Jauxe Brandon
Jauxe Brandon
Jauxe Brandon
Sheet! Hindi na siya mawala sa isip kooo! Magmula kasi kagabi nagresearch agad ako tungkol sa profile niya and napag-alaman ko na sa Korea siya nakatira. Sa Busan. And 20 yrs.old siya. Eh 13 pa lang ako? Kahit na ba! Age doesn't matter! Hahaha! Basta asawa ko siya. And nagpuyat pa ako para magpa-print ng photos nila. Inubos ko nga baon ko eh. Na-inlove na kasi ako sakanila lalo na sakanya hihi. Ang ganda rin ng boses niya. Marami pa akong pinakinggan na musics nila at soobrang ganda talaga ng boses. At dun ako mas lalong nainlove. Bukod kasi sa gwapo siya, ang bait pa niya. Maalalahanin siya sa mga members niya. Kaso may inaadmire na siya eh.
"Jauxe, who's that girl you loved a lot?"
"I don't love her, I just admired her because of her talent." -Jauxe Brandon
Umpisa pa lang ng laban talo na ko eh. Eh ang ganda kaya niya. Hindi niyo alam kung sino? Siya si Sofia Lee. Ang ganda niya pramis. Artista siya sa Korea and magaling ding singer. Talong talo ako. Walang wala nga ako sa paa niya eh. Huhu. Ikaw ba? Fangirl ka rin ba? Ansakit no? Asawa natin siya pero siya hindi alam ang existence natin. Saklap bes. Bigti ka na. Char.
Anyways, wow English haha. Ang piling ko na ba? Ginagaya ko lang si Sofia, baka sakaling magustuhan din ako ni Jauxe! Hahaha.
Magrereview na lang ako para sa final exams... Malapit na 'ko maghigh-school eh. Oh diba? Ang bata ko pa ang lantod ko na. Pake niyo ba? Marami ka ngang asawa eh. Mag-aaral na muna ako.
*-*-*-*-*-*-*
"Mheera, gising na! Hoy! Kakain na! Sige ka uubusan ka namin ng ulam!"
"Hoy! Adik sa wattpad! Gising kana!"
Istorbo naman to. Ayoko ngang bumangon. Napagod akong mag-review no. Bahala ka diyan. Nyahahah!
"MHEERA GAIL MORA!"
At dahil sa sigaw na iyon, agad akong napatayo at diretsong humarap kay... MAMA! Shit! Lagot ako nito!
"Nag-review ka o nagbasa ka na naman?" Nakapamewang niyang tanong sakin.
"Ma, nag-review po ako. Pramis!" Iniangat ko pa ang kanang kamay ko para makumbinse siya. Naku! Totoo naman ah. Nag-review ako. Tsk tsk ...
"Oh siya, halika na. Kakain na at bukas na ang iyong final exam. Para maaga kang makarest." Sabi niya sakin sabay alok na bumaba na.
"Bakit walang beauty?"
"Bakit? Maganda ka?" sarcastic na tanong ni mama. Hmp! Kj naman.
"Kung hindi ako maganda, eh di hindi rin pala maganda ang pinagmulan ko?" Tatawa-tawang tanong ko sakanya. Hindi na lang umimik at nag-walk out na lang. Totoo naman diba? Kung panget ka, malamang panget ang mama mo! Hahahaha..
Bumaba na lang ako at agad na sumabay sakanila. Minadali kong kumain at agad na umakyat at humiga. Kinuha ko agad ang cellphone ko at agad na nag-istalk sa Facebook fanpage ng The Legends. Kahit saang anggulo talaga ampogi nila. Ampopogi ng mga boyfriend ko lalong lalo na ang asawa kong si Jauxe. Hahaha. Huwag ka na umangal. Fangirl ka rin naman at sigurado akong mas marami kang asawa kesa sakin.
Habang busy akong nagii-scroll down may agad na dumagan sakin.
"Aray naman!" Huhu. Ansakit nun ah.
"Ano bang pinagkaka-busyhan mo diyan? Ha? Tsaka Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Hindi moko namiss ha?"
"Bakit naman kita mami-miss eh araw-araw ka namang bumibisita dito." Pabalang kong sagot sakanya.
"Ang harsh mo Mheera. Binisita ka na nga eh." Kunwaring nalulungkot na sabi niya sakin.
"Ate Analyn Mora, huwag kang OA pwede? Ang tanda mo na. 16 ka na nga ganyan ka pa."
"Ang sungit mo ngayon, ano ba yang pinagkaka-abalahan mo ?"
"Mga asawa ko." Matipid Kong sagot sakanya.
"Sus. Eh Hindi ka nga kilala ng mga yan eh." Confident naman niyang sabi sabay pamewang.
"Idol-in mo rin kaya sila? Sigurado ako maiinlab ka agad." Tinataas baba ko pa ang kilay ko habang nagsasalita.
"Sino ba yan?"
"The Legends. Pito sila pero si Jauxe talaga ang napusuan ko ng bongga eh." Sabi ko sabay pakita sakanya ng mga pictures ng The Legends. Agad naman niyang kinuha ang cellphone ko at nagscroll down.
"OwEmGi. Ang pogi nila ah. Pero sino to? Iniharap niya sakin yung cellphone ko at itinuro si Prexm Zixxe.
"Yan si Prexm Zixxe. Pangalawa sa pinakabunso sakanila. Ito naman si Jauxe Brandon, ang asawa ko at ikaw na bahala sa iba. Kilalanin mo na lang hehe." Paliwanag ko sakaniya. Tumango tango naman siya at parang may iniisip.
"Sige, aalis na ko. Mag-aral ka ng mabuti ah? Tsaka huwag mo muna isipin yang asawa asawa. Lintek ka."
"Oo na. Sige bye." Sagot ko sabay yakap at tuluyan na siyang umalis. Habang nagiimagine naman ako ng biglang nag-beep yung phone ko.
Hi Mheera! Kamusta kana? -Jauxe Brandon
OwEmGi

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...