"Brinon?"
Naglakad siya papunta sa upuan sa harap ko.Iba na ang suot niyang damit.Maayos rin ang kulay itim niyang buhok.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka-upo siya sa harap ko.Gulat na gulat pa rin ako.Ibig bang sabihin,siya si Bree-Bree?
"B-Bree-Bree?" Hindi makapaniwalang sambit ko sakanya.Tumango naman siya at tumawa.Ibang iba ang Brinon na nasa harap ko ngayon.Para siyang isang napaka-among pusa na natagpuan ang amo nya.
"Nice to see you again,Mee-Mee." Halata sa bawat ngiti niya na totoo ito.Walang halong biro.
"I-Ikaw ba talaga si Bree-Bree? Ang kababata ko?" Tinignan kong mabuti ang bawat anggulo ng mukha niya.Siya nga si Bree-Bree pero bakit Hindi ko agad napansin?
"Oo.Ako talaga si Bree-Bree. Ang kababata mo Mheera." Binigyan niya ko ng isang ngiti na nagpapahiwatig na siya talaga ang kababata ko.Tumayo ako at agad siyang niyakap.Tumayo din siya at niyakap ako pabalik.
"Na-miss kita Bree-Bree." Umiyak na ko habang naka-yakap sakanya.Mas lalo namang humigpit ang yakap niya sakin.
"Pwede bang kapag 18 kana,tutuparin ko na ang pangako ko sayo?"
"Anong pangako,Bree-Bree?"
"Ang pakasalan ka."
---------
Habang naglalakad ako papunta sa classroom hindi mapawi ang ngiti ko.Magmula kase nang umuwi kami ni Brinon galing Pangasinan,lagi na kaming nag-uusap through cellphone. Nasabi ko na rin kay mama na nahanap ko na si Bree-Bree. Nabigla din siya nang malaman niyang si Brinon at Bree-Bree ay iisa.Kanina nga nagpupumilit si Brinon na ihatid ako.Hindi ako pumayag,baka isipin kase ng iba na may relasyon kami.Hindi nga ako nakasagot dun sa tanong niya nung sabado eh.
Pagkapasok ko sa classroom sumulpot agad sa harap ko si Brinon na may ngiti sa labi.
"Good morning Mee-Mee."
Natawa naman ako sa pagbati niya sakin.Ang cute niya lang.Tinulak ko siya nang mahina para makadaan ako.Nakatingin na kase samin mga kaklase namin.Dumiretso ako sa upuan ko.Nakita kong bakante ang upuan ni Weng.Wala pa siya.Dati naman nauuna pa siyang pumasok kesa sakin.Pagka-upo ko tumabi agad sakin si Brinon.
"Sabay tayo mag-lunch?"
Naninibago talaga ako sakanya.Parang mas maganda pa yung noon na treatment niya sakin.Ngayon kase,ang sweet niya.Baka Mamaya,ma-fall ako niyan.Loyal ako kay Jauxe may labs.Haha.
"May kasama na ko eh.Si Weng." Bigla naman lumungkot ang mukha niya.Pero agad din siyang ngumiti.
"It's okay.Tayong tatlo na lang."
"Okay."
-*-*-*-*-*-*-
Hanggang dumating ang recess at lunch wala pa rin si Weng.Absent na siya.Kaya ang kasama ko ngayon habang kumakain ay si Brinon.Pinagtitinginan kami.Kaya naman naiilang ako.Sana pala hindi na ako pumayag.Nakayuko lang ako habang kumakain.
"Bakit ba nakayuko ka?" Hinawakan ni Brinon ang baba ko at iniharap ako sakanya.
"Nahihiya ako eh." Yumuko ulit ako.Grabe kase makatingin samin mga tao.Lalo na mga babae.
"Don't mind them.Just eat okay?"
"Okay."
Tinapos ko agad ang pagkain ko.Lumabas kami sa canteen at dumiretso sa school.Nang mag-uwian ay inihatid ako ni Brinon sa bahay.Pagka-alis niya umakyat agad ako.Naligo at nagbihis.Pabagsak akong humiga sa kama.Bakit parang hindi ako totally masaya kahit nakangiti ako? Bakit parang may kulang? Kinuha ko ang cellphone ko.Inaabangan ang tawag ni Jauxe sa Skype.Nakita ko kaseng naka-online sya.Hindi ko na matiis ang paghihintay kaya ako na ang tumawag.Pagkaraan ng ilang saglit,hindi ko Inaasahan na sasagutin niya ang tawag ko.Nakita ko agad ang mukha nya.Na mukhang may ginagawa Pero nakuha pa ring sagutin ako.
"Hi Mheera! What's up?"
"Wala lang naman.Gusto ko lang kamustahin ka."
"I'm okay.I'm sorry about the last time."
"Wala Yun okay lang.Baka nga busy lang siya.Kelan ulit world tour niyo?"
"This coming August.But December in Phillipines."
"Tagal pa pala.So,libre moko ah?"
"Sure.I'm going home before this month end.I'm taking you."
"Ha? Bakit?"
"I want you to see America."
"Libre mo gastusin?"
"Yes.Oh! I need to go.We have to shoot our last MV.Bye Mheera! See you!" Pinatay niya ang tawag.Napabuntong hininga naman ako.
Bakit parang mas masaya pa ako kapag kasama ko si Brinon? Pero bakit feeling ko kulang? Pero ngayong naka-usap ko naman si Jauxe,ang nasa isip ko naman si Brinon.Bakit ganito? Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba tuwing kasama ko si Brinon?
Napag-pasyahan ko na lang na tawagan si Brinon.Ilang ring lang at sinagot niya agad.
"Hi Mee-Mee,anong meron?"masaya niyang sagot sa kabilang linya.
"Wala lang kong magawa eh." Pagsisinungaling ko.Natawa naman siya.
"Bored ka? Punta ka dito.Laro tayo."
"Huwag na.Anong ginagawa mo?" Pinapakiramdaman ko ang sarili ko.Tumitibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing maririnig ko ang boses niya.Kanina nga nung hinawakan niya ang kamay ko,kanina ko lang naramdaman na may iba eh.Parang may kuryente eh.Ewan.Noon naman kahit hawakan niya wala akong nararamdaman,ngayon parang may iba.Simula nang malaman ko na siya si Bree-Bree iba na agad eh.
"I'm taking a bath.Gusto mo ko samahan?"
"Aba't! Kelan ka pa naging manyak ha!" Tumawa Siya Sa kabilang linya.Loko-loko to.
"Simula nang mahanap kita." Narinig kong pinatay niya ang shower nila.
"Anong konek nun?"
"Alam ko kase na magiging asawa na kita kaya naman nagpra-praktis na ko."
"Ulol!"
"Hahaha!" Sa sobrang lakas ng tawa niya nilayo ko pa yung cellphone sa tenga ko.Demonyong Yun! Demonyo na nga ,manyak pa!
"Bye na nga! " pinatay ko agad ang tawag.Tinurn off ang cp para hindi siya makatawag.Alam ko kase na namumula na mga pisngi ko sa mga pinagsasabi ng demonyong yon..
Bumaba ako para uminom.Pero pagkababa ko nakita ko si mama na may kausap sa gate.Sumisigaw siya.
"Umalis kana dito!" Pilit niyang itinutulak ang kausap niya.Hindi ko makita kung sino ito dahil medyo natatakpan siya ng likod ni mama.
"I want to see her." Malalim ang boses ng kausap ni mama.Lalake ito panigurado.
"Ano bang kailangan mo sakanya?! May sarili ka nang pamilya!" Sumigaw ulit si mama at tinulak ang kausap niya.Tumakbo ako sa gawi nila at hinawakan ang mga kamay ni mama na tumutulak sa kausap niya.Nabigla si mama.
"A-Anong ginagawa mo dito anak? Pumasok ka!" Sinigawan na rin ako ni mama.Natatakot ang mukha niya.
"Ano bang nangyayari dito,ma?" Hindi siya sumagot.Nakatingin lang siya sa likod ko.Natataranta ang mukha niya.Tumingin ako sa tinitigan niya.
"Sir Brie?"
---------
(A/N)Ano kayang relasyon nila sa isat isa? Hahaha! Mag-comment na kase kayo para makausap ko kayo.Vote niyo na rin kase plano kong isama to sa Wattys2018 eh.Sana suportahan niyo ko.Lab ko kayo!
![](https://img.wattpad.com/cover/146184062-288-k426922.jpg)
BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...