Narinig kong bumukas ang pinto. Tinitigan ko pa rin ang picture.Magkasama sila? Close pala sila? May biglang humawak sa picture frame mula sa likod ko at itinumba ito.Nabigla ako kaya humarap ako.Nakita ko si Brinon.May kaba sa mata niya.
"C-close kayo ni Sofia?" Ayun agad ang lumabas sa bibig ko.Hindi naman siya sumagot at nanatiling nakatingin sakin.Sobrang lapit niya sakin.Nararamdaman ko na mabilis ang hininga niya.
"Uy!" Tinapik ko ang noo niya.Napapikit siya.Umalis ako sa harap niya at umupo sa kama niya.
"Para ka namang nakakita ng multo.Close kayo ni Sofia?" Kumuha ako sa hinanda niyang meryenda.Humarap siya sakin at umiling.
"Bakit may picture kayo? Naka-akbay kapa sakanya." Uminom ako ng juice at kumuha ulit ng donut.
"Are you done? You can go." Kinuha niya ng wrist ko at hinila pababa.Naiwan ko ang kinakain ko at sapilitan niya akong pinababa hanggang sa gate.
"Go." Sinarado niya ang gate at diretsong pumasok sa bahay nila.Eh? Nagtatanong lang naman ah? Naasar ba siya? Ano bang relasyon nilang dalawa?
Umuwi na lang ako sa bahay.Sabay kaming kumain ni mama.Umakyat ako sa taas.Naligo at nagbihis.Ginawa ko lang saglit ang homework ko at natulog na.
-*-*-*-*-*-
"Mheera,nagawa mo yung homework?" Tanong sakin ni weng.Nandito kami ngayon sa garden ng school.
"Oo naman.Bakit?" Sinalpak ko ang headset sa aking tenga at pli-nay ang isa sa mga kanta ng The Legends.
"Pwedeng pa-kopya?" Tumingin siya sakin tapos nag-puppy eyes pa.
"Libre mo ko mamaya?" Kinuha ko ang notebook ko sa bag tsaka ibinigay ko sakanya.Tumango naman siya at napangiti.Tamad talaga to si weng.
Unang homework eh,ayaw gawin.Tsk.tsk.tsk.Habang nakikinig ako sa kanta,nagbabasa ako ng sa wattpad."Love is war,I am your soldier."
Kyaaaaah!Bakit ganyan ka Elijaaaahh! Ang swerte ni Klare sakanya.Ilang beses ko na itong binasa.Pero kinikilig pa rin ako ngayon.
"Mheera,tara na start na ng klase." Kinalabit ako ni weng.Tinanggal ko ang headset at iniligpit ang gamit.Tinahak namin ang daan papunta sa classroom.Sakto namang kakadating din ng teacher namin kaya agad kaming nagsimula.
Papalapit na ang uwian nang biglang umulan ng malakas.Dumilim na rin kaya sin-witch na ang mga ilaw.Bigla akong kinabahan,wala akong payong.Huhu.Humarap ako kay weng,busy siya sa pagsusulat.Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon.Napatingin naman ako sa tabi ko.May naisip agad akong ideya.
"Brinon,bilang kapalit sa paggawa ko ng homework mo kagabi,ihatid mo ko." Bulong ko sakanya.Nagpatuloy lang siya sa pagsusulat kaya naasar ako.Kinalabit ko siya.
"Huy! Ihatid moko!" Bulong ko ulit.Hindi nya ulit ako tinignan.Uwian na kaya nagliligpit na ng gamit.Tumayo siya at itinago ang notebook sa bag niya.Agad kong kinuha ang notebook niya.Kumunot ang noo niya at napatingin sakin.
"Ihahatid moko o susunugin ko to para wala kang ipa-check bukas? Ano?" Hinugot ko ang buong lakas ko.Sana matakot siya.Pero imbes na mamili,kinuha niya ang bag niya at lumabas sa classroom.Buset! Ang sungit talaga ng demonyong Yun!
Kinuha ko ang bag ko at Nagpa-alam Kay weng.Nagsusulat pa kasi ang gaga.Ang bagal mag-sulat.Tinakbo ko ang daan patungo sa gate.Umaambon-ambon na rin.Hanggang sa lumakas.Itinago ko ang notebook ni Brinon sa bag ko at tinanggal ang palda ko.Mahaba naman ng konti ang short ko eh.Itinaklob ko ang palda ko sa bag ko at isinabit ito sa likod ko.Importante mga naka-lagay diyan eh.
Hinanap ko siya sa harap ng gate kahit na basang basa na ko.Ibabalik ko na lang ang notebook niya.Tutal basa na rin naman ako eh.Dumiretso na ako palabas.Pupuntahan ko na lang siguro sa bahay nila.Ang lakas ng ulan.Ang lakas din ng hangin,may bagyo ba? Dumaan muna ako sa pinakamalapit na plaza para bumili ng posters.Nakita ko kasi na bagsakan ang presyo.Kaya pinakyaw ko na.Kahit basang basa ay itinago ko ito sa bag ko.Madadagdagan na naman.Yehey! Umalis na ko sa plaza at dumiretso na papunta kila Brinon.Ang layo ng bahay nila.Pero kahit na,kasalanan ko to.Bakit kasi kinuha ko pa,hindi tuloy makakapag-review yun para bukas.Nang namataan ko na ang sundivision nila kumaripas na ako ng takbo.Nadatnan ko ang guard na kakasarado pa lang ng gate nila.
"Manong,nandiyan na ba si Brinon?" Tanong ko sa pagitan ng gate.Nasa loob na kasi siya.
"Wala pa miss.Si sir Jauxe lang nandito." Masungit na tugon niya.
"Pakisabi po nandito ako.May ibibigay lang." Agad naman siyang tumango at dumiretso sa loob.Naghintay ako sa labas.Nanginginig na ako.Ang lamig na eh.Malakas pa yung simoy ng hangin.Lumabas yung guard at binuksan yung gate.
"Pasok na raw ho kayo miss.Pasensya na.Kakilala ka pala ni Sir." Nagkamot pa siya sa ulo niya.Basang-basa na rin si manong.Tumawa na lang ako at sinabing wala lang iyon.Pagkapasok ko sa pinto,sinalubong ako ni Jauxe na may hawak ng tuwalya.
"Shit! You're so wet Mheera!" Nagmamadali niyang ipinulupot sakin ang kulay puting tuwalya.Tinanggap ko naman iyon.Iginaya niya ako sa sala nila at pinaupo.Nagpa-alam siyang ipagtitimpla niya ko ng kape muna.Pagka-alis niya agad na tumunog ang cellphone ko.May tumatawag.
Brinon Calling.....
"Mheera,where are you?!" Ang lakas ng ulan ay maririnig sa cellphone.Nasan ba siya?
"N-nasa b-bahay niyo." Parang na-guilty ako bigla.Hinahanap niya ba ako?
"F*ck! I'm waiting you here in the gate! Akala ko ba magpapahatid ka?!" Halatang naiinis siya.Nagulat naman ako.
"H-hinintay moko? Bakit nung sinundan kita wala kana?" Malumanay kong sagot sakanya.
"Umuwi ako saglit kase kinuha ko yung kotse ko!" Padabog niyang isinara ang pinto ng kotse niya.
"S-sorry---"
"Hintayin moko diyan.F*ck." Pinatay niya agad ang tawag.Hinintay niya talaga ako? Pero bakit? Hindi siya pumayag kanina diba? Napaka-unpredictable naman niyon.Hindi pumayag tapos maghihintay?
"Here's your coffee.Drink it and change your clothes." Inilapag ni Jauxe ang isang tasa ng kape sa lamesa.Kumunot naman ang noo ko.
"Sa bahay na lang.Wala akong damit.Hehe." napakamot ako sa ulo.Nakakahiya.
"Don't worry.I borrowed from Sofia.You need to change now." Itinayo niya ako at ibinaba ang bag mula sa likod ko.Iginaya niya ako sa taas papunta sa guess room nila.
"Your clothes are ready.If your done,just go downstairs.I'm gonna drive you home." Ngumiti pa siya bago isinara ang pinto.Nakita ko agad ang ternong damit na nasa ibabaw ng kama.Agad ko itong kinuha at pumasok sa banyo.Minadali kong naligo at nagbihis.Naghihintay si Jauxe eh.
Lumabas na ako sa kwarto.Bumaba agad ako at umupo sa sala.Agad akong napa-bahing.Tatlong beses.Naku! Lalagnatin ako nito.Habang hinahanap ang bag ko at ang palda ko ay biglang sumulpot Si Brinon na basang-basa at tila may hinahanap.Nang dumapo ang tingin siya sakin ay parang napanatag siya.Dumiretso siya sakin.Walang kung ano-ano'y niyakap ako.
"Akala ko may masama nang nangyari sayo.Akala ko napahamak kana.Mabuti ligtas ka.Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may masamang nangyari sayo Mheera."

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...