Author's Note:
Buhay pa po ako, ngayon lang nakapag-online. :D
Dedications:
Marbiechan
RhenaBueno
janehmj
chiq02
Kylene's POV
"Pssh... kaya ayokong um-attend sa ganito. Ang boring!" kanina pang litanya ni Rue iyan habang katabi ko dito sa dulong bahagi ng main hall ng venue kung saan ginaganap yung business conference. Day 2 na at dalawang araw na rin siyang reklamo ng reklamo.
"Paano yung mga nakakaraang business conference, ganyan ka din?" pabulong na tanong ko dito.
"Natutulog lang ako."
"Haysh... uunlad ka dyan!"
"Pfft... napapagalitan nga ako ni daddy pagkatapos nun!"
"Mabuti nga sa'yo!" umakbay lang siya sa akin tapos inilapit yung ulo niya sa tenga ko. Naramdaman ko na lang yung hininga niya sa may leeg ko kaya bahagya akong napakislot.
"You smell so good."
"Tumigil ka nga. Lumalandi ka na naman!"
"Haha... yung mga term mo eh noh?"
"Ikaw kasi!"
---
"Hey where are we going?!" hatak ni Rue yung braso ko at akay-akay ako palabas ng building. Break muna kasi namin at mamaya na magre-resume.
"Basta!"
"Rue, baka hanapin tayo ni daddy mo!"
"Di iyan!"
"Rue Angelo ah!? Negosyo ko nakasalalay dito! Kung saan-saan mo lang yata ako balak dalhin!" reklamo ko dito habang lakad-takbo ginagawa namin dito sa malawak na parking area.
Nung marating na namin yung kotse, binuksan niya iyon at inalalayan akong sumakay. Pagkasara, sinimulan na niyang i-drive 'yun paalis sa lugar na iyon.
"Just relax Kylene! May pupuntahan lang tayo." hindi na ako kumibo at sinandal na lang yung ulo ko sa may upuan. Ang kulit parang bata!
May isang oras na yata kaming bumabyahe ni Rue pero di pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin.
"Rue, saan ba kasi tayo pupunta?" inis na tanong ko dito pero di pa rin niya ako sinagot.
Makalipas ang dalawang oras nakarating kami sa may isang university.
"Where exactly are we?"
BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
General FictionWhat was really happened to her, three years ago?