Bigla akong humagalpak ng tawa.Seryoso siya? Virgin pa labi niya? Sa gwapo niyang yan? Imposible!
"Demonyong pogi pero virgin ang labi?" Tumawa ulit ako.Nakayuko pa rin siya pero halata na namumutla na ang mukha niya.
"So what? I'm reserving it.F*ck." Sobrang pula na nang mukha niya na parang sasabog na.Sakto namang dumating na ang next teacher namin kaya tinigilan ko na siya.
Hindi ko pa rin mapigilang matawa.Tinitignan niya lang ako ng matalas.Bleh.Aasarin ko siya mamayang uwian.Hahahaha.Seryoso talaga siya na virgin pa labi niya? Mukha kaya siyang chickboy.
-*-*-*-*-
"Oy,sorry na." Sinundot ko ang likod ni Brinon habang naglilipit siya ng gamit niya.Kakatapos ko lang magligpit kaya hinihintay ko siya.Hindi kasi ako pinapansin eh.Parang nagui-guilty ako.Naasar kaya siya? Halata naman.
Hindi niya ako pinansin at dumiretso palabas.Sinundan ko siya hanggang corridor.Tinatawag ko pero hindi pa rin ako pinapansin.Aish! Nakakainis naman to eh.Sinundan ko siya hanggang sa daan pauwi sakanila.Hinila ko ang kanang kamay niya at pinihit ko siya paharap sakin.
Nabigla siya sa ginawa ko pero hindi naman siya tumalikod agad.Humugot ng lakas ng loob."Sorry na.Hindi lang naman kase ako naniniwala eh.Ang pogi mo k-kaya." Yumuko ako at binitawan ang kamay niya.Pinagsalikop ko ang mga kamay ko.Kinakabahan ako.Baka mamaya kainin ako nang halimaw na to.Tumikhim muna siya at bumuntong hininga.
"N-naasar ba kita?" Nakayuko pa rin ako at hindi siya tinitingnan.Huhu.
Sana naman hindi ako kainin nito.Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang tingin ko sakanya.Iniharap niya ang mukha ko sakanya.Para bang ine-examin.
"M-may d-dumi ba yung mukha ko? " Iiwas ko na sana ang mukha ko pero Iniharap niya ulit ako sakanya at mabilisang hinalikan.Nanigas ako.Natuyo lalamunan ko.Umurong dila ko.Humiwalay kaluluwa ko.Chos.Nabigla ako.
"B-bakit mo g-ginawa Yun?" Inalis ko ang mukha ko mula sa pagkakahawak niya at dinampi ang palad ko sa labi ko.Bakit parang ang sarap? No! No! Erase! Erase! Nakakadiri ka,Mheera! Omyghad,anong nangyayari sakin? Tumingin ako sakanya na may halong inis.Nakatayo lang naman siya at nakatingin sakin ng seryoso.
"Parusa yan sa pang-aasar mo sa demonyo.Sa susunod na insultuhin mo pa ko,hindi lang halik aabutin mo,bubukol nang parang bola ang tiyan mo." Nakapamulsa siya at bored na bored na nakatingin sakin.Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad.
"A-ANO? HOY,ANG BASTOS NG BUNGANGA MONG DEMONYA KA.SANDALIIII!!!!" buong lakas akong sumigaw at tumakbo papunta sakanya.Ang bilis maglakad ng demonyo na yun eh.
Nang maabutan ko siya hinila ko ang braso niya.Pinihit siya paharap sakin at ginantihan ko rin siya ng halik.Ganito ginawa ni Aemie kay Zeke diba? Ginantihan niya para mabawi niya.Tapos naasar si Zeke.Baka sakaling maasar din si Brinon hehe.
Nanlaki ang mga mata niya at agad na umalis sa halik.Hinawakan niya ang labi niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sakin.May halong inis at galit niya kong tinitigan.
"Kinuha mo unang halik ko,binawi ko lang." Nagflip-hair ako at iniwan ko siya dun.Natatawa pa ako.Idol ko si Aemie eh.Bakit ba? Hahaha! Pero dahil naisip ko na baka habulin ako nun,tumakbo na ako.Patungo sa bahay.Binilisan ko ang takbo ko habang tumatawa.Para na akong baliw.Bakit ba? Secret lang ah? Kinilig ako sa kiss! Waaahhhhh! Sorry Jauxe! Kinilig ako sa kiss ng kapatid mo eh! Alam niyo ba! Ang lambot ng labi niya! Tapos,parang may ano? Kakaibang feeling. Panay na kasi yung parang may kuryenteng nararamdaman kaya sakin,iba.May nararamdaman akong parang kakaiba sa *toot*toot* ko pataas sa lalamunan ko.Ewan.Iba eh.Hindi ko ma-explain.
Pagkadating ko sa bahay naligo agad ako at nagpalit.Kinuha ko ang cellphone ko at nag-abang ng update sa The Legends. Habang nag-scroll down ako,nag-beep.May nag-text.
From:Unknown Number
Snatcher.Come here.I'm gonna tell you something.
Ano? Snatcher? Ako? Sino ba to? Siraulo? Budol-budol gang? Pinaglololoko ba ko nito?
From:Mheera Gail
Sino ka ? Budol-budol ka ba? Sorry,wala akong pera.Singkwenta nga lang baon ko.Nag-iipon pa ako para sa world tour ng mga asawa ko.Tapos,Mahirap lang kami.Kaya,huwag ako.#DontMe
Pinatay ko muna saglit at bumaba para kumain na.Binati ko muna si mama ng Happy Mother's Day tapos umakyat na para matulog.Kinuha ko ang phone ko at may 2 new messages.Binuksan ko muna ang pang-una.
From:Unknown Number
What are you saying? I'm not budol-budol gang.Si Brinon to.Bumaba ka.
Brinon? Bumaba? Anong ibig sabihin niya? Binuksan ko naman ang pangalawa.
From:Unknown Number
You're mother is entertaining me now.She's going to ask you.Fix yourself.
Si mama? Kanina lang kumain kami ah? Bakit ang bilis? Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang kamay ko at nag-pulbo tapos nag-pabango na rin.Hihi.Crush ko na kasi si Brinon.Naku! Kyaaahhh! Kinikilig ako sakanya.Pero loyal ako sa asawa ko,si Jauxe lang ang may-ari sakin.Tsaka first kiss lang nakuha ni Brinon.The rest,Kay Jauxe na.Kinuha ko ang phone ko at bumaba na.
Nadatnan kong nag-uusap si mama at si Brinon sa sala.Napatingin sila sakin at nahinto sa pag-uusap.Lumapit naman sakin si mama at bumulong.
"Ang pogi ng nobyo mo anak.Hindi mo man lang sinabi sakin.Hihi." humalakhak siya sakin at tumingin Kay Brinon.Nagpa-alam siya na magha-handa muna nang meryenda at nag-tungo na sa kusina.
Dumiretso naman ako sa harap na upuan ni Brinon.Nakatingin siya sakin nang seryoso.
"Ano? Paano mo nalaman ang number ko? Paano mo nalaman ang bahay namin?" Dire-diretsong tanong ko sakanya.
"Jauxe." Tipid niyang sagot at nag-iwas ng tingin sakin.Nabigla naman ako.Si jauxe? Paano? Bakit?
"Jauxe checked your background profile.He shared it to me." Tumingin siya sakin pero seryoso pa rin.Ang sungit.
"Bakit naman niya tinignan?" Kumuha ako sa sandwich na kahahain lang ni mama sa lamesa.
"Because he's your friend.He want that all of his friends are good.He want that he knows them well.He also checked your accounts on social media and there.The truth revealed.He knew you know him.I think he's not mad,he's just disappointed.I came here to help you.To clean your name.I'll help you convince him that you really don't know about them.You just need to agree with me.Help me with my projects,etc." Tumikhim muna siya at tumingin ulit ng seryoso sakin.
"M-may chance ba na m-magalit siya sakin?" Kinakabahan ako.Hindi ko nga naubos yung sandwich.
"Meron.Baka nga ngayon kinamumuhian kana niya." Tumayo siya at dumiretso palabas.
Omo.
BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Teen FictionSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...