"What are you sayin' bro?" Medyo naguguluhan si Jauxe pero hindi siya makatingin sakin.Hindi naman ako makapag-salita pero nanginginig akong nakatingin Kay Brinon.
Please,let me handle this Brinon.
Gustong gusto Kong magsalita pero ayaw lumabas nang mga salita sa bibig ko.Natameme ako.Naiiyak na rin ako.Napansin ni Brinon na nanginginig na ako at medyo iiyak na.Huminga siya ng malalim at mariing pumikit.
"N-nothing.I just want you to s-stay away from h-her." Nautal siya pero kinaya niya.Tumingin muna siya ng sakin ng matalas tsaka dumiretso na sa loob ng bahay nila.
Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas para magsalita.Kailangan Kong kumilos.Upang Hindi matalo sa laban.
"B-baka Hindi lang talaga ako gusto ni Brinon para sayo." Sinikap Kong hindi manginig Ang boses ko.Hindi ko kayang magsabi ng totoo sakanya.Ayoko.Lalo na't kaibigan ang turing niya sakin.Medyo naguguluhan pa rin siya kaya hinawakan ko ang balikat niya.
"Ano man ang sinabi ng kapatid mo,baka nadala lang siya ng pagod at galit.Huwag mo na siyang intindihin.At ako rin.Okay lang ako." Tinapik tapik ko balikat niya.Mahirap mag-sinungaling.Pero sana mapatawad niya ako.
"O-okay.I gotta go.I'm gonna talk to him.Do you want me to drive you home?" Nag-aalala ang mukha niya pero hindi ko yan deserve.Sinungaling ako.
"H-hindi na.Okay lang ako." Agad akong tumalikod sakanya at nagpakawala ng Isang Malakas na buntong hininga.Nahulog na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan .Masama na ba ako? Makasarili na ba ako? Nag-sinungaling lang naman ako kase mahal ko siya.Na kahit sandali man lang eh makasama ko siya kase alam ko na aalis din siya.Mapagsamantala na ba ako? Hindi ko naman intensyon na agawin siya kay Sofia eh.Hindi ko rin intensyon na mahalin niya ko.Gusto ko lang makasama siya kahit saglit.Dahil alam Kong imposibleng matupad ang pangarap ko na makasama siya pagtanda ko.
Buong paglalakad ko tulala ako at hindi mapigil ang pag-iyak.Hanggang makarating ako sa bahay.Dumiretso ako sa bago Kong kwarto na ipinagawa ni mama.Naligo ako at nagbihis.Pabagsak na humiga sa bago ring kama.Iniyak ko lahat ng sakit.Bakit ganito kasakit mag-sinungaling? Sasabihin ko rin naman lahat sa huli ah? Kapag handa na ako.Kapag handa na akong pakawalan siya.Pero,akin ba siya? Pagma-may-ari ko ba siya? Alam kong hindi.Ngunit masama bang manghiram? Kahit ilang saglit lang?
Pinunasan ko ang mga luha ko at nag-cellphone na lang.Nag-abang ng update tungkol sa The Legends.Sa ilang taon na pag-iidolo ko sakanila hindi pa rin kumukupas ang kasikatan nila.Pero,may mga issue na like,si ganito ka-date si ganyan.Si ano spotted dating si ano.Pero,hindi naman totoo.Kaso,si Jauxe meron nang Sofia.Alam ko hindi nila ipinapaalam kase baka kung ano mangyari o maramdaman ng mga fans nila.Ako lang ang fan na nakakaalam.Masakit,pero tanggap ko na.Konti lang naman.Asawa ko yun eh,huhu.Tapos may girlfriend na siya.Waaahhh!
Habang nag-aabang ng update sa twitter nag-log in muna ako sa IG ko.Syempre antagal nang hindi nabibisita to.Nag-upload lang ako ng ilang pictures.Pictures ni Jauxe ng nakatalikod.Nakatalikod lang para hindi mapansin na siya Yun.
Seeing you happy makes my eyes cry.Cry that cause of happiness and at the same time hurt,because I know I'm not yours.
Ang haba ng nilagay kong caption noh? Bakit ba,hugot ko yan eh.Pagkaraan nang ilang minuto marami nag-heart.Silent famous ako.Hindi naman gaano pero maraming nakakakilala sakin kase hindi ko alam.Tinignan ko ang mga comment na agad nagsi-datingan.

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
JugendliteraturSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...