Tumakbo ako palabas ng mansion nila.Nakita pa akong umiiyak nung kasambahay habang bumababa.Parang nagsisisi ang mukha niya.Iniisip nya bang kasalanan niya?
"Wala po kayong kasalanan manang. It's my choice to get hurt."
Ngumiti ako ng tipid kahit na natuloy na umaagos ang mga luha ko.Bakit ba kase ako umiiyak? Pilit ko naman itong pinapahid pero wala eh,sadyang makukulit sila.
Naglakad na lang ako pauwi.Tinatamad akong sumakay eh.Mas feel ko pang maglakad.Nalilito na ko sa sarili ko.Bakit ba kase ako nasasaktan? Dahil ba sa nakita ko? Hindi ko naman gusto si Brinon diba? Mali,nagsisinungaling ako.Gusto ko na siya.Pero pinaglalaban ng isip ko si Jauxe.Na dapat siya lang kase may pag-asa ako sakanya.Pero bakit parang mas matimbang ang puso ko? Bakit parang mas pinapanigan ko ang puso ko kesa sa utak ko? Kainis naman na puso to eh! Gusto ko lang siya! Hindi ko pa siya mahal! Pero bakit ganito kasakit? Parang ginigiling ang puso ko eh.Sana naging manhid na lang ako.Sana hindi ko na lang nalaman na siya si Bree-Bree kung ganito din naman pala kasakit ang mararamdaman ko.Sana hindi na lang siya kasali sa mga naalala ko.Sana hindi ko na siya nakita pa ulit.Sana hindi na lang ako nagka-gusto sakanya.Bwisit na sana to!
Napatingala ako sa langit.Umuulan.Pinapatakan ang mukha kong nakatingala.Ang sarap sa pakiramdam.Parang ang ulan ngayon ang nakikiramay sa puso kong kamamatay lang ngayon.Ang oa ko na ba? Wala eh,nasaktan ako.May nangyari na ba sakanila? Nag-kiss na ba sila? Si Karina na ba second kiss ni Brinon? De bale,ako naman first kiss.Pero swerte ni Karina,kung virgin pa labi ni Brinon panigurado pati siya virgin pa kaya first siya ni Brinon.Bakit ko ba iniisip tong mga to? Pake ko sakanila? Magsama sila! Mga mahaharot! Ang ganda ngang babae malandi naman! Ganun na ba kadaling makakuha ni Brinon ng babae? Sumasama agad sakanya? Dapak! Ang landi ni Karina! Kung anong ikina-ahas ni Sofia,dumoble naman kay Karina!
Naglalakad lang ako.Patuloy na dinadamdam ang mga mabibigat na patak ng ulan.Thank you lord,nakikiramay ka sakin.
Habang naglalakad ako,nilalamig na ko.Nanginginig na nga ako eh.Hanggang sa may naramdaman akong sumusunod sakin.Medyo madilim na rin kase sa dinadaanan ko.Palabas na kase ako sa subdivision nila Brinon.
Binilisan ko ang paglakad ko.Bumibilis din ang lakad niya.Tumakbo na ako.Sumisigaw na rin ako ng tulong.Habang pabilis nang pabilis ang takbo ko,pabilis din ng pabilis ang takbo niya.Hanggang sa mahabol na niya ko.Tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay at tinutukan ng kutsilyo sa bandang leeg.
Jusko,lord.Help me.
"Sumama ka sakin."
Boses ng lalake.Hinila niya ko papasok sa isang eskinita.Huminto kami sa isang bakanteng bodega nang abandonadong factory.Padabog niya kong nilapag sa sahig.Itinali niya ko sa isang poste at tinakpan ang bibig ko.
Nagpupumiglas ako,pilit sumisigaw pero walang silbi.Lumabas sa isang pinto ang mga kasama nang lalake.Lima sila,nagtatawanan habang nakatingin sakin.May kanya kanyang dalang armas.Bakit pa sila nag-abalang magdala? Mukha bang lalaban ako? Mga tanga.
Lumapit sakin ang isa,yung pinakamatangkad.Hinaplos niya ang pisngi ko,pumiglas ako.Nakakadiri siya,ang dami niyang tattoo sa braso niya.Mukha pa siyang adik dahil sa mga hikaw na nakakabit sa tenga niya.Mukha ngang mapupunit na tenga niya eh.
"Ano tinitingin-tingin mo? " nanlilisik ang mga mata niya.Sobrang pula pa nito,nakakatakot.
"Banatan na natin para makuha na natin ang bayad boss." Sabat nung kumuha sakin.
Bayad? May nagpa-kuha sakin? Pero sino?
Tumawa ang boss nila at tumingin sakin.
"Mamaya na,sa ngayon,sugatan muna natin bago tikman.Hahahah!" Tumawa siya ng malakas.Sobrang sakit nito sa tenga.Napapikit ako.Natatakot na ako.Lord,kahit sino na basta mailigtas lang ako.
Kinuha nila ang kanya-kanya nilang armas.May kutsilyo,may bat,at kung ano ano pa na sa tingin ko,ikamamatay ko na.
Unang lumapit sakin ang pinakamaliit at nilatigo ako sa braso.Ang hapdi,pakiramdam ko napunit ang balat ko.Namula agad ang tali na nakagapos sakin.Napapikit ako sa sobrang sakit.Malapit na akong maiyak pero hindi.Hindi ako iiyak dahil hindi nila deserve ang kahit isang patak ng luha ko.
Lumapit naman sakin ang may kulay pulang buhok,may bitbit na batuta.Hinampas niya ito sa kabilang braso ko nama.Napadaing ako.Taena! Ang sakit! Parang nadurog buto ko! Napakagat ako sa labi ko.Papatayin na ba nila ako?
Sunod namang lumapit sakin ang kanilang boss.Wala siyang dala kahit ano.Tanging isang nakakuyom na kamao lang ang iniharap sakin.
Sinuntok ako sa tiyan.Napasuka ako ng dugo.Sunod sa pisngi na nakuha pang tumagilid ng ulo ko na animo'y hinampas ng isang hallowblack sa tigas ng kamao niya.Pinagsusuntok niya ko.Sobrang sakit na ang katawan ko.Napayuko na ako.Namanhid na ata katawan ko sa mga ginawa nila.
"Boss,suko na.Tirahin na natin."
Kahit pa narinig ko ang sinabi nang isa nilang kasama,hindi na ako nagbigay pansin pa.Mamamatay din naman ako.Why care diba?
Lumapit sakin ang boss nila,Tinanggal ang tali na nasa katawan ko.Pati na ang nasa mga kamay ko.Inilagay nila ko sa maduming kama,pinahiga.Mas lalo Kong naramdaman ang sakit ng katawan ko.
Lumabas muna sila,iniwan ako sa loob.Napapikit na lang ako,dito na ba magtatapos ang buhay ko? Hindi ko na ba matutupad ang mga pangarap ko? Sana naman hindi.Sana may tumulong sakin dito.Ayoko pang mamatay,marami pa akong pangarap sa buhay.
Pumasok na ulit sila,Nauna ang boss na lumapit sakin.Halata naman sa tawa niya na siya to kahit hindi ko pa imulat ang mga mata ko.Itinaas niya ang damit ko.Hinihintay ang kanyang susunod na gagawin pero wala.
Nakarinig lang ako ng malakas na sila at suntok.Hindi ko iminulat pa ang mga mata ko,bahala silang mag-away diyan sa katawan ko.Namatay na rin naman ako diba? Mag-away lang sila! Mga punyeta sila!
Nang tumahimik ang paligid,doon na ako nagtaka.Walang ingay,tanging ang mabigat na paghinga lamang ng isang tao ang naririnig ko.Lumapit ito sakin,mabibigat ang bawat pagyapak ng kanyang mga paa.Hindi pa rin ako dumilat,Ayokong makita ang mukha ng taong bababoy sa pagka-babae ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko.Pati na rin ang buhok ko.Naramdaman kong inilapit niya ang kanyang ulo sa dibdib ko. Tinitignan niya ba kung buhay pa ako?
"I'm glad you're still alive,Mheera."
Nabigla ako sa narinig kong boses.Possible bang siya ito? Pero diba nasa mansion siya?
Idinilat ko ang mga mata ko.Doon ko nakita ang mukha niyang may sugat.Napa-laban ba siya?
"Mheera."
Napaiyak na ako.Salamat lord.Dahil nagdala kayo ng tao na magliligtas sakin.Salamat talaga.
"T-Thank you,B-Brinon."
Tinignan ko pa nang isang beses ang mukha niya at tuluyan nang ipinikit ang mga mata.
----------
(A/N)Maganda ba? Challenging kase ang pagsusulat ko nito eh! Nagsusulat ako Habang naka-charge phone ko! Hahah.Sana nagandahan kayo.Thank you pala sa pagbabasa! Lalo na kina Caren at Jerica! Lab na lab ko kayo! Thank you sa pagsuporta sa story ko ah! Sana Hindi niyo ko iwan!
Please comment,vote and be a fan if you like.
Lovelots!

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Novela JuvenilSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...