18

185 7 1
                                        

Binuhat niya ako ng pang-kasal kaya natanggal ang kamay niya sa mga mata ko.Tumingin ako sa likod niya at nakita ko si Jauxe at si Sofia.Nakasandal sa harap ng kotse,naghahalikan.Para bang binambo ang puso ko,tapos nadurog ng unti-unti.Tumulo na rin ang mga luha sa mata ko.Bakit ba ganito? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nagseselos? Wala naman akong karapatan diba? Bakit masakit? Bakit Hindi ko matanggap? Bakit kahit na hindi siya sakin,ganito nararamdaman ko? Bakit? Bakit?

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa dibdib ni Brinon.Tumingala ako sakanya at nakita kong namumula ang mata niya.

"Brinon,umiiyak kaba?" Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya.Umiling naman siya at tumingin na lang sa daan.

"Ibaba mo na lang ako." Bumitaw ako at pilit bumaba.Tumingin siya sakin na nagtataka pero hindi pa rin ako ibinaba.

"Ibaba mo na ko.Nahihirapan ka na diba? Mabigat kaya ako." Tinitigan niya lang ako pero ibinaba na rin.Tumingin ako sa mata niya na namumula pa rin.Para bang nasasaktan? Bakit naman siya nasasaktan?

"May sore eyes ka ba?" Hinawakan ko ang mata niya at tinignan.Umiwas naman siya at umiling.

"Nabigatan ka ba sakin?" Umiling ulit siya.Pipi na ba siya? Wala na ba siyang dila?

Kahit makarating kami sa bahay,hindi pa rin siya umiimik.Nagpa-alam na ako at nagpasalamat sakanya.Inaya ko pa siyang pumasok pero umiling ulit siya.Pagkaalis niya umakyat agad ako.Ayokong interview-hin ako ni mama.Wala ako sa mood.Mas lalo ang kumain,kaya naligo agad ako at humiga.Tinignan ko ang mga pictures ni Jauxe sa cellphone ko.Napaiyak na naman ako.Waaaahhh! Kissing scene Yun eh! Ang sakit sa mata! Pati sa puso ! I-public ko kaya yun? Tapos,ipa-salvage ko kaya si Sofia? Ipakain ko kaya siya Kay Ariela?Anong putahe kaya ang gagawin ni Ariela sakanya? Hahahaha! Juk lang.Hindi ako ganyang tao.Hindi ako masama.

-*-*-*-*-

"Weng,saan makakabili dito ng napkin? Samahan moko please?" Bulong ko kay weng habang nasa klase kami.Nasa likod ko lang kase siya.Nakakainis kase eh.Ngayon pa ako dinatnan.

"Na-tagusan ka na ba?" Bulong din niya.Umiling ako.Pero namula mukha ko.Huhu.Baka nga natagusan na ako dito.Black and white pa naman kulay ng palda namin.

Pagkatunog ng bell ay hinila ko agad si weng patungo sa cr.Pumasok agad ako sa isa sa mga cubicle at pinaghintay doon si Weng.Tinignan ko ang panloob ko at naku! And dami.Waaahhhhh! Jusko,lord!

"Ano Mhee,marami ba?"

"Oo weng,huhu."

"Huwag ka nga umiyak diyan.Bibilhan kita ng napkin mo.Natagusan ka na ba?"

"Oo.Wala akong dalang extra.Meron ka ba?"

"Meron sa locker.Hintay ka lang dito."

Pagka-alis ni Weng kinabahan agad ako.Parang may mangyayari eh.Palabas na sana ako nang may marinig akong may pumasok.Base sa mga boses nila,tatlo sila.

Girl 1: "Beb,bakit parang nakita ko si Jauxe na may kasama?"

Girl 2: "Ako rin eh.Saan mo ba nakita?"

Girl 1: "Sa mall kagabi.Pumunta pa nga sila sa boutique ni Mommy."

Girl 3: "Bakit Hindi mo sinundan beb?"

Girl 1: "I don't think na siya Yun.So inig-nore ko na lang."

Girl 2: "Halina kayo,I wanna see Brinon's face no."

Girl 1&3: "Right.Tara na."

Narinig kong sumara na ang faucet tapos sumarado na ang pinto.Wala na sila dito.Nakita nila si Jauxe? May kasamang babae? Si Sofia yun for sure.Narinig ko ulit na bumukas ang pinto.

"Mhee,mag-palit kana." Nakita kong may palda,short,at panty pati na rin at isang pad ng napkin ang nasa kamay ni weng na nakalagay sa taas ng pinto.Kinuha ko ito agad at nagpalit na.Pagkatapos kong magpalit,lumabas agad ako.

Kumain muna kami sa canteen tapos dumiretso sa classroom.Pagkatapos ng klase,sabay ulit kami ni weng.Nauna ulit siyang naka-uwi.Hindi ko na rin naka-sabay si Brinon.Pagkadating ko sa bahay may agad na nag-text sakin.

From:Unknown Number

Tulungan moko sa homework natin.Punta ka dito.

Psh.Si Brinon to.Sinave ko ang number niya sa contacts ko at agad na naligo.Saglitan lang akong nagpalit at nagpa-alam na Kay mama.Agad naman niya kong pinayagan.Mamaya na lang siguro ako kakain.Nilakad ko lang ang bahay nila.Ayokong gumastos eh.Pagkadating ko sa harap nang gate nila,hinarang agad ako nung guard.

"Anong pakay mo miss?" Ma-awtoridad niyang tanong.

"Sir,bisita po ako ni Brinon.Pinapunta niya po ako dito." Nahihiya kong tugon sakanya.Nakakatakot awra ni manong.

Binuksan niya agad ang gate at pinapasok ako.Pagkapasok ko dumiretso agad ako sa loob.Pero agad akong napatigil.Nandito si Sofia.Nasa sala.Katabi si Jauxe,kumakain ng popcorn habang nanonood.Naka-akbay pa si Jauxe Kay Sofia.Naagaw ko ang atensyon nila nang pumasok ako.Napatingin sila sakin.Umiwas agad ako ng tingin.Tumayo naman si Jauxe at tinanong ako.

"Why are you here,Mheera?"

Nakatingin lang ako sakanya.
Sumunod sakanya si Sofia Tapos pinulupot ang kamay sa braso ni Jauxe.Tinaasan niya ko ng kilay.Bago pa man ako makasagot bumaba si Brinon at siya na ang sumagot kay Jauxe.

"Pinapunta ko siya dito." Dumiretso siya sakin at hinila ako patungo sa kwarto niya.Habang pa-akyat kami nakatingin sila samin.Inalis ko na ang tingin ko sakanila at tumingin na lang sa daan.Pagkapasok namin sa kwarto ni Brinon pinaupo niya agad ako sa kama niya.

"Gawin mo na homework ko." Hinagis niya sakin yung notebook niya at ballpen.Tinignan ko siya ng matalim.

"Ang bastos mong demonyo ka.Ang lapit lapit mo naman." Dinampot ko ang notebook at ballpen.Sinimulan ko agad na gawin.Habang gumagawa ako siya naman naggi-gitara.Mahilig din siya sa music.Pero bakit siya nag-artista? Baliw talaga to.

"Ano tinitingin-tingin mo? Gawin mo na lang pinapagawa ko sayo." Tinapunan niya rin ako ng matalim na tingin.Sungit.

Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.Bumaba naman siya para kumuha ng meryenda.Tinapos ko agad ang homework niya at niligpit ito sa bag niya.Naglibot libot ako sa kwarto niya.Malinis ang kwarto niya.Kulay asul at puti.Isang mini sala tapos isang king size bed.May isang study table na may naka-tumbang picture frame.Lumapit ako dito at itinayo.Nakita ko ang nakalagay doon.

Picture ni Brinon at Sofia?

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon