Nakakapagod naman umiyak. Huhu. Ansakit naman talaga ng sinabi ni Jauxe eh. Tsaka mas masakit yung reality. Na kahit anong gawin ko, kahit anong pangarap ang pangarapin ko, Fangirl lang niya ako. Hinding hindi ko siya maabot. Atsaka darating din yung tamang panahon at may babae siyang pakakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak. Huhuhu. Waaahhhh! Ansakit bes. Alam mo yung feeling na may bakod na nakaharang patungo sakanya? Tapos may ilog pa na sobrang lamig na maggi-gising sayo sa katotohan na Hindi pwedeng maging kayo? Waaaahh! Lord, sana ako yung babaeng pakakasalan niya, sana ako yung babaeng magiging INA ng mga anak niya sana ako---
"Hoy, nakaluhod ka diyan? Ang OA mo lately ha. Ano bang meron ?" Biglaang pagsingit ni ate Analyn.
"Istorbo ka naman eh. Hindi ka ba updated? Akala ko ba solid Legenians ka? Eh bakit parang wala kang alam?" Walang gana kong tanong sakanya.
"Yung twitter update ba nila yung tinutukoy mo? Syempre nasaktan din ako pero hindi ko naman bias si Jauxe eh. Si Prexm kaya asawa ko dun yieeehh!" Kinikilig naman siya at para bang nang-aasar pa.
"Sige lang. Pakasaya ka ngayon, bukas may girlfriend na rin si Prexm. Silent but deadly yun." Mayabang ko namang pananakot sakanya.
"Kung mangyayari. Eh huwag ka nang mag-drama diyan. Sinabi lang naman ni Jauxe yun para magpa-alala na hindi forever ay nandiyan siya para satin no." Pagko-comfort naman niya.
"Hindi siya nagpapa-alala. Nagpapa-alam na siya ate. Manhid ka ba? Nagpaparamdam na siya kasi siguro mahal na niya si Sofiang panget na yun." Maluha-luhang kong sagot sakanya.
"Kung mahal man na niya si Sofia, wala ka nang magagawa. Remember, Fangirl lang tayo. Hindi tayo ang mundo nila. At kailanman hinding hindi natin sila maaabot." Nalungkot na rin siya. Nahawa na sa drama ko. Pero mas lalo akong nasaktan. Dahil sa sinabi nya na totoo naman.
"Sige na. Magpahinga kana. Malapit kana grumaduate. Malay mo makita mo na sila."
"Ate, ikaw umaasa ka ba na maging kayo ni Prexm?"
"Oo naman. Pero alam ko kung hanggang saan lang ako. Tsaka masasaktan ka lang rin naman kung hindi mo lilimitahan ang sarili mo eh."
"Umalis kana nga. Puro ka reality, mag-imagine ka naman minsan..." At dahil dun tuluyan na siyang umalis. Bakit ba puro siya reality? Masaya naman na kahit minsan mangarap diba? Na kahit minsan lang eh maisip mo na pwedeng maging kayo ng idol mo. Dahil kung pati iyon ipagkakait, bigti ka na lang. Chos.
At dahil maggagabi na, nagbasa na lang ako. Dahil sa wattpad na to, nakilala ko ang The Legends. Actually, kahit kakakilala ko pa lang sakanila, napamahal na agad ako. Ikaw? Ganun ka rin ba? Yung tipong unang kita pa lang nainlab ka na? Yun bang nakuha na nila yung puso mo? Yung kaluluwa mo? Yun bang nakita mo na agad ang future niyo ng bias mo. Yun bang napapanaginipan mo siya gabi-gabi. Yun bang kapag may kaparehas ka ng bias eh kaagaw agad ang turing mo sakanya. Yun bang may maship lang sakanilang babae eh magseselos at magwawala na ang puso mo. Yun bang laging gumugulo sa isip mo kung ano bang ginagawa nila sa araw na to, sa ganitong oras. Okay lang ba sila? Kung kumain na ba sila? Kung maayos lang ba ang kalagayan nila? Yung tipong kapag nabalitaan mo na nilalagnat sila eh hindi mo na alam ang gagawin mo? Ang hirap. Ang hirap ng ganito. Lalo na at ang layo ko sakanila. Bakit ba ganito? Bakit ganito kahirap maging Fangirl?
*-*-*-*-*-*-*-

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Roman pour AdolescentsSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...