41

194 9 4
                                        

Aray! Waaahh! Ang sakit ng ulo ko! Aish! Bakit ba kase uminom pa ako kagabi? Kainis! Parang binibiyak ulo ko potek!

Teka,nasan ako? Nasa bahay ba agad ako? Pero paano? Nakauwi ba akong mag-isa? Ay,hindi.

"Oh,brother.Wat ar yu doweng hir?"

Si Brinon? Tama! Siya ang dahilan! Siya ang naghatid sakin.Pero nasan naman ako? Nasa bahay ba niya ako? O sa bahay nila sa Maynila? Iniuwi na niya ba ako?

Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto.Mukhang kwarto niya to kase ganito din style ng room niya sa bahay nila.Plus,yung amoy niya naiwan niya dito.

"Yes dad.She's here.I will.Yeah.Yeah.
Bye."

Nagtalukbong agad ako ng kumot ng marinig ko ang boses ni Brinon na papasok sa kwarto.Hindi naman kase ito nakasara ng mabuti.

Nagpanggap akong tulog.Ipinikit ko ang mga mata ko at tumalikod sa gawi niya.Narinig kong ibinukas na niya nang tuluyan ang pinto.Lumapit siya sakin.Hinaplos niya ang pisngi ko.Para bang nakuryente ako.Ang sarap ng haplos niya.Pero at the same time,masakit sa puso.

"Sana hindi na lang kita naging kapatid.How I wish we're perfectly strangers.How I wish that we're only friends.How I wish I could marry you,Mheera." Hinaplos niya ang buhok ko.Ang sarap talaga sa pakiramdam.Miss ko na talaga siya.

Naramdaman ko naman na dumampi ang labi niya sa noo ko.Heaven.Ito ang mas masarap na halik higit sa lahat.Ang gaan ng halik niya.Ang sarap,nakakagaan ng loob.Pero bakit parang masakit din sa puso ko? Dahil ba sa katotohanang kapatid ko siya? Mapaglaro nga naman talaga ang tadhana.

Naramdaman kong tumayo na siya at lumabas.Nang masiguro ko na nakaalis na siya,iminulat ko ang mga mata ko.Napansin kong basa ang mga ito.Umiiyak na naman ako? Kainis! Hindi na ba ako titigil? Move on na Mheera! Kapatid mo nga siya okay? Bawal kayo! Itigil mo na yang nararamdaman mo sakanya hanggat maaga pa! Tumigil na siya kaya dapat ikaw rin! Tanggap na niya kaya kailangan tanggap mo na rin!

Napaiyak na lang ako.Ang sakit sakit kase eh.Bakit ba hindi ko matanggap? Mahal ko kase.Mahal na mahal ko kase eh.Kaya ang hirap tanggapin.Ano gagawin ko? Mahirap naman mag-move on.Oo madaling sabihin pero potek,ang hirap gawin.Para bang ngumunguya ka ng bato? Ang hirap talaga.

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo.Lumabas ako ng kwarto.Nakita Kong may hagdan.Nasa bahay ba niya ako?

Bumaba ako,nakita kong nasa kusina siya at may niluluto.Lumapit ako at umupo sa upuan.Naamoy ko ang niluluto niya,Chicken Ala King.

"Ang bango naman."

Nabigla siya sa pagsasalita ko kaya naman agad siyang napatingin sakin.Nahihiya siyang tumawa.

"Marunong ka pa lang magluto Mr.Twin Brother ni Lucifer?" Natawa ako sa sarili kong tanong.Bumalik na naman sa alaala ko ang una naming pagkikita.

"It's one of my secret,Ms.Selfie Girl." Isinalin niya ang kanyang niluto sa isang malaking bowl.

Ang gwapo niya sa suot niyang apron.Bagay niya palang maging chef? Chef na pogi hihi.

Bakit ba kinikilig na naman ako? Hindi ko na ba talaga kayang pigilan to? Kainis pero at the same time kasaya.Haha.

Nakatitig lang ako sa ginagawa niyang paghahanda.Tanghali na pala kaya ganyan ang inihanda niya.Napuyat talaga ako kagabi.

"Teka,paano mo pala nalaman na nasa bar ako last night?"

"Because I'm in that bar too.Kararating ko lang then nakita na kita."

"May bahay ka pala dito sa Dagupan? Hindi ko alam."

Pumunta siya sa sink at naghugas.Kumuha siya ng mga plato,baso,kutsara at tinidor.Inilagay niya ito sa harap kong lamesa.

"It's not mine.Kay lolo.Our lolo.Marami siyang bahay dito sa Pangasinan."

Ouch.Pinagdiinan talaga? Hindi ako sanay.Sana naman kalimutan niya muna yun pwede? Kase I'm not yet ready.I need time to accept the fact.

Nilagyan niya ang pinggan ko ng kanin.Pagkatapos ay ulam.Seryoso siya sa ginagawa niya.Pinagmasdan ko lang siya.Ang gwapo talaga niya.Perfect Man.

"Don't stare too much sister.Baka matunaw."

Umiwas agad ako ng tingin.Kinuha ko na lang ang kutsara at kumain na ako.Napahiya ako dun ah.Nakakahiya.Nahuli niya pa akong nakatitig sakanya.

Dali dali akong kumain.Tinitigan niya lang ako pero siya hindi kumain.Kaya naman sobra talagang nahihiya ako.

Huhugasan ko na sana ang pinag-kainan ko pero pinigilan niya ako.Niyaya niya na lang akong manood.

Umupo kami sa sofa sa sala.I-on niya ang TV.Habang nanonood,na boring ako kaya naman namili ako ng iba.

"Wala bang Wrong Turn dyan? Ang boring naman niyang Thor Ragnarok."

"Hindi mo gusto? Hindi ka mahilig dito?"

"Oo kaya.Mas gusto ko yung may thrill."

Kinuha ko ang remote sakanya. Since smart TV naman tong nandito,direkta siya sa YouTube.Nag-search ako ng mga Wrong turn.Pinili ko ang Episode 5.Sa lahat kase,ito pinaka maganda.

Nagtataka siyang Tumingin sakin.Nakakunot pa ang noo niya na parang naguguluhan sakin.

"Ano? Diba mas maganda yan?"

"You're unbelievable."

Habang nanonood kami,napapa-tsk siya.Para bang nandidiri.Tapos nagtatanong sakin kung totoo daw ba.Napapa-atras pa.Bading ba to?

"Oo totoo yan.Marami niyan sa Mindanao."

Literal naman na nanlaki mga mata niya.Napatawa naman ako ng malakas.Putcha! Priceless reaksyon niya! Hahahah! Mukhang natae na ewan! Namula pa mukha.

"Ang bading mo! Hahahaha!" Napahawak na ako sa tiyan ko.Bakla ata siya eh.

"Kadiri kase yan oh! Ew! They're eating people." Nagkru-krus pa ang kilay habang nagsasalita.Seriously? Ang isang Brinon?

"Joke lang! Sa tingin mo,totoo yan? Mag-isip ka nga."

"Tss."

Nanood na lang ulit kami.Nandidiri pa rin siya.Pero ayaw niya naman umalis.Bakla na talaga to.Ang duwag eh.

"Brinon."

"Hmm?"

"Kung sakaling totoo yang mga yan,tapos tayo sinalakay.Hinahabol tayong tatlo kunware nila d-dad.Tapos nadapa ako.Malapit na nila tayong maabutan.May pilay pa si dad tapos hawak hawak mo siya,ililigtas mo pa ba ako?"

Saglit siyang natahimik at napatingin ng seryoso sakin.Tumitig siya sa mga mata ko.

"Tinatanong pa ba yan? Sino sa tingin mo ililigtas ko?"

"S-Si dad.Oo nga no? Ang tanga ko.Kalimutan mo na lang."

Kunware akong Tumawa kahit ang totoo nasaktan ako.Bakit pa kase ako nagtanong?

"Nope.Its you before anything else.Ikaw muna bago ang lahat.Kung kailangang bitawan ko si dad para sayo,gagawin ko.Kung kailangang si dad ang ipakain ko gagawin ko.Ganyan ka kahalaga sakin."

O-O

-------

(A/N)
Sorry sa Wrong Turn! Nandiri ba kayo? Sorry naman! Ganyan kase gusto kong gawin with my boyfriend. Watching Wrong Turn with Jungkook! Hahaha! Pangarap ko yan.Pagbigyan niyo na!

Please mag-comment na kayo.

I love you all!/

Being A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon