25

185 3 0
                                    

"I really need to go.Remember what I've said.If you can wait me,I'm sure you'll be love."

Sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaandar ito.Napaluha ako pero hindi dahil sa lungkot.Masaya ako,kase kahit hindi sigurado na masusuklian ang pagmamahal ko.Binigyan naman niya ako ng hint para maghintay.Sapat na yun para sa isang tulad kong umiidolo lamang sakanya.

Pumasok na ko sa school at dumiretso sa classroom.Hindi ko masyadong naintindihan ang lessons ngayon.Hindi rin ako masyado nakikinig sa mga kuwento sakin ni Weng habang kumakain kami ngayon dito sa mini forest.Hindi ko alam kung bakit pero kanina nung nasa klase may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing napapatingin ako kay Brinon.Kita pa rin sa mukha niya na malungkot siya at nasasaktan.Ako ba ang dahilan nun? Ako ba ang nagkalat? Alam ko talaga sa sarili ko na hindi ako ang nagkalat pero parang naaapektuhan pa rin ako.Hanggang sa mag-uwian magiliw na Nagpa-alam sakin si Weng.Tipid lang akong tumango at ngumiti sakanya.Pagkadating ko sa bahay bagsak agad ako sa kama.Ngayon lang ulit ako pumasok pero bakit parang sobrang pagod na pagod ako? Hindi ko alam.Pero masaya ako dahil sa chance na binigay ni Jauxe.

Kinabukasan maaga ulit ako.Pasok sa school at aral.Habang nagsusulat kami napatingin ako kay Brinon.Nakatitig siya sakin.Umiwas agad ako ng tingin.Galit pa ba siya sakin? Ako pa rin ba sinisisi niya? Tumingin ulit ako sakanya at nakatitig pa rin siya sakin.Ano ba tinitingin tingin niya sakin? Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat.Nang mag-recess ay hinila ako ni Weng.Excited naman kumain to.Bumili lang kami ng pizza and soda.Dumiretso agad kami sa mini forest.Ang ganda tumambay dito.Refreshing yung air kaloka.Habang kumakain kami nagkukuwento ulit siya.About sa The Legends.

"Mhee,comeback na bukas ng The Legends! OMG! Lalong gumwapo si Prexm tsaka si Kylon !" Sigaw niya.Tumalsik pa sakin kinakain niyang chips.Kahit talaga mala-dyosa to minsan may pagka-dugyot to.

"Kaya beb.Hindi ko alam kung sino na naman bias ko neto.Si Prexm kasi eh,parang habang tumatagal nagiging Hollywood actor." Kumagat ako sa slice ng pizza at uminom sa soda ko.

"I don't need to know beb ah pero inggit ako sayo kase kilala ka ni Jauxe.Binisita ka pa.Don't get me wrong." Tumawa siya at umiling iling.Muntik naman na akong mabilaukan.

"Simple lang naman beb.Naligaw siya noon tapos saktong ako nakita niya.Nung una nga akala ko holdaper siya kase naka-hood tapos gabi pa nun." Tinapos kong nguyain ang pizza at uminom nang soda."And then boom,he considered me as his friend." Uminom ulit ako sa soda ko at tinapon na ang can nito sa basurahan.

"Swerte mo beb.Sana ako din no? Sayang nga kase nung nadatnan ko kayong nag-uusap parang may komontrol sa mga paa ko at umalis agad.Para kaseng something private yung pinag-uusapan niyo." Ininom niya yung natitirang juice niya at tinapon na din sa basurahan.

"Gusto mo ipakilala kita sakanya?" Hindi ko alam pero yan ang una kong naisip na sabihin para naman kahit papaano eh hindi na siya malungkot.Agad naman na sumilay ang saya sa mga mata niya.

"Really? Thanks beb!" Agad niya akong niyakap.Sa sobrang tuwa niya napahigpit pa yakap niya.Niyakap ko na rin siya pabalik.Mahal ko talaga tong beb ko na to.

-*-*-*-*-*-

Pagkapasok ni Weng sa bahay nila agad na akong umalis.Pagkadating ko sa bahay nagligo agad ako at nagpalit.Kailangan kong puntahan si Brinon.Siguro kailangan niya lang nang maiiyakan.Kasi sigurado ngayon brineak na siya ni Sofia.

Pumara ako ng tricycle.Tinatamad kase akong maglakad ngayon.Alam niyo naman,minsan kase tamad ako haha! Pagkahinto namin sa harap ng mansion nila bumaba agad ako.Nagbayad kay manong tsaka dumiretso na sa gate nila.Sinalubong ulit ako ni manong guard.

"Ma'am nandito ulit kayo?"

"Bakit bawal ba manong?"

Kaloka to ah.Bahay niya ba to? Feeler si manong.Taga-bantay lang naman eh.Kutosan ko kaya siya.Chos.

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon