47

192 5 0
                                        

Ramdam kong nakasakay pa rin ako sa kotse ni Jauxe ngayon kasama si Weng but I just can't wake up.My head's still swirling like a bitch.

Nakapikit man ang mga mata ko pero pinakikiramdman ko sila.

They're sisters,huh?

Or maybe dahil lang sa kalasingan kaya ako nagkakaganito.

Jauxe stopped the car and Weng opened the door and step down.

Sinisilip ko sila sa mga mata ko na nakabukas ng half lang.

"Carry her."

Inginuso ako ni Weng,nauna na siyang maglakad.Binuksan ni Jauxe ang nasa tapat kong pinto at maingat akong binuhat.

Ipinagkatiwala ko na lang ang sarili ko sakanya dahil,sobra talagang umiikot ang mundo ko ngayon.I'm wasted but my soul is awake.

Nang mailabas niya ko sa kotse ay dahan dahan niya kong dinala sa isang kwarto.Maingat niya akong inilapag sa kama.

Tumitig muna siya sakin ng ilang saglit at narinig ko ang mga yapak niya palabas at ang pagsarado ng pinto.

Kinabukasan,sobrang sakit ng ulo ko pero talagang tiniis ko dahil may pasok pala ngayon.

Nagpahatid na lamang ako sa driver nina Weng. Pagkadating ko sa bahay medyo maaga pa naman kaya dali dali akong umakyat sa kwarto.

Naghanda na ako at nag-ayos.Bumaba na lamang ako at nakisabay kay mama.

Kasabay ng almusal ay ang sobrang dami ring dadak niya.

Nagpa-alam na lang ako bago pa niya ko mabugahan ng apoy.

Nag-para ako ng tricycle.Masakit pa rin ang ulo ko pero keri ko na to.Pagkadating ko sa school dumiretso agad ako sa first class ko.Ilang weeks akong absent kaya panigurado marami akong kailangan i-catch up ngayon.

Pagkadating ko ay sakto namang pagdating ni Ma'am at ni Brinon.Umiwas agad ako ng tingin sakanya.

Lumipas ang mga oras at puro special quizzes and exams ang ginawa ko.May mga activities pa na kailangan kong ihabol sa araw na ito para i-pass.

Kaya naman naging busy talaga ako.Hindi ko nga napansin na minsan eh tumitingin na pala sakin si Brinon.

Psh.

Anong tinitingin-tingin niya? Tusukin ko mga mata niya eh!

Nang dumating ang oras ng vacant namin ay dali dali akong nagpasama kay Weng para kumain.Hindi ko na kase naharap kumain kanina.

Bumili na lang ako ng tubig at biscuit. Hindi naman ako masyadong gutom eh.Sadyang ayoko lang talaga na hayaang walang karga ang tiyan ko.

Nang mag-uwian na dahil dalawang subjects lang naman ang meron kami sa hapon na ito ay umuwi na agad ako.Sabay kami ulit ni Weng pero dahil mas malapit ang kanila,nauna siya.

Naiwan akong naglalakad ngayon pauwi.Pagod na pagod na ang mga paa ko kanina pa dahil dun sa takbuhang nagawa ko kanina.

Madalian kase ang ginawa kong pagpapa-xerox ng mga papers at iba pang modules.Kaya sobrang nakakapagod talaga.

Nang nakarating ako sa bahay ay nadatnan ko si mama na naglalaba.

Hays.I need to help her.

Inilapag ko agad ang mga gamit ko at nagpalit ng damit.Bumaba ako at sinamahang nagkusot si mama.

Kahit na pagod ako,mas pagod naman tong si mama.Hindi naman porket nahanap na niya si papa,aasa na kami sakanya.

Matibay si mama,and I know she can do this without any help from anyone.Nakaya nga niya noon eh,ngayon pa kaya?

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon