo kanina tungkol dito kay Kylene, upon seeing her right now parang gusto ko ulit ipaulit sa inyo yung mga kwento niyo sa akin kanina." napatingin ako kay Matthew at nailang naman ako na nakatitig pala siya sa akin. Na-curious tuloy ako kung ano yung mga sinabi sa ni mommy sa kanya tungkol sa akin. Knowing my mother, minsan sumosobra siya sa pagpuri sa akin. Alam ko naman na anak niya ako, but for heaven's sake, may mali din naman akong ginagawa di ba? Isa na dun yung di ko pag-inom ng gamot. Sana nga lang di ako isumbong ni Rue sa kanya.

And speaking of Rue, ilang araw na rin kaming di nagkikita. Pagkatapos ng nangyari sa unit niya nung gabi na 'yun at idagdag pa yung sa unit ko, grabe! Gusto ko ng lamunin ako ng lupa papunta sa core niya!

Although we are both busy, we never missed to call each other naman pero syempre iba rin yung kasama ko talaga siya. Nami-miss ko na kasi yung pang-aasar niya sa akin, isama mo na 'yung mga joke niya na may kakaibang meaning. The way we cuddle each other, his hug, his kiss...

"Kylene Chaze, nagka-stain na yang damit mo!" napaigtad na lang ako ng marinig ko yung boses ni mommy. I blink twice at dun ko lang napansin na may patak ng iniinom kong kape yung blouse ko. Jeez, one of my favorite blouse ever ko ito eh! Humanda ka sa akin Rue mamaya kapag nagkita tayo!

"Here's my hanky, malinis naman yan. Use it to wipe that stain."

"Thanks!" nginitian ko lang siya. Sa totoo lang nahihiya ako ngayon kila mommy. Halata naman na di ko sila ma-entertain ng maayos, siguro dahil busy ako?

Nagkwentuhan lang kaming tatlo, pero mas madalas na si mommy at Matthew ang magkausap. Di ko tuloy mapigilan yung sarili ko na tignan siya, his gestures reminds me of someone. Kung sino man 'yun, di ko alam. Nung mag-ring yung telephone sa office ko, napagpasyahan nilang umuwi na. Meron naman daw bahay na malapit dito sila Matthew, at si mom naman dun na lang daw kila Karla pupunta. Pinilit ko pa siyang dun na lang sa unit ko pero sabi niya na kila Kay na yung gamit niya.

Seducing the man in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon