Flashback
Rue's POV
"Is that your mom?" kulang na lang ay mapatili siya ng bigla akong sumulpot sa likuran niya at yumakap sa may bewang niya. I place my chin on her shoulder and smell the sweet scent of her hair. Nasa rooftop kami ngayon, sinamahan niya kasi ako dito para sa ginagawa kong blueprints na ipapasa ko na next week. Pagharap niya sa akin ay sakto namang pagdampi ng labi ko sa labi kaya medyo napaismid pa siya.
"Si daddy yung tumawag. Sabi niya may sakit si mommy, tapos..."
"Tapos?" I arched my brow. It's the first time that she told me about her family. Sa ilang buwan naming magkasama, never siyang nag-mention ng kung ano man tungkol sa pamilya niya. Lagi ko lang siyang nakikita na may kausap sa cellphone, and worse lagi siyang umiiyak.
"Pinapauwi na niya ako RAM sa Pilipinas." nakayuko niyang tugon sa akin. Hindi ako kaagad nakakibo sa sinabi niya. Pinapauwi? Meaning, iiwan niya ako? What if... "Ahm... RAM, babalik din ako. Si mommy kasi eh! Pinilit niya si daddy na pauwiin ako."
"Kailan ka babalik? Graduation ko na next month." may halong pagtatampong tanong ko dito. She bit her lips na parang bata na hindi alam kung saan hahagilapin yung sagot sa tanong ko. She move closer to hug me at naramdaman ko yung mahipit niyang pag-akap sa akin, at kung ang tatanungin ayoko ng pakiramdam na iyon. Isipin pa lang na aalis siya, di ko kaya.
"Babalik ako Rue, pangako 'yon!" she leaned away at nag-angat ng tingin sa akin ngunit ngiti lang isinagot ko sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya na kanina lang nakapalupot sa likuran ko. Buong akala niya maglalakad na kami pababa ng rooftop pero nanlaki ang mata niya ng buhatin ko siya at iupo sa may dulo ng handrails.
"RAM..."
"I love you, Kylene!" then I kissed her lips, and she gladly respond on it pulling my nape to deepen our kiss.
"I love you more, Rue Angelo!"
---
Bago tuluyang umuwi, dumaan muna kaming dalawa sa Simplon Park. We always hang out on this place every afternoon after ng klase. Good thing that we had the same schedule kaya lagi ko siyang kasabay umuwi at naihahatid ko siya sa apartment nila kahit pa malapit lang naman ito sa university namin.
I stared at her for a while. She's leaning her head on my car window at mahimbing na natutulog. I unbuckle my seatbelt and lean on her side and using my left hand, I put some strands of her hair behind her ear.
"My love..." I murmur. Gumalaw ng kaunti yung mga labi niya kaya akala ko nagising na siya pero mas isiniknik pa niya yung ulo niya sa may bintana. Napangiti ako ng makaisip ako ng kalokohan. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at kinuhanan siya ng picture at dahil sa tunog ng shutter nito ay nagising siya.
"Oops... sorry!" I raised my hand trying to suppressed my laugh. Sakto kasi ng pagmulat ng mata niya yung nakuha dun sa picture.
"Argh! Did you just took a picture me while I'm asleep?!" iritang tanong niya sa akin.
"Y-yeah! Hey, I'm sorry. Natuwa lang ako sa'yo. Ang cute mo kasing matulog eh! But look, ang ganda mo dito oh?!" Pinakita ko pa sa kanya yung phone ko at nanlaki naman yung mata niya dun sa picture. Ang epic kasi!
"Argh! How I hate you Rue Angelo!!!" she yelled at wala akong ibang nagawa kundi ang tuwama.
"Burahin mo 'yan!"
"Ayaw!" iniling ko pa yung ulo ko na parang bata kaya mas lalo pa siyang nainis sa akin.
"Rue Angelo naman eh!"
"Kiss muna!"
"Kumo-quota ka na. Magtigil ka na!" she retorted kaya napasimangot ako.
"Kapag tumigil ako mamatay ako." seryoso kong tugon sa kanya kaya natawa naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/18358365-288-k808931.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing the man in my dreams
General FictionWhat was really happened to her, three years ago?