"I'll do my best just to win him."
"I'll do my best just to win him."
"I'll do my best just to win him."
"I'll do my best just to win him."
"What the hell!"
Nabigla ang mga nakasakay sa bus at napatingin sakin.Napatingin din sakin ang katabi ko na hindi ko pa alam ang pangalan.
"---sorry."
Umiwas na lang ako ng tingin at humarap na lang ulit sa bintana.Paulit ulit na lang kase yung boses na naririnig ko buong biyahe.
At naiinis na talaga ako kase,ano bang ikinagagalit ko? Ano bang pake ko kung mahal niya si Brinon?
"Okay ka lang?"
Humarap ako sa sakanya at tumango.Ang bait niya para awayin ko.Hindi naman ako masamang tao, eh.Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sakanya?
"Masama ba ulit ang pakiramdam mo?"
Oo,dahil naiinis ako sa nalaman ko tungkol sayo.Bakit ikaw?
"O-Okay lang ako.May naalala lang."
"Okay.Just reach me out if you need something."
Tumango na lang ako at humarap ulit sa bintana.Sa buong byahe na to,bukambibig niya kung ano nararamdaman ko.
Gets ko naman na concern siya,pero ang hindi ko lang ma-gets,bakit naiinis ako? Sa hindi ko malamang dahilan?
-*-*-*-*-*-*-
Bumaba na ako sa bus stop.Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko pero naka-alalay parin sakin yung babae.
Bakit ba hindi ko tinanong name niya kanina?
Inaya ko siya sa isang coffee shop.Gusto niya pang tumanggi pero pinilit ko na.
Nang makapasok kami,ako na ang nag-order.
Umupo kami sa bandang gilid.Nakita kong paningin tingin siya sa labas.May hinihintay din ba siya?
Inilapag ko ang mga order ko sa mesa.Medyo busy pa rin siya sa pagtingin-tingin sa labas.
"May hinihintay ka rin ba dito sa Cavite?"
Umupo ako at binuksan ang kape ko.Nilantakan ko na rin ang in-order ko blueberry cheese cake.
"Oo eh.May katext kase ako.Dito meet up namin."
"Ganun ba? Kain ka muna,I'm sure pagod ka rin."
Inilapit ko sakanya ang kape at strawberry cake.
"Sorry kung hindi ko na kinuha order mo.Sigurado kase akong gutom kana."
"Okay lang,tama ka naman eh."
Binuksan niya rin ang kape niya at kumain ng cake.
Umayos ako ng upo at Lumapit pa sakanya.
"Ano pala name mo?"
"My name is Via."
Naglahad siya ng kamay niya.Masaya ko naman itong inabot.
"I'm Mheera.Nice to meet you Via.".

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...