32

196 7 1
                                        

Hindi pa rin ako maka-move on sa nakita ko kahapon.Matapos kasing makita ko si Sir Brie agad akong hinila ni mama papasok.Pinagalitan niya ko kung bakit daw ako lumabas at nangealam pa.Hanggang ngayon,habang nasa school ako hindi pa rin ako makalimot dun.Galit na galit din kase sakin si mama.Ewan,nakita ko lang si sir Brie agad niya kong nilayo.Marahas Yun bes,sapilitan kase akong hinila ni mama.Yung reaksyon nga ni sir Brie,nagulat din eh.Pagkatawag ko sakanya,ngumiti siya,pero nung hinila ako? Aba,gusto din akong hilahin pabalik pero hindi siya nakasunod dahil sa gulat.Ano bang meron sakanila ni mama?

"Ms.Mora!"

Nagitla ako sa biglaang pagsigaw ni sir.Nagdi-discuss kasi siya ngayon.

"Pumasok ka lang ba para mag-imagine? Nasa labas ba ang itinuturo ko?!"

Napayuko na lang ako.Bwisit.Bakit kase hindi ako makaget over dun?

"Tapos yuyuko ka? Ayaw mong mapag-sabihan?!"

T*ngaina neto.Yumuko na nga para hindi na siya mabwisit lalo tapos magre-reklamo pa? Aba! Mala-chupan din tong sir ko na to eh.Mag ala-Maxpein kaya ako? Hindi ko pala kaya.

"1 whole sheet of paper! Long quiz!"

Aba? Gumagaya kay Chupan? Bwisit.Tumingin sakin ang mga kaklase ko at umiling iling.Napatingin din si Brinon na mukhang nag-aalala.Nginitian ko na lang siya para sabihing okay lang ako.Si weng naman,kumukuha na ng papel niya.Kumuha na rin ako at nakinig sa mga tanong.

Sana maka-pasa ako sa bwisit na long quiz na to.

-*-*-*-*-*-*-

"Sorry kanina weng,nadamay pa tuloy kayo."

Naka-upo kami ngayon sa upuan sa stage.May program kase para saming cookery ang kinuha.Niyayaya ako ni Brinon kanina pero sabi ko na mga kaibigan niya na lang muna ayain niya,baka kase napipilitan lang siya sakin.Ayaw niya pa nga nung una eh,pero pinilit ko talaga.

"Okay lang yun,ano ka ba.Bakit ka ba kase nagi-imagine kanina? Mukhang malalim iniisip mo eh."

"Basta, hindi naman kase masyadong importante yun."

"Bakit mukhang problemado ka kung hindi importante?"

"Personal thing."

Tumigil na siya sa pagtatanong pagka-banggit ko nang personal thing.Pagdating kase sa personal na usapan,alam niya na kailangan ako lang.Gusto ko kase hindi i-share kapag personal.And I include sir Brie.Kapag kase sinabi ko na dumalaw siya samin at nag-uusap sila ni mama,baka mag-tanong pa siya ng mag-tanong.At ayaw ko nang ganon.

Nagsimula na ang program.Para siyang seminar but at the same time,may pageant.Pageant ng mga cookery na grade 12.Ang purpose kase ng pageant,ng mga contestant,para silang teacher na ibabase ng mga judges sa ituturo nila samin ang kanilang points para manalo.Una,tinuruan kami kung paano maging professional na chef or cook in the future.Masyado kaming hinahasa para naman may ipagmalaki ang school namin kung sakaling kami ay successful. Matapos ang pagtuturo,rumampa na ang first contestant ng pageant.

"It's not about how it prepare nor designed but it's about how delicious it is.Jamaica Lee Chen,19! Grade 12 Cookery!"

Ang lakas ng palakpakan ng mga tao.Ang ganda kase niya pati na rin ang entrance niya,ang sigla.Huminto siya sa gitna at tumapat sa mic.Para siyang nagde-declamation pero wala masyadong action.Galing niya,iba ang pagkaka-define niya sa word na cookery.Sobrang lalim ng mga salita,ang galing.Mas bagay niya maging teacher kesa chef.

Nang matapos ang pang-una,sumunod naman ang pangalawa.Palakpakan ulit.

"Cooking is passion.Do it with all your heart.Karina Mae Sanchez,19! Grade 12 Cookery!"

Hiyawan ulit.Mas malakas sa una kase ang ganda nito.Mukhang Americana.Bagay na bagay niya pa ang suot niyang damit pang chef pero iniba ito.Ginawang tube at short skirt.Ang ganda pa lalo kase long legged siya.

Hindi ko alam pero parang may sariling pag-iisip ang mga mata ko at hinanap si Brinon sa gitna ng mga nakahilerang tao sa stage.Nakita ko siyang nakaupo sa bandang likod at nakangiti habang pinapanood magsalita ang contestant.Para namang pinukpok ang puso ko.Bakit ganito? Ewan.Iniwas ko na lang ang tingin ko at tumingin ulit sa stage.May gusto na ba siya sa babaeng to? Akala ko ba papakasalan niya ko?

*-*-*-*-*-*-*

Natapos ang program bandang alas-kwatro.Pinauwi na rin kami.Umuwi agad ako dahil parang wala ako sa mood.Magmula kase ng makita ko si Brinon na nakangiti sa contestant,nawala na agad ako sa mood.Hindi ko din alam kung bakit.Basta naiinis ako sa babae.Feeling ko ang landi landi niya.

Nakarating ako sa bahay na hindi pa rin bumabalik ang mood.Hanggang sa kumain wala pa rin.Tinatanong ako ni mama pero sabi ko okay lang ako.Wala din ako sa mood na mag-tanong about sa kahapon.Umakyat ako sa kwarto at pabagsak na humiga.Tinigan ang cellphone baka sakaling may tawag o text si Brinon pero wala.Ano kaya ginagawa niya ngayon? Nagde-date kaya sila nung babae? Kainis! Bakit ba ganito nararamdaman ko? Nagseselos ba ko? No way! Nag-aalala lang ako kay Brinon kase malandi ata yung babae.Argh! Nakakainis!

Napag-pasyahan ko na lang na puntahan siya sa bahay nila.Nag-aalala lang kase ako.Nagpa-alam ako kay mama.Dali daling sumakay sa tricycle. May kung anong nagtutulak sakin na huwag nang tumuloy pero ayoko.Gusto ko siyang makita ngayon.Pagkababa ko sa harap ng gate nila Nagpa-alam agad ako sa guard.Pinapasok niya ako at tumuloy ako sa loob.Tinanong ko sa isa sa mga kasambahay nila kung nasaan si Brinon.Nasa kwarto naman daw niya.Mabilis akong umakyat pero pinigilan ako ng kasambahay nila.Nag-aalala ang mukha niya.May nais siyang sabihin.

"Ano po Yun?"

"K-Kase---"

"Titignan ko lang po siya.Bye po." Hindi ko na siya pinatapos at dali daling umakyat.Tumakbo ako patungo sa kwarto ni Brinon. Pinihit ko ang door knob.Hindi naka-lock.Habang binubuksan ko kinakabahan ako.Nang tuluyan ko nang maibukas.Tumambad sakin ang magkayakap na natutulog na sina Brinon at Karina.Ang babaeng contestant sa pageant.

Bakit naman ang bilis nilang magka-kilala? Atsaka bakit ako nasasaktan? Bakit ako umiiyak?

---------
(A/N)

Okay lang ba? Napilitan lang kase ako.Bukas na kase start ng pasukan namin.BTW,sana suportahan niyo ko kung sakaling makapasok ang story ko sa Wattys2018.Sana din mag-ingay naman kayo.Gusto ko kasi kayong makausap hihi.

Please vote,comment and be a fan if you like.

Brinon - Braynon (Pronunciation)

Hi Caren! Thank you sa comments mo! And also to Jerica! Sana Hindi niyo iwan.Thank you ulit.:)

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon