39

181 7 0
                                        

"Oh come on! Let's have a picture!"

"Hey doggy! Eat this!"

"What the f*ck!"

"Yeah,I'll do it by Monday.Bye mom."

"Say aaah!"

Isa isa kong tinignan ang mga tao dito sa park.May kanya-kanyang Gawain ang bawat isa sakanila.Hindi nila pinapansin ang bawat isa.Sa sarili lamang nila ito naka-pokus.

Umihip ang mahina ngunit magaan sa pakiramdam na hangin.Hindi ako umiiyak,actually naka-smile pa nga ako eh.Matapos kase nang nangyari kanina,huminto na akong umiyak.Kahit masakit,kailangan kong huminto.Ano pa bang magagawa ko diba? At ano ba talagang punto ko? Hindi ko alam.Hindi ko alam kung bakit ko pa siya pinuntahan dito.Kinuha ko ang address niya sa bulsa ko at pinunit ito.Tinapon sa isang basurahan.Naglakad ako pabalik sa apartment.Uuwi na lang ako.Ano pa bang gagawin ko dito? Ayoko nang makita pagmumukha niya.

Ano bang ikinagagalit ko? Kapatid ko nga siya diba? Pero masakit eh.Ang hirap tanggapin na kapatid ko siya.Sana iba na lang.Sana hindi siya.E di sana kami na ngayon.Sana masaya kami ngayon.

Hayss.Wala na akong magagawa.Ito na ang nangyari eh.Mababago ko pa ba? Malamang hindi na.Siguro,may iba talaga na nakalaan para sakin.Pero sana naman si Brinon na.Aish! Bakit ba puro ako Brinon?! T*ngina! Nakakarindi na! Ayoko na! Bakit ba kase ang dali Kong ma-fall? Ang tanga ko na ba? Oo,ang tanga tanga tanga ko.Malandi na ata tawag sakin eh.Pero hindi niyo naman ako masisisi,kababata ko naman siya.Kahit papano may pinagsamahan kaming dalawa.Kung hindi ko kaya siya nalimutan,may kami na ba ngayon? Boyfriend ko na siya ngayon?

Pagkadating ko sa apartment ko,nag-impake agad ako.Nagpa-book agad ako ng flight ko.Wala pa lang kwenta ang pagpunta ko dito.Taena.Sana hindi na lang talaga ako pumunta dito.Useless ampota.

Binayaran ko ang isang gabing pagtulog ko dito.Gusto ko pa sanang pumasyal pero huwag na lang.May maalala lang ako dito.Ang tanginang fuckboy na Bwisit na yun.Pucha ang bitter ko na tuloy.

Pumunta na ako sa airport.Sakto namang 3 pm ang flight ko.2 na ngayon eh.Isang oras lang na paghihintay.Kaya ko naman eh.Sanay na akong mag-hintay.Charot.Ang hirap kaya.

Umupo ako sa waiting area dito.Marami-rami din akong kasabay dito papuntang Pilipinas.Puro nga lang sila foreigner.Ang bibilis mag-english eh.

Inilibot ko na lang ang paningin dito sa airport.Bakit mas maluwang pa to kesa sa NAIA? Sabagay,mas mayaman nga naman ang ibang bansa kesa sa Pilipinas.Saklap naman.Kaya naman pala ganun na lang mga ibang foreigner ano? Ang baba ng tingin sa atin.Tsk.Tsk.Kapag ako naging President ng Pilipinas,panigurado aangat agad ito.Wahhahaha! Ang lawak ng imagination ko! Hindi naman ako nakakain ng krimstick ah?

Nang marinig ko na ang hudyat ko,kinuha ko na ang bag ko at nagtungo na.Inins-peksyon muna ang bag ko bago sumakay.Tinignan ko ang plane ticket ko.Hinanap ko ang seat ko na may number na 6.Sa first row ako.Malay ko ba kung anong tawag dito.First time ko kaya.Umupo na ako sa upuan ko.Buti naman at dito ako sa tabi ng bintana.Makikita ko ang nasa ibaba kapag lilipad na ang eroplano.

Nagsalpak na lang ako ng headset sa tenga ko.Pli-nay ko ang bagong kanta nila Jauxe.Teka,oo nga pala.Si Jauxe! Mahal niya ko? Pero so sad,Hindi siya mahal ko.Kung hindi ang kapatid niya na kapatid ko na rin ngayon.Kung ganun,kuya ko na rin si Jauxe? I think hindi,hindi naman kami blood-related.

Habang nakikinig ako,naramdaman kong may tumabi sakin.Malamang,may katabi akong upuan eh.Shunga ko talaga.Hindi ko na ito pinansin dahil busy ako sa kakatingin sa labas.Lilipad na ang eroplano.Waahh! Excited ako! Unti unti na kaming tumataas.Yieehh!! Ang ganda! Parang ako na rin eh!

Sayang saya ako sa panonood ko nang maramdaman kong kinalabit ako ng katabi ko.Wow,close ba kami? FC siya ah.

Tinanggal ko ang headset ko at iritadong humarap sakanya.

"Ano?"

Napatigil ako.Pakshet malutong.Ang gwapo.Koreano mga bes! Mala-Jungkook ang mukha! Waaahh! Ka-look alike ni Jungkook! Pramis bes!

Kumunot Ang noo niya sa tanong ko.Hindi niya siguro ako naiintindihan.Napatingin naman ako sa katabi niya.Sumilip ito saamin.Omyholyshit! Taehyung?! Goooood! He really looks like Taeehyuuungg! You don't know them? Well,sila lang naman second idol ko aside from The Legends.

"Is it your first time to ride an airplane?"

"O-oo.Hehe." Humarap ako sa bintana at nilagay ang mga ligaw na buhok ko sa likod ng tenga ko.Ang landi ko na ha.

"You're cute." Tumawa siya ng mahina.

"N-Nakakaintindi ka ng Tagalog?"

"Yeah.I'm half Filipino and half Korean."

Napatingin ako sa ngiti niya.Mukha talagang kay Jungkook eh.Ang tangos ng ilong,mala-rabbit kung ngumiti.Tapos omyghad talaga,ang gwapo niya.Pinagpala na ako.Thank you Lord.

"Okay.Ano name mo?"

"I'm Marjeon."

"How about him?" Inginuso ko ang katabi niya na busy na ngayon sa pagbabasa ng libro.

"He's Tam-Tam."

Inalis ni Marjeon ang headset ni Tam-Tam.Inis na tumingin sakanya ito.Inginuso naman ako ni Marjeon.Nahihiya naman akong ngumiti sakanya.

"Hi!" Kinawayan ko siya pero gilid na ngiti lang ang isinukli niya at ibinalik na ang kanyang headset at nagbasa ulit.

"How about you? What's your name?"

"I'm Mheera" inilahad ko ang kamay ko sakanya.Blessing to from god kaya sunggab agad.Chos.

Kinuha niya naman ito at ngumiti.Ngumiti din ako at bumitaw na.Baka pasmado ako lagot na.Nakakahiya pa naman Yun.

Habang tumatagal ang biyahe inaantok na ako.Pero ayaw kong matulog.Tulo laway pa naman ako.

-*-*-*-*-*-

"Ma'am,we're here."

Nagising ako sa ingay ng kumakalabit sakin.Pinunasan ko ang gilid ng labi ko,buti walang tulo.Nilibot ko ang tingin ko sa paligid,wala nang tao.Napatingin ako sa flight attendant na naggising sakin.Ngumiti ako sakanya at tuluyan nang bumaba.Naglakad ako palabas ng airport.Nag-taxi na lang ako pauwi.Inumaga ako eh.Ang tagal ng biyahe.

Ilang oras pa ang binyahe ko at nakarating na din ako.Sa Pangasinan ako umuwi.Ayoko sa bahay.Nandun na naman siguro papa ko.Hindi na din ako tumuloy sa bahay ni lola.Humanap na lang ako ng hotel dito sa Dagupan.

Dahil medyo lumiliwanag naman na,madali na akong nakahanap.Sa simple lang ako pumunta.Titipirin ko muna tong pera ko.Ayoko ko pa kasing  umuwi.

Iniwan ko muna ang bag ko saglit.Lumabas ako para kumain.May restaurant din kase tong hotel na to.Sa kabilang side nga,bar na rin eh.Iinom siguro ako mamaya.

Umupo ako sa table na pandalawahan.Tinawag ang waiter at um-order.Nang dumating na ang pagkain ko,kumain agad ako.Nakakagutom ang pagbibiyahe eh.

Habang kumakain,may isang tao na umupo sa harap ko.Dahil busy ako sa pagkain,hindi ko agad ito hinarap.Kumakain ako mamaya kana magpapansin kung sino ka mang hinayupak ka.

"I'm sorry."

Literal na Napatigil ako sa pag-nguya ko.Nabitawan ko rin ang kutsara at tinidor ko.Dahan dahan Kong inangat ang tingin ko sakanya.

Paanong?

--------

AN

Hi guys! Ang plano ko sana magkaka plane crash eh.Tapos makakalimot ulit si Mheera.Pero parang panget naman na diba? Baka magalit kayo sakin! Hahahaha!

Anyways,siningit ko asawa ko! Waaah! Si Marjeon? Actually name ko at name ni Jungkook pinagsama ko eh.Hahahaha.Ang cute kase kaya Yun pinili ko.

Walang pasok bukas kaya nakapag-update ako.BTW,happy 195 reads! Dumadami na tayo mga kapamilya! Chos! Thank you sainyo! Ang saya ko talaga.Hindi ko to in expect! Sana magpatuloy pa yan till the end..

Please vote,comment and be a fan if you like.

Kamsaranghae! ;)

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon