Tahimik kami habang naglalakad.Walang umiimik.Kinakabahan ako habang siya seryoso at wala ni isang lumalabas sa bibig.Huhu.Ano na kaya iniisip ni Jauxe? Naiinis na kaya siya sakin? Nagagalit? Baka pinapatay na niya ko sa isip niya.Myghadness,(nakigaya Kay Althea haha).Sana naman Hindi.Ganun ba niya kinaiinisan ang mga sinungaling? Sabagay ako rin eh.
Nang makarating kami sa harap ng gate nila,nadatnan namin si Jauxe na may kausap sa phone.Napatigil siya nang makita ako.Ibinaba niya ang phone niya at diretsong tumingin sakin.Blangko.Walang galit,walang inis.Pero Hindi rin naman siya natutuwa na makita ako.Nagtago ako sa likod ni Brinon.Nakakatakot pala ang isang tao kapag walang emosyon.
"Oh,you're here Mheera." Nagpakita siya ng isang pekeng ngiti.Lumapit siya sakin at hinila ako paalis sa likod ni Brinon.Hindi pa man ako nakakalayo hinawakan naman ni Brinon ang isang kamay ko.
"I brought her here.She's my visitor.Not yours." Blangko rin ang ekspresyon ni Brinon.Nagsusukatan sila ng tingin.
"Oh,sorry brother.May I borrow her just for a while?" Tumingin muna sakin si Jauxe at humarap Kay Brinon.
Hinila ako ni Jauxe pero hinila rin ako ni Brinon.Nagpapalit-palit ang tingin ko sakanila.Habang sila ay nagtitigan.Unang bumitaw si Brinon."I gave her to you completely and finely, give her back completely and finely too." Pumasok si Brinon sa loob at iniwan ako at si Jauxe.Nakahawak pa rin si Jauxe sa kamay ko.Nang makapasok si Brinon binitawan ni Jauxe ang kamay ko natatawang tumingin sakin.Kumunot naman ang noo ko sakanya.
"I think he cares for you." Tumawa ulit siya.Nagtaka ulit ako.Diba galit siya sakin? Ano to? Natatawa siyang nagagalit?
"I'm not mad at you,Mheera.Niloloko ko lang ang kapatid ko.Alam ko kasi yung about dun sa hinihingi niyang pabor sayo.So,naisip ko gagawa ako ng paraan para mapilit ka niya.And there it is,mukhang nakahanap na siya ng paraan para mapapayag ka.Pero bakit parang galit pa siya?" Tumawa ulit siya at ngayon,nakahawak pa sa tiyan niya.
"H-hindi ka galit s-sakin?" Nanginginig pa rin ako.Ngayon,halo halo na emosyon ko.Tuwa,takot,galak.
Ewan ko ba."I'm not.Besides,you're my friend.So what if you knew me all along? Isn't it better? My friend is one of my fans too?" Tumigil na siya kakatawa at humarap sakin.
"A-akala ko galit ka sa mga s-sinungaling?" Itinago ko mula sa likod ko ang mga kamay kong nanginginig.
"Yeah,I am.But,if you didn't lie,you'll not be my friend.I treasure you.Because I think you're true." Lumapit siya sakin at tinitigan ang mga mata ko.Ngumiti siya at nanlambot ang mga tuhod ko.
"Just do me a favor.Please help my brother.I love him and I care for him.Just help him.Please?" Kinuha niya ang isa Kong kamay at hinawakan ito ng mahigpit.
"S-sige.P-para sayo." Hinigit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.Ngumiti naman siya.
"Thank you.Puntahan mo siya.Sabihin mo na pumapayag kana.Pero huwag mo sabihin na hindi totoo na galit ako sayo.Magpanggap kang malungkot.Kung nagtanong man siya kung anong sinabi ko sayo,huwag mo nang sagutin.Okay?" Hinawakan niya ang balikat ko at tinapik ito.Iginaya niya ako sa loob nang bahay nila.American style ang bahay nila.Bahay pala nila Brinon.Maluwang ang sala nila na pinalibutan ng mga vase na ubod ng laki.Sa tabi nito ay may mga lamesang Maliit at may mga pictures.May mga painting din at family picture.Si Jauxe,ang mama nila,si Brinon,at ang may-ari ng school namin,na siyang tatay ni Brinon.Umakyat kami sa hagdan nilang may tubig sa loob.Ang ganda.Walang wala ang bahay namin.Haha.Huminto kami sa tapat ng isang pinto na kulay brown at may nakaukit na dragon.Ang ganda nung dragon,ang bongga.
"Come in,I think he's waiting for you." Pinihit ni Jauxe ang door knob at Nagpa-alam na sakin.Kinakabahan naman akong pumasok sa loob.Dahan dahan at pati ang pagpihit ng door knob ay hindi na marinig.Sinarado ko ang pinto dahil nadatnan kong nage-ensayo si Brinon nang guitar habang nakatalikod sakin.Nanatili akong nakatayo sa likod niya at nakinig sakanya.

BINABASA MO ANG
Being A Fangirl (Completed)
Novela JuvenilSabi nila, LOVE is blind, it is unpredictable, it is mysterious, it is unexplainable. But, it is the most wonderful thing in this world. It is some kind of feeling that, you'll choose to be hurt, just to feel the love you want. LOVE is blind, dahil...