After 4 years......
"Mheera, anak. Gumising kana diyan. Kunin mo na ang card mo at magpa-enroll kana."
"Anak, dalian mo na."
"Tapos na ang enrollment niyan eh."
"Anak dali na. Maglalaba pa tayo."
"MHEERA GAIL MORA!"
Anong nangyayari ? May sunog ba? Mama! May sunooooog-ARAY!
"LINTEK KANG BATA KA! ENROLLMENT NA NGAYON! DALIAN MO AT MALIGO KANA!" galit na galit na bulyaw sakin ni mama. Halos lumabas na nga ugat niya sa leeg eh.
"Oo na ma. Eto na nga eh." Agad akong tumayo at naghanda ng isusuot at pumasok na sa banyo.
"Nagbasa ka na naman ba? O pinanood mo na naman ang mga idolo mo? Naku naku! Ikaw talaga hindi kana maawat diyan sa kaadikan mo na yan. Nauubos ang pera mo sa kakaprint ng kanilang larawan eh. Tsk. Tsk. Tsk." narinig kong bumaba na si mama kaya lumabas muna ako saglit sa banyo. Kinuha ko lahat ng merchandise ko ng The Legends at dinisplay ito. Actually ito talaga pinagpuyatan ko. Bumyahe pa ko para lang makuha tong mga to. Limited edition kase tsaka sale kaya pinakyaw ko. Gamit ang perang inipon ko last month. Mga posters, stickers, keychain, bags, sapin ng unan at iba pa. Talagang hindi ko pinalagpas. Syempre, adik na ko eh.
"Mheera, nandito na si Arris. Sasabayan ka na daw niya sa pagpapa-enroll kaya dalian mo na diyan." Sigaw ni mama mula sa baba. Um-oo na lang ako at pumasok na sa banyo. Nung first year pa yang Arris na yan kaso hindi ko naman alam kung bakit niya ginagawa yan eh. Para siyang shunga na sunod ng sunod sakin. At itong mama ko naman, ayun, boto agad. Hindi pa nga nanliligaw eh. One time nga may sumubok na nanligaw sakin pero binasted ko. Ang sabi ko may asawa na ko. Si Jauxe Brandon kako kaso hindi naniwala. Bahala ka diyan. Hindi kita type ang isinagot ko sakanya. Tumanda na ako kaya pwede na kami. Ilang taon na nga ulit siya? Ah. 24 na siya and 17 na ako. Pwede naman diba? Age doesn't matter. Kung 18 na nga ako eh pupuntahan ko agad siya dun sa Korea para pakasalan eh. Sure ako ganun din plano mo. Sabay tayo ah? Libre moko hehe.
Dali dali kong tinapos ang pagliligo pati na rin ang pagbibihis. Nakakahiya kasi sa Arris na yun eh. Mamaya umalis na agad. Ayaw ko kong maging mag-isa no. Pagkababa ko nadatnan ko siya na nakaupo sa sala namin. Agad naman siyang tumayo ng makita ako.
"Mheera, tara na." Alok niya sabay lahad ng palad niya. Umiling na lang ako.
"Nasan na si mama?" Ibinaba naman niya ang kamay niya.
"Pumunta lang saglit sa bayan."
"Tara na. Baka ma-late pa tayo." Umuna na akong lumabas sa bahay. Sumunod naman siya agad at sumabay sakin.
"Mheera, you know what. Sa school we treated each other like we're perfect couple but here, it's kinda like I'm you're slave."
"Bakit? Sinabi ko bang sunduin moko? " pabalang na sagot ko. Umiling na lang siya saka ngumiti. Tahimik na lang kaming naglakad papunta sa school. Pero dahil dakilang daldalera ako, hindi ko natiis ang katahimikan.
"May update kana ba sa The Legends?" - Me
"Oo. May world tour sila around 2018-2019. After their comeback daw eh." - Arris
"Makakapunta kana ba?" -Me
"Yeah." -Arris.
"Buti kapa. Ang tanga ko kasi eh. Inubos ko yung ipon ko last month para sa merch." -Me
"Okay." -Arris
Pagkadating namin sa school agad na si Arris. Nabigla nga ako sa sagot niya kanina eh. Akala ko ililibre niya na ko maso okay lang? Kainis ah. Teambahay tuloy ako.
Naghiwalay muna kami saglit para kunin yung card sa kanya kanya naming classrooms. Tumalikod na siya kaya tumalikod na rin. Diretso kong tinahak ang corridor papuntang classroom. Kinuha ko muna ang phone ko para magselfie.
*click!*
*click!*
*cli---*
Arayyyy!
"Bakit kasi nagse-selfie sa daan. Tss." pabulong na saad nung naka bangga sakin at hindi man lang huminto.
"HOY BASTOS! " sigaw ko na sobrang lakas. Kainis eh. Hindi man lang ako tinulungang tumayo. Huminto siya pero hindi humarap. Tumayo ako kahit na masakit ang pwet ko. Huhu.
"Ang kapal ng face mo no? Hindi mo man lang ako tinulungan? Ang luwag nang daan nagawa mo pa akong banggain?!"
"Its your fault miss. Bakit ka kasi nagse-selfie sa daan? You're not even pretty. Bakit kita tutulungan?"
"Aba! Aba! Maski hindi ako maganda, kasalanan mo pa rin kasi binangga mo ako!"
"Curse me if you want, but sorry you're not worth of my time." Boring na pagkakasabi niya at tuluyan ng umalis. At dahil dun mas lalo akong nainis. Inipon ko ang buong lakas ko at kumuha ng buwelo. 1 2 3 !
"Waaaaaahhhh!" Flinying kick ko siya sa ulo. Muntik na siyang mawalan ng balanse pero nakaya niya pa ring manatiling nakatayo. Humarap siya sakin na nanlilisik ang kanyang mga mata.
"What. did. you. do?!" Galit na galit na siya na pati tenga niya namumula na. Parang natulala ako. Hindi sa galit niya kundi dahil sa itsura niya. Itsura niyang mala-artista. Pero inalog ko ang mukha ko. Pogi nga bastos naman. Taas noo ko siyang tinignan.
"Sinipa ka. Masakit ba? Quits na tayo." Sinulyapan ko muna siya saglit at tuluyang naglakad papalayo sakanya. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo, narinig ko na ang pangalan niya.
"I'm Brinon Aquino. The twin brother of Lucifer. Get yourself a place to hide for. So that I won't see you again."

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...