Arrgghh! Ang sakit ng ulo ko! Bakit ba kasi nagpuyat pa ako kagabi? Ansakit! Teka,anong oras naba?
10:36 a.m
Woah! Sobra naman ang pagpuyat ko kagabi ah. Naabot ko hanggang tanghali. Pero worth it naman. Natapos ko na kasi yung binabasa ko. And ang ganda ng ending. Sila na nagkatuluyan.Habang ako heto, asawa ko nga pero hindi ko pa nakikita. Charr. Hahaha.
Agad na akong bumangon at naligo na. Graduation na namin ngayon. Ambilis no? Pake mo? Kwento moto? Kwento mo to? And mamayang 12 pa naman ang graduation namin. Tanghaling tapat pa. May venue naman kasing paggaganapan eh. Tsaka kahit mahirap kami may motor kami. Oh ha! Yayamanin! Chos! Basta ayun na yun. Mabilisan lang akong naligo at hinanap agad yung nanay kong bruha. Char. Yung nanay ko syempre. Pagkababa ko nakita ko agad siya na naglalaba sa labas. Agad akong lumapit sakanya at tumulong na naglaba.
"Ma, bakit naman hindi mo ako ginising? Eh di sana natulungan kita." Agad kong kinuha ang upuan na maliit at sinamahan siyang mag-laba.
"Anak, gragraduate kana. Gusto mo bang pagod kang aattend doon?" Kinuskos ni mama ang damit at kinusot-kusot.
"Ma, kahit na. Eh ikaw? Eh di pagod kang aattend doon?" Kinusot niya pa ang damit tsaka ito nilagay sa kulibot.
"Mawawala naman ang pagod ko sa oras na maisabit ko na ang medal sayo." Hinugasan ni mama ang kamay niya at lumapit sakin.Hinugasan ko rin ang kamay ko at pinunasan.
"Anak, kahit ganito lang ang buhay natin. Gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral mo. Ipakita mo sa lahat na kahit ganito tayo kahirap, kayang kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa." Nagpunas si mama ng kanyang kamay at mahigpit na yumakap sakin. Yumakap rin ako sakanya.
"Ma naman, ang OA mo. Talagang tatapusin ko ang pag-aaral ko at ipapakita ko sa lahat na sobrang ganda mong maging nanay." Kumawala si mama sa yakap namin at humarap sakin.
"Panira ka talaga. Oh siya, kumain muna tayo at nang maayusan kana." Itinayo ako ni mama at dumiretso na kami sa hapag-kainan.
*-*-*-*-*-*-*
"Mheera Gail Mora,the daughter of Mrs.Janna Mora. She will received best in sports for winning the championship battle in Volleyball category and with highest honors."
Tumayo ako kasama si Mama. Umakyat kami sa stage at isinabit niya sakin ang gold medal at isang trophy. Halos mangiyak-ngiyak na si mama pero pinipigilan niya lang. Nagpakuha muna kami ng picture saglit at bumaba na rin kami.
Matapos rin ang ilang oras natapos na ang graduation namin. Isinabit ko ang medal ko sa aming tulugan at ang trophy naman ay dinis-play ko. Pumasok naman si mama at lumapit sakin.
"Anak, proud ako sayo. Kahit ganito lang ang estado nang buhay natin pinagbubuti mo pa rin ang pag-aaral mo. Alam kong matutuwa ang papa mo dahil sa ginagawa mo." Hinihimas-himas niya ang likod ng buhok ko na nakapag-papagaan lalo sa kalooban ko.
"Ma, salamat. Salamat kasi kahit wala na si papa at nasa langit na siya, hindi mo pa rin ako pinabayaan. Nagpakatatag ka para maiahon mo ako. Salamat mama." Yinakap ko agad siya at yinakap ng mahigpit. Matagal na kasing wala si papa. Tatlong taon pa lang ako nun binawian na siya siya nang buhay dahil sa isang sakit. Kung magiging kami ni Jauxe, aalagaan ko siya nang mabuti para hindi siya magkasakit hehe.
"Oh? Bakit ka tumatawa diyan? Nababaliw kana ba anak?" May halong pag-aalala si mama habang nakatingin sakin.
"Wala ma. Hindi ako baliw. Proud lang ako sayo kasi ang tibay mo. Sana paglaki ko maging kasing tatag mo rin ako." Yinakap ko na lamang siya ng mahigpit at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat makapagtapos lang ako... At syempre gagawin ko rin ang lahat mapangasawa lang si Bias hehe

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...